5. Chess Pieces

122 11 7
                                    

Ako lang po ang may Alam kung paano mahahagis ang itak HAHAHA.
______________________________

[[[PoV Gerald]]]

"AYAW KO NA! AYAW KO NA!" Nag iiyak na si Garry. Asa taas kami ng puno at kitang kita namin ni kambal ang pangyayari.

"Ako nga pala eto" tinanggal nung killer ang maskara. Nakatalikod naman sya sa amin kaya di namin nakita.

"ANG DEMONYO MO-----" napatakip kami ng bibig. Initak ng killer yung mukha ni Garry. Maraming dugo ang kumalat sa lupa. At ang susunod na pangyayari ang nagpakakilabot sa amin.

Tumingin sya sa pwesto namin. Nginitian nya kami at umalis na sya. Pero hindi pala sya umalis. Bumwelo sya at hinagis ang itak sa amin. Mabilis naman kaming nakailag. Sinundan namin ng tingin ang itak at sa di inaasahang pangyayari...

Tumama ang itak sa dibdib ni Terrence.

"Ayaw ko na dito" nag iiyak na sabi ni kambal.

"Makakaalis tayo dito. Papatayin natin ang killer" galit kong sabi.

____________________________

[[[PoV Lexi]]]

"The Game has ended. You may leave your cheap hideouts" Sabi ata nung killer.

"GUYS!!" Huh? Si Cairon?

"Patay na si Garry ni Terrence!" Sabi nung kambal.

"Huh? Pa-paano?!" Nakisingit si Zyrene.

"Hindi to pwede!" Nagiiyak na si Luke. Tss. Sya lang naman nag iisip na mag bestfriend sila ni Garry eh.

Tumakbo si Zyrene sa bangkay ni Terrence.

"Hoy! Aba! Gising!" Naluluha na nyang sabi. Pati ako napapaiyak na din.

Nagsi iyak na din ang mga babae. Si Terrence kasi. Mahilig magpatawa tsaka heartthrob ng mga Grade 10.

"HOY! PANGET GISING!" Patuloy parin sya sa ginagawa nya.

"Eh Gaga! Alam mong may itak sa dibdib oh?!" Sabi ni Chloe. Mukhang nairita naman si Zyrene.

"Eh ano kung may itak?!" Ayan. Nagalit na nga.

"Ibig sabihin nun PATAY na!" Sabi ni Chloe. Sinugod ni Zyrene si Chloe at sinampal nito.

"Hey! Stop that. Walang mapapala ang away nyo." Sabat ni Zeus.

"Eh sino ka ba? Di naman kita bestfriend ah?! Pati di tayo close!" Sigaw ni Zyrene at tumakbo na papalayo. Inirapan naman ni Chloe si Zeus.

"Tss. Aarte.." Bulong ni Zeus at umalis na din.

"Hey. Hoy. HUY!" Nagulat ako. Si Gerald pala.

"Anong Alam mo Kay Zeus?" Tanong nya sakin.

"Hu- huh? Ah eh wala naman bakit?" Tanong ko. Hindi naamn sya si Zeus Achilles diba?

Kuebiko: Bloody TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon