CHAPTER 3

201 8 0
                                    

[CHAPTER 3]

MABUTI nalang talaga ay pumunta si Lazarus kanina kung hindi sya dumating ako kaya ang nangyari sakin. Nakangiti ang mga labi ko habang hinahanda ang mga pagkain. Napatingin ko sa orasan alas syete na ng gabi mga ganitong oras sya dumarating pero wala parin sya.

Kahit na gutom na gutom na ako ay gusto ko syang hintayin kahit hindi naman kami araw-araw sumasabay sa pagkain. Umupo ako sa sofa at hinintay sya pero ilang oras pa ang lumipas ay wala parin. Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan ang pagkain sa lamesa. Agad akong napatayo ng marinig ang kotse nya. Nakangiti ang mga labi ko na sinalubong sya sa pinto pero naglaho din iyon ng may kasama na naman syang dalawang babae ibang babae na naman galing sa bar kung saan pinapatrabaho nya ako doon dati.

Kumunot ang noo nya ng makita ako pilit akong ngumiti sa kanya.

"Buhay ka pa pala!"inis nyang saad  ngumiti nalang ako kahit ang sakit-sakit na.

"Naghanda ako ng mga pagkain Xavier!"saad ko pero hindi nya ako pinapansin bumungisngis ang dalawa ng linagpasan ako ni Xavier. Huminga  ka ng malalim Emerald kaya mo'to dapat masanay ka na sakanya.

Pumasok nalamang ako na may ngiti sa labi at pinagsilbihan sya. Kahit papano ay masaya na ako sa tuwing sinisilbihan ko sya. Pagkatapos ko syang silbihin ay agad na akong tumalikod at pumanta sa kusina. Umupo ako sa sahig at kumain habang umiiyak. Alam ko na masyado na akong martir at ang tanga, tinatanggap ko na lamang ang kaparusahan na ginagawa sakin ni Xavier. Pero hindi ko kayang mabuhay pag malayo ako sa kanya para ba sya ang nagbibigay sakin ng Oxygen para mabuhay ako.

Kahit ilang beses nya na akong pinagtabuyan ay bumabalik parin ako  na kasama sya. Dahil mahal na mahal ko sya. Para sa iba hindi na ito pagmamahal dahil nasasaktan na ako maiintindihan lang nila ako sa oras na lumugar sila sa sitwasyon ko alam kung ito rin ang gagawin nila.

Pinunasan ko nalamang ang mga luha ko at inubos ang pagkain. Paglabas ko sa kusina ay wala na sila sala. Mapait nalang akong napangiti dito nalang ako matutulog dahil maririnig ko lang ang halinghing nila kung doon ako sa sa kwarto ko matutulog. Baka magdamag na naman akong umiyak kung doon ako matutulog. Pagkatapos kung hugasan ang mga plato ay agad na akong nag ayos sa sarili ko naghilamos nalang ako dahil ayoko kung umakyat sa taas. Ayoko kung marinig ang mga ungol at halinghing nila.

Hinaplos ko ang sofa kahit maging sunod-sunuran ako kay Xavier wala akong pakialam dahil mahal ko sya. Humiga na ako tumingala sa kisame. Walang araw na hindi nya ako sinaktan ilang beses narin ako sinugod sa hospital at muntik ng mamatay dahil sa pagbubog nya sakin binalewala ko nalamang iyon. Dahan-dahan kung pinikit ang mga mata ko na may ngiti sa labi atleast ngayon gabi ay hindi kami mag-aaway sana ganito nalang palagi.

Nagising lamang ako na merong malamig na tubig ang bumuhos sakin kaya agad akong napabangon. Napayakap ako sa sarili ko at hingal na hingal na nilingon ang dalawang higad. Nagtawanan ito ay nag apiran pa.

"Nagugutom na kami!"napabutong nalamang ako ayoko silang patulan ngayon baka ma badtrip na naman si Xavier sakin. Pumunta na ako ng kusina at binalewala lamig na nararamdaman ko dahil basang-basa ako. Pagkatapos kung magluto ay linapag ko na ang mga pagkain sa lamesa.

"Goodmorning Xavier!"masiglang saad ko ng bumaba sya pero malamig nya lang akong tinignan.

"Labhan mo ang damit ko!"malamig nyang saad.

"Gagawin ko yun!!"masigla kung saad at tumakbo papuntang kwarto nya. Nakangiti ang mga labi ko na pumasok sa kwarto nya kailan kaya ako makakatulog sa kwarto nya. Kinuha ko na ang mga gamit na nasa basket pero napatigil ako ng makita ko ang larawan ni Valentina kinuha ko yun. Ang swerte swerte nya naman nasa kanya na ang lahat pati si Xavier nakuha nya pa. Napabuntong ako dahil hindi nya kinuha si Xavier dahil ako ang kumuha ako ang mang-aagaw ako ito ang nanira sa relasyon nila.

Kaya wala akong karapatan na magalit kay Xavier dahil ginusto ko ito sinira ko ang relasyon nila ni Valentina. Agad ko yun binalik pero nagulat ako ng bigla itong bumagsak sa sahig dahil hindi ko naayos. Basag ang frame malilintakan na naman ako nito agad akong lumuhod at pinulot ang mga salamin wala akong pakialam kahit dumudugo na ang kamay ko ang mahalaga ay maayos ko ito bago pa makita-

"What the hell!"sigaw nya huli na dahil nandito na sya. Agad along tumayo sinalubong ko ang nagliliyab nyang mga mata.

"Simple lang ang inutos ko Emerald hindi mo pa nagawa ng maayos!"sigaw nya.

"Sorry hindi ko-"hindi nya ako pinatapos dahil hinala nya ang buhok ko at ingat nya iyon.

"Wala ka talagang magawang matino!"sigaw nya sakin at kinaladkad ako papuntang kama nya agad nya akong tinulak.

"Xavier!"nagulat ako ng inalis nya ang sinturon nya.

"Wala ka talagang kwenta!"napasigaw ako ng hinampas nya iyon sa likod ko.

"Kulang pa lahat ng yan!"sigaw nya umiiyak lamang ako at tiniis ang paghampas ng sinturon nya sa likod ko. Wala eh mahal ko talaga sya kahit ganito kahit ikakamatay ko pa ang pagmamahal ko sa kanyang wag nya lang ako iwan. Sinubsob ko ang ulo ko sa kama dahil tumama ang bakal ng sinturon sa likod ko. Hinila nya ang buhok ko para mapaalis ako sa kama.

"Fuck you!"sigaw nya at pinakain ang sinturon sakin.

"Tangina Xavier!"sigaw ni Lazarus agad syang tinulak nito at hinila ako.

"Nababaliw ka na ba?"sigaw ni Lazarus umiyak lamang ako sa likod nya.

"Shut up Lazarus umalis ka jan tuturuan ko ng leksyon ang walanghiyang yan!"sigaw ni Xavier.

"Gago!"sigaw ni Lazaru sumiksik pa ako lalo sa kanya ng papalapit sa amin si Xavier.

"Lazarus!"sigaw ni Xavier.

"Tangina Xavier mapapatay mo sya!"mahinahon na saad ni Lazarus.

"Diba may kailangan ka pa sa kanya pag namatay mo sya mawawala ang lahat ng pinaghirapan mo!"dadag ni Lazarus inis nyang binato ang sinturon sa pader at nanlilisik ang mga mata nyang tinignan ako.

"Walang kwenta!"sigaw nya at padabog na umalis sa kwarto doon lang ako nakahinga ng maluwag pero biglang bumagsak ang katawan ko mabuti nalang ay nasalo ako ni Lazarus. Dahan-dahan kung na-ipikit ang mga mata ko at mapait na ngumiti kay Lazarus.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO REACT AND COMMENT

HIS PUPPET [PLEASURE SERIES 3] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon