“Tangina mong bata ka! Anong tingin ‘yan, ha? Ang lakas ng loob mong tingnan ako ng ganiyan! Wala kang galang sa magulang! Sige! Lumaban ka! Sumagot-sagot ka nang makita mo ang dapat mong makita! Alam mo kung sino ang magdurusa!”
Matinding nanginig ang mga kamao ko habang labag sa loob na ibinababa ang galit na tingin. Sa totoo lang ay hindi ko na alam pa ‘yong hangganan ko. Punong-puno na ako. Alam ng Diyos na malapit na akong sumabog at lumaban, at sa oras na mangyari ‘yon ay gabayan Niya sana ako at paglinawin ang isip ko dahil baka mapatay ko ang sariling ama ko.
“Walang silbi! Dapat ay ipinaglaglag ka na lang ng nanay mo! Mga panira kayo ng buhay ko!” huling sabi niya sabay labas ng bahay.
Muling dumaan ‘yong kirot sa dibdib ko sa mga maaanghang na salitang iyon kahit pa dapat ay sanay na ako. Pero ang lahat ng mga masasakit na salita na sinasabi niya ay naririto pa ring malinaw at malalim na nakaukit sa puso ko. I remembered every words, every single painful and belittling words, and the way they cut deeper than any physical blow.
“Wala kang kuwenta!”
“Wala kang mararating sa buhay!”
“Ipinanganak kang mahirap at mamamatay kang mahirap!”
“Nangangarap ka nang gising!”
And then, there were those times when words were not enough for him, when his anger would manifest in the form of fists, belts, and anything he would reach, leaving marks on my skin and scars on my soul. At matapos niyang masabi ang lahat na para bang hindi ang mga ‘yon sumugat, ay maiiwan na lang akong tahimik na nakatayo sa isang gilid habang iniinda ‘yong sakit, hanggang sa mauwi na lamang ang lahat sa pamamanhid, ako na paulit-ulit na tinatanong ang sarili at ang mundo kung ano ba ‘yong nagawa ko para sapitin ang lahat ng pagdurusang ito.
Nakakatawa. Nakakatanga ‘yong sinasabi nila na dapat daw na tinitingala ng mga anak ‘yong mga magulang nila, na tingnan sila bilang magandang halimbawa. Dapat naman talaga, pero depende pa rin sa magulang, hindi ba? Sabi ko nga, ang respeto ay ibinibigay sa nararapat dito. Usang malaking kalapastanganan na ibigay ang salitang ‘yon sa tatay ko.
What would happen when the person you were supposed to look up to was the one who kept crushing your dreams? Anong mangyayari kung ‘yong kamay na dapat na gagabay at hahawak sa ‘yo patungo sa magandang landas at buhay ay ‘yong mismong nananakit at tumutulak sa ‘yo pababa?
At hindi lang sa pananakit ng pisikal at sa mga salita magaling si Tatay. Mayroong sisirain din niya ‘yong mga libro ko at pipilasin ‘yong mga pahina ng notebooks ko, ihahagis sa basurahan ‘yong sapatos ko, susunugin ‘yong bag ko, habang paulit-ulit na sinasabi sa akin na walang kuwenta ang edukasyon, na nag-aaksaya lamang ako ng panahon kung saan maaari ko na lamang gamitin ito sa paglilinis ng bahay, pagluluto, at pagsisilbi sa kaniya, o ‘di kaya ay magtrabaho. Na mag-aasawa lang din daw ako ng walang kuwentang lalaki at magiging utusan sa bahay. Walang pakundangan na sasabihin niya ang mga iyon na para bang iyon lang talaga ang silbi ko sa buhay na ito. Sinubukan kong lumaban, ipagtanggol ang sarili ko, pero sa huli ay naging isang maling desisyon lang ‘yon dahil si Lola Lilia ang nagdusa. Kaya naman hindi ko na inulit pa. Higit sa lahat, masaktan na ako huwag lang ang Lola Lilia ko.