CHAPTER 5 🔞

143 7 0
                                    

WARNING THIS CHAPTER CONTAINS MATURED CONTENT

[CHAPTER 5]

HINDI ako mapakali anong gagawin ko bumalik na si Valentina. Anong plano ni Xavier sa akin, ibabalik nya ba ako sa Club. Kinagat ko ang mga daliri ko dahil sa sobrang kaba at ang daming pumapasok sa isipan ko. Sigurado akong hindi maganda ang pag-uwi dito ni Valentina. Kailangan kung huminga ng malalim at pagkatapos ay mag-isip ng maayos. Asawa na ako ngayon ni Xavier at walang magagawa ang pinsan ko dahil sa aming dalawa ako ang may karapatan hindi sya.

Tama!

Hindi dapat ako mag panic, napalundag ako sa gulat ng merong kumatok sa pinto ko. Inayos ko ang sarili ko bago buksan ang pinto nasaan pala ay hindi ko nalang ginawa. Tinulak nya ako para nakapasok sya sa kwarto ko.

"You are really ambitious Emerald"sabay lingon nito sakin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang mukha, ngumisi ang mga labi nya kita ko sa mga mata nya ang pandidiri nito sakin.

"Akala mo siguro ay magiging masaya kana dahil pinakasalan ka ni Xavier hindi mo manlang ba naisip na kaya ka nya pinakasalan dahil may kailangan sya sayo, stop dreaming Emerald kahit kailan ay hindi ka nya mamahalin ni Xavier dahil ako lang ang mahal nya itatak mo yan sa utak mo"galit na saad nya, kailangan kung kumalma dahil paghindi ko yun ginawa ay baka masampal ko sya o worst baka ano pa ang magawa ko sa kanya. Pilit ang mga ngiti ko na tinignan sya.

"Look Valentina wala akong pakialam sa gusto mong ipaintidi sakin ang mahalaga yung ngayon, kasal na kaming dalawa at sa mata ng diyos, sa ibang tao ako ang asawa sa madaling sabihin ako ang legal!"diin ko sa huling salita. Lumapit sya sa akin at malakas akong sinampal, kinuyom ko ang dalawang kamay ko.

"You are disgusting"sigaw nya, matapanh ko syang tinignan sa mga mata at ngumisi.

"Kung nakakadiri ako Valentina anong tingin mo sa sarili mo? Pumapatol ka sa isang lalaki na merong inuuwian na asawa akala ko ba mas matalino ka kaysa sakin bakit ngayon iba yata!"namumula na ang mukha nya dahil sa galit.

"Hindi kita uurungan dahil ako ang asawa ni Xavier ako ang may karapatan sa kanya hindi ikaw, kung hindi sya mapupunta sakin pwes hindi ko rin hahayaan na mapunta sya sayo, tiniis ko ang lahat ng sakit at parusa na ginagawa sakin ni Xavier kaya naman ipaglalaban ko ang karapatan ko biglang asawa nya, kung hindi mo yun matanggap pwes unting-unting mo ng tanggapin sa sarili mo na habang nandito ako, sakin lang sya!"mahaba kung saad sa kanya para ipaintidi sa kanya kung saan sya lulugar. Nagmartsa sya pa Ali's sa kwarto ko hindi ko mapigilang mapangiti. Nakaya ko kung labanan sya pero hindi dapat ako maging kampanti dahil sigurado akong magsusumbong yun kay Xavier. Hindi nga ako nagkamali dahil rinig ko na ang mabibigat na yapak nya at galit na pagtawag nya sa pangalan ko.

"Emerald"sigaw nito ng makapasok sya sa kwarto ko ay agad nyang hinablot ang buhok ko.

"Xavier nasasaktan ako!"naiiyak kung saad.

"Talagang masasaktan ka dahil sa katangahan mo!"bulyaw nito sakin hinawakan ko ang malaki nyang kamay sa buhok ko.

"Sinasabi ko lang naman sa kanya ang totoo....aray!"hinila nya ako papalapit sa kanya.

"Shunga ka talaga kahit kailan, wala ka talagang magawang matino, palagi mo nalang pinapasakit ang ulo ko!"gigil nyang sigaw.

"Xavier gusto ko lang iklaro sa kanya ang lahat-"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sinampal nya ako ng sobrang lakas dahilan para malasahan ko ang dugo. Mukhang madadagdagan na naman ang pasa ko ngayong araw. Hinawakan nya ang panga ko at pinisil iyon.

"Itong itatak mo sa kukute mo sa oras na may gawin kapang hindi maganda kay Valentina sisiguraduhin ko paglalamayan kana!"sabay malakas nyang tulak sakin. Umiyak nalamang ako, ito na naman titiisin ko na naman ang lahat. Wala naman akong ginawang mali sinabi ko lang naman ang totoo sa bruhang yun na isa syang kabit at kahit kailan ay hindi sya mananalo sa tunay na asawa. Dahil sa kakaiyak ko ay nakatulog na ako, nagising lamang ako sa lakas ng ingay, dahan-dahan akong bumangon mukhang sa kwarto ni Xavier iyon nangagaling. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko ng makarinig ng mga halinghing. Tinakpan ko ang dalawang tainga ko. Kakagising ko lang galing sa iyak at ito naman ay iiyak na naman ako ng dahil sa kanya.

Tumayo ako, mabuti pa siguro ay doon nalang muna ako sa swimming pool para hindi marinig ang mga halinghing nila. Pagkarating ko sa swimming pool ay hindi ko mapigilang mapangiti ng maalala ang childhood memories naming dalawa ni Xavier.

FLASHBACK

"Kuya Xavier"nakangiting saad ko habang kumakaway sa kanya. Napatingin ito sakin, blangko ang mukha nito, nakasabit sa leeg nya ang isang earphones. Nang makalapit ako sa kanya ay kinuha ko iyon at linagay sa tainga ko para pakinggan.

Far Away by Nickelback

"That I love you, I have loved you all along"kanta ko habang nakatingin sa kanya. Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sakin.

"And I miss you, been far away for far too long"

"I keep dreaming you?ll be with me and you?ll never go"

"Stop breathing if I don?t see you anymore"

Hindi ko natapos ang pagkanta ng binawi nya sakin ang earphones.

"Aray!"saad ko ng sumabit sa buhok ko ang earphones.

"Tanga-tanga kasi!"pagalit nyang saad. Inis nyang inalis ang buhok ko, nakamasid lang ako sa ginagawa nya.

"Stop staring"malamig nyang saad na hindi tumitingin sakin.

"I like you Kuya Xavier when I become a woman I will marry you!"nakangiting saad ko hindi sya umimik sa sinabi ko.

END OF  FLASHBACK

Kung maibabalik ko lang ang lahat isusulit ko ang pagsasama naming dalawa ni Xavierw. Kung maibabalik ko lang ang lahat.

MoonLoverPrincess2

HIS PUPPET [PLEASURE SERIES 3] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon