Nagbuka ng bibig si Knoa, pero bago pa siya makapagsalita ay biglang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa si Knox na nakaligo at nakabihis na.
“Kuya!” may diin at tila ba haplos ng banta na pagtawag niya kay Knoa. “What are you doing here? What are you telling her? Will you just leave us alone?”
Grinning, Knoa put his hands up in the air in a mock surrender. “Relax, brother. I am not telling her anything, alright? I am about to leave anyway. Sige, Lili, I’ll leave the two of you alone.”
Tipid na tumango ako at napabuntonghininga na lamang habang pinagmamasdan siya na lumalabas ng pintuan, inis na inis kay Knox dahil parati na lang siyang lumilitaw at umeepal kapag nagkakaroon na kaming dalawa ng kakambal niya ng pagkakataon sa isa’t isa.
Panira talaga ng love life. Ang labo-labo na nga noong mayroon kaming dalawa ni Knoa ay mas pinalalabo pa niya.
“What did he say?” kunot-noong tanong ni Knox habang tinutuyo ng tuwalya ‘yong buhok niya, ‘yong shampoo niya na humahalimuyak sa bango.
Muli akong umupo sa silya sa tabi ng study table niya at sa nanghahabang nguso ay sinagot ang tanong niya.
“Ang sabi niya ay genius ka raw. Na hindi mo na raw kailangan ng tulong na magreview,” sabi ko.
“And? Did you believe him?” he asked.
“Siyempre hindi! Natawa nga ako, e! At mababaliw na yata siya. Kasi ikaw? Genius? Saang banda?” pang-aasar ko.
Ngumisi si Knox at saka umupo sa silya na katabi ko, tapos ay inihagis sa mukha ko ‘yong tuwalya niya na basang-basa.
“Ano ba?! Parang tanga naman!” yamot na yamot na sabi ko sabay hagis noon pabalik sa kaniya. “Kadiri ka! Baka kung saan mo pa ‘yan ipinunas!”
“Sa puwet ko,” ngisi niya.
“Bastos!” gigil na gigil na tugon ko.
“Kuya Knoa must be really out of his mind for saying that,” pagbalik niya roon sa usapan namin kanina.
“He must be. Kasi Knox bugoks ka nga, ‘di ba?” ismid ko.
Inabot ni Knox ang tungki ng ilong ko at saka natatawang pinisil. “Cute mo talaga, Liit.”
“Pupuwede bang sa labas na lang tayo? Bakit dito pa sa kuwarto mo? Baka kung ano pa ang isipin ng ibang tao,” imbes ay sabi ko, at ang totoo niyan ay ang iisipin ni Knoa ‘yong inaalala ko.
“Ano namang iisipin nila bukod sa mag-aaral tayong dalawa? Ikaw, ha, Liit, kung ano-ano ang mga iniisip mo. Bata pa ako para sa mga ganiyang bagay. At ibibigay ko lang ang virginity ko sa babaeng pakakasalan ko. Pasensiya na at hindi ikaw ‘yon. Hindi mo tuloy matitikman ‘yong katawan ko,” aniya.