CHAPTER 11

101 9 1
                                    

[CHAPTER 11]

NAKATINGIN lamang ako sa pagkain na nasa harapan ko hindi na ba talaga babalik sina Lazarus hindi ko kayang makasama si Xavier.

"Walang lason yan"inis nyang saad hindi ako tumingin sa kanya, kinuha ko ang kutsara at tinidor gusto kung ngumiti dahil ito ang kauna-unahan na matitikman ko ang luto ni Xavier, para din akong maiiyak pero pinigilan ko. Dahil isa din ito sa mga pangarap ko na kasama sya at ngayon ay naiiyak ako  dahil kung kailan ay sumuko na ako para mahalin sya ay ngayon nya lang ginawa ang bagay nayun.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"nabitiwan ko ang kutsara hindi ako sumagot.

"Emerald"tawag nya sakin nanginginig ang mga kamay kung dinampot ang kutsara.

"Maayos lang"tila bulong na iyon pero narinig nya parin.

"Ako na ang maghuhugas ng mga plato"saad ko habang nililigpit ang mga ito.

"Ako na, maglakad-lakad ka nalang sa tabing dagat"sabay hawak nya sa kamay ko agad kung inalis ang kamay ko dahil parang nakuryente ako.

"Ako na Xavier"

"Pwede ba wag kang makulit Emerald"galit na saad nya napa-atras ako at tinalikuran sya tulad ng sinabi nya ay naglakad-lakad ako sa tabing dagat. Walang pag-asa na makatakas ako dahil nasa gitna ng dagat ang isla. Umupo ako sa malaking bato at pinagmasdan ang mahinang pag-alon ng dagat, asul na asul rin ito ang sarap tignan mas gugustuhin ko pang mabuhay sa ganitong lugar kaysa sa Maynila. Napaluha ako ng maalala ang anak ko dapat nandito din sya, nararamdaman ko pero wala na.

Hinaplos ko ang tiyan ko bakit nangyayari ang mga bagay na ito sakin. Tama si Phineas may kasalan naman ako kung bakit nawala ang baby ko dahil pinipilit ko ang sarili ko kay Xavier at ngayon nawala na ang baby sa tiyan ko lang na realize na hiwalayan si Xavier.

Sa pagkakataon na ito ay wala na akong takas kay Xavier pagkatapos ng ginawa ko sa kanya ay sigurado akong nagpaplano sya kung paano nya ako papaikutin at ang pamilya ko. Napatigil ako sa pag-iisip ng maramdam na merong bumalot sakin.

"Malamig dito"walang ganang saad nya at umupo sa tabi ko, napahawak ako sa jacket, pinunasan ko ang mga luha ko.

"Isang buwan pa babalik si Lazarus"

"Ano?"gulat kung saad hindi  nito.

"Magsimula ulit tayo"laglag ang panga ko sa sinabi nya ng matauhan ako ay binawi ko ang kamay kung hawak nya.

"Ano na naman bang laro ito Xavier?"inis kung tanong tumayo sya.

"Gusto kung subukan na mahalin ka"napangisi ako ng nakaka-asar.

"Hindi mo na ako maloloko! Nakokosensya ka lang dahil wala na ang anak nating dalawa"emosyonal kung saad.

"Isa akong gago Emerald"

"Talagang gago ka"iyak kung sigaw.

"Wala akong ginawa kundi mahalin ka Xavier pero anong sinukli mo sakin ginawa mung impyerno ang buhay ko kahit manlang sana Xavier nirespeto mo nalang ako biglang asawa mo kahit wala kang pagmamahal sakin, dapat hindi mo rin dinamay ang anak nating dalawa Xavier, kung galit ka dapat sakin bakit kailangan mo pa syang idamay"niyakap ako ng sobrang higpit pinaghahampas ko sya.

"Lumalaban ako para mabuhay sya tapos papatayin mo lang sya"umiyak lang ako habang sinsusumbatan sya tanging paghingi ng tawad ang paulit-ulit kung narinig sa kanya.

"Mahal kita pero nakakapagod bakit ngayon ko lang naramdam ito kung kailan wala na ang anak natin dapat noon pa, pero kahit sumuko man ako sa pagmamahal para sayo ay hindi mo naman ako papakawalan, sisirain mo ang buhay ko"panunumbat ko sa kanya sumiksik sya sa leeg ko.

"Mahal ka mahal kita noon pa man, bata palang tayo Xavier minahal na kita kahit paulit-ulit mo akong pinagtatabuyan ay minahal parin kita pero nakakapagod din palang mahalin ang isang katulad mo"nakinig lamang sya sakin.

"Ngayon sasabihin mo na susubukan mo akong mahalin para saan pa?"tanong ko.

"Dahil takot akong mawala ka pinagsisihan ko ang lahat"mapakla akong tumawa.

"Natauhan ka dahil sinaksak kita o dahil nawala na ang anak natin?"tanong ko at nagpupumiglas sa kanya pero mahigpit ang pagkayakap nya sakin. Ramdam ko ang mabibigat nyang hininga sa leeg ko  at ramdam ko ay parang namamasa iyon. Impossible na umiyak sya at kung umiiyak man sya ay sigurado akong peke lang iyon.

"Natauhan ako ng marinig ang mga sinabi mo na gusto mo na akong iwan at sumuko kana, kahit nakapikit ako ay gising naman ang diwa ako"sinasabi nya ba narinig nya ang mga sinabi ko pagkatapos ko syang saksakin at bumagsak sya sa sahig.

"Binabangungot ako nai-iwan mo ako, na magmamahal ka ng iba!"pumiyok sya dahilan para magulat ako.

"Kung gusto mo ibalik mo sakin ang pagpapahirap na ginawa ko sayo"

"Hindi ako tulad mo Xavier kahit saktan man kita hindi maibabalik ang sakit at trauma  na ginawa mo!"panunumbat ko.

"Kung sumuko ka na Emerald hayaan mo na ako naman ang lumaban para sa ating dalawa"basang-basa na ang leeg ko, kinagat ko ang pang-ibabang labi ko patuloy parin sa paglandas ang mga luha ko.

"Hayaan mo akong ipaglaban ka, hayaan mo ko akong suyuin ang puso mo na nasaktan ng dahil sakin, hayaan mo akong mahalin ka kahit ipagtabuyan mo ako"

"Ayoko na Xavier pagod na pagod na ako gusto ko ng lumayo sayo hindi kadali na humilom ang sugat na ginawa mo sakin, magiging toxic lang Xavier kung hahayaan kitang pumasok ulit sa buhay ko na ganun lang"pagpapaintindi ko sa kanya.

"Gusto kung ayusin ang sarili ko malayo sayo"dagdag ko pa dahan-dahan na dumalas ang mga braso nya sakin.

"Naguguluhan kalang sa nararadamdaman no baka naawa kalang sakin o baka nakokosensya kalang"mahina kung saad.

"Alam ko ang nararadamdaman ko Emerald"mahina nya ding saad.

"Pwes hindi ko alam kung alin ang totoo o hindi"malamig kung saad, kasabay ng paglubog ng araw ay kasabay rin na pagpapalaya nya sakin. Kasinungalingan lang pala na walang telepono sa Islang ito dahil meron tinawagan nya si Lazarus.

"Emerald let's go"saad ni Lazarus helicopter ang dinala nito para mas madali daw ang pag-alis namin.

"Hindi sasama si Xavier?"tanong ko sa kanu bumuntong sya.

"Hindi sumakay kana"malamig nyang saad muli kung sinulyapan ang isla napabutong nalamang ako at sumakay sa helicopter.

Paalam!

MoonLoverPrincess2

HIS PUPPET [PLEASURE SERIES 3] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon