Sinubukan kong habulin si Knox para pigilan sa tangka niyang gagawin, pero nang tumayo ako ay bigla na lamang na nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay. Siguro ay nagsama-sama na ‘yong takot at kaba ko sa gagawin niya at ‘yong nangyaring pambabalibag ni Tatay sa akin kaninang umaga kaya bumigay ‘yong kamalayan at katawan ko. The last conscious thing I remembered was hitting the hard floor of the laundry area as I collapsed.
Pakiramdam ko ay dinaanan ako ng sampung truck nang muling magising sa isang pamilyar na kulay asul na silid, sobrang bigat ng ulo. Akmang babangon ako, pero isang kamay ang humawak sa balikat ko at saka marahang tinuunan pabalik sa paghiga.
“Don’t get up yet, Lili,” sabi ng isang pamilyar na tinig na hindi ako maaaring magkamali sa nagmamay-ari dahil ‘yong hagod noon sa balat ko ay tulad ng dati na nakakakiliti.
Lumingon ako roon sa lalaking nagsalita na nakaupo sa tabi ng kama at hindi nga ako nagkamali sa hinala.
“Knoa?” pagtukoy ko.
“Yeah,” he smiled.
Kumunot ang noo ko, at mula sa kaniya ay luminga-linga ako sa paligid ko kung saan napagtantong silid nga ito ni Knox. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari bago ito at naalala kong inutusan akong kunin ‘yong mga labahin niya, siya na tinulungan ako sa paglalaba kung saan doon niya nakita ‘yong sugat ko sa noo, mga pasa at galos sa mukha ko, at ‘yong pumutok na labi ko, tapos ay nagalit siya at sinabi niyang pupuntahan daw niya si Tatay—
Muling napabalikwas ako sa pagkakahiga sa kama nang maalala ‘yong huli.
“Knoa, si Knox? Nasaan ang kakambal mo?” nag-aalalang tanong ko sabay subok muli na bumangon, pero muling pinigilan niya.
Pinuntahan ba talaga niya si Tatay?
“Stay in the bed, Lili. You’re not yet fine. You need more rest,” imbes ay sagot ni Knoa.
“Si Knox, Knoa? Nasaan siya?” muling tanong ko.
“He went to the pharmacy to buy you medicine. Our family doctor came by to check on you. Ang sabi ay hindi ka naman daw kailangang dalhin sa ospital, but you do need rest and medicine for pain, also ointment for your scars and bruises,” paliwanag ni Knoa na bahagyang nagpahinga sa akin nang maluwag, kasi sa galit na nakita ko kay Knox kanina ay baka kung ano pa ang magawa niya kay Tatay.
Sandaling natahimik kaming dalawa hanggang sa magkasabay pa kaming basagin ‘yon.
“What happened to you?” he asked.
“Bakit daw ako nawalan ng malay?” sabi ko.
Knoa answered my question first. “The doctor said it’s overfatigue. Noong umuwi ako ay nakita ko na lang si Knox na buhat-buhat ka patungo rito sa kuwarto niya. I suggested we take you to the hospital, but he said you wouldn’t like that idea, so we called our family doctor instead,” he explained. “What happened to your face and forehead, huh? Where did the scars and bruises come from? Are you really alright? Do you want us to take you to the hospital for further checkup and take medical tests?”