CHAPTER 4

110 8 0
                                    

[CHAPTER 4]

NAGISING ako sa puting kwarto mukhang nahuhulaan ko na kung nasaan ako. Dahan-dahan akong bumangon nang makita ako ni Lazarus ay agad syang lumapit sakin. Mapait akong ngumiti sa kanya palagi nya nalang ako nililigtas sa pananakit na ginagawa ni Xavier sakin.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"tanong nito sakin.

"Ayus lang ako Lazarus!"nakangiting saad ko sa kanya bumuntong lamang sya at napahimas sa leeg nya.

"Hindi man kita gustong iwan dito Emerald kaso may importante kasi akong lalakarin ngayon!"nahihiyang saad nya hindi ko mapigilang bumungisngis na ipinagtaka nya.

"Ayus lang Lazarus kaya ko naman ang sarili ko sige na umalis kana!"malakas syang bumuntong inabot ko ang kamay nya.

"Okey lang!"sabay ngiti ko gumanti din sya ng ngiti at tinapik ang ulo ko.

"Okey wag ka munang aalis dito sa hospital baka anong gawin na naman ni Xavier!"seryosong sabi nya.

"Yes po!"umiling sya at malawak na ngumiti.

"Mag pagaling ka!"saad nya bago ako iwan sa apat na sulok ng kwarto. Pagkasara ng pinto ay yumuko ako, marami ang pumapasok sa isip ko tulad nalamang kung ano ba ang ginagawa ngayon ni Xavier, nasaan ba sya at nag-aalala kaya sya sakin.

Natatakot ako na baka iwan nya ako kaya naman napagdiseyonan ko na tumayo at lisanin ang kwartong ito. Pero pagkabukas ko ng pinto ay nakangiting doctor na babae ang sumalubong sakin.

"Hindi pa maayos ang kalagayan mo iha!"saad nito sakin at tuluyang pumasok sa kwarto ko.

"Ayus na po ang pakiramdam ko!"pilit akong ngumiti.

"Mabuti nalang ay malakas ang kapit ng bata sa tyan mo!"namutla ako dahil sa sinabi nya at para akong nabingi.

"Ano pong sinasabi nyo?"kumunot ang noo nito at kalaunan ay ngumiti.

"Buntis ka at malakas ang kapit ng bata sa tyan mo pro hindi ibig sabhin ay hindi ko mag-iingat, ingatan mo ang sarili mo ganun din ang baby sa tyan mo masaya ako para sayo at sigurado akong matutuwa ang partner mo sa magandang blessing!"sunod-sunod akong napalunok, masaya ako dahil buntis ako pero lamang ang kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko pag sinabi ko kay Xavier na buntis ako baka ginawa sya ng paraan para makunan ako. Pag ka alis ko ng hospital ay balisa ako hanggang byahe. Hindi ko na napigilan hawakan ang tyan ko at haplusin iyon. Buntis ako madalas sa tuwing may nangyayari sa amin ni Xavier ay minsan na puputok nya iyon sa loob ko.

Walang symptoms at minsan ay nakakalimutan ko rin mag inom ng pills. Nanginginig pa ang mga kamay ko na hinawakan ang pintuan. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa anak ko. Wala akong lakas na loob na sabihin sa kanya na buntis ako. Dahil alam kung hindi sya matutuwa. Galit sya sa akin at atat na atat na mag divorce kaming dalawa pero hindi nya magawa dahil sa may kailangan sya sakin at hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong pakay nya. Pagkapasok ko sa mansion ay madilim na paligid ang sumalubong sakin. Wala sya dito at saan naman kaya sya pumanta.

Baka nandoon sa mga kaibigan nya, pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. Naglinis muna ako at naghanda ng pagkain na alam kung hindi naman sya uuwi para kahit ganun ay pagbalik nya dito ay alam nyang pinagsisilbihan ko sya at hindi pa ako sumusuko, umaasa na magiging masaya kaming dalawang, hindi pala kaming tatlo. Sya, ako at anak namin nasana ay maging masaya sya sa balitang sasabihin ko. Sa ngayon ay humahanap pa ako ng tyempo kung kailan ko sasabihin sa kanya.

Tulad ng plagi kung ginagawa ay hinintay ko sya hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako. Nagising lamang ako sa mabibigat na yapak kaya dahan-dahan akong bumangon, kinusot ko ang mga mata ko para lumiwanag ang paningin ko.

"Xavier!"tawag ko sa kanya at napatingin ako sa mga maleta na nasa gilid. Bigla akong napatayo at nanginginig. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang braso nya. Inis syang lumingon sakin.

"Tangina ano ba!"sigaw nya at marahas na umigting ang panga nya. Namumuo na ang mga luha ko iniisip ko palang naiiwan nya ako pakiramdam ko ay wala ng saysay ang buhay ko.

"Xavier wag mo akong iwan please!"pagmamakaawa ko sunod-sunod syang nagmura at pilit na tinatanggal ang kamay kung nasa braso nya pero yumakap lang ako sa kanya.

"Shit Emerald ano ba!"inis nyang sigaw hindi ko na napigilan ang umiyak ng makasubsob ako sa dibdib nya.

"Wag mo akong iwan please mahal kita"

"Anong aalis pamamahay ko ito kung meron man n dapat na umalis dito ikaw iyon.......ano ba lumayo mo kung ayaw mong saktan kita!"inis nyang singhal kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at dahan-dahan na lumayo sa kanya. Inabot ko ang mga mata ko itong punasan ang mga luha ko sa mata.

"Hindi ka aalis?"napahimalos s'ya ng mukha, pinipigilan nya ang sarili nya nasaktang nya.

"No! Shit....umalis ka nga Jan!"saad nya ngumuso lamang ako at pinagmamasdan syang inaayos ang mga maleta. Nakarinig kami ng tunog ng takong kaya pareho kaming napatingin sa pinto. Isang mestisang matangkad na babae ang nakatayo sa pinto. Hubog ang pangangatawan nito dahil sa suot na red fitted dress. Pula din ang gamit na lipstick nito. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot sa babaeng nasa harapan ko. Kahit Naka sunglasses ito ramdam ko ang nagliliyab nyang mga mata na nakatingin sakin. Ngumisi sya at dahan-dahan na inalis ang sunglasses. Para akong hihimatayin kung sino ang nasa harapan ko.

Valentina!

First Love

First Girlfriend

Ex Fiance

Ni Xavier

"Xav it's that okey that I'm here?"mahinhin na saad nito lumapit sa kanya si Xavier. Kinagat ko ang pang-iibang labi ko ng makita kung paano pumulupot ang braso nya sa bewang ni Valentina matamis ang ngiti nito.

"Oh course Val!"humagikgik si Valentina mukhang nagsisimula palang pala ang kalabaryo ko sa loob ng mansion.

MoonLoverPrincess

HIS PUPPET [PLEASURE SERIES 3] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon