Dalawang araw makalipas ng huling magkita sina Gaia at Michael pero hanggang ngayon ay hindi pa rin muling nagpapakita o naparamdam o tumatawag man lang si Gaia kay Michael.
Pumayag na rin kasi ang kanyang Ama sa gustong mangyari nina Gaia at Harris na makipagtulungan sa kanila pero dahil sa dalawang araw na hindi ito nagpaparamdam ay hindi tuloy niya masabi dito ang kanilang desesyon.
Hindi rin niya maiwasan na mag-alala na baka may nangyari nang masama dito.
Hindi mawala sa isip niya na baka nahanap na ang mga ito ng mga tauhan nina Albert Aguas pero sa kabilang banda ay kahit naman siguro mahanap na sina Gaia ay hindi naman siguro ipapapatay ni Albert Aguas ang sarili nito anak—iyon na lang ang ipinapasok niya sa isip para hindi na siya masydong mag-alala.
At para tuluyan na nga mawala ang pag-aalala niya ay heto siya at nagdesesyon na siyang puntahan ito.
"Boss..." Napalingon bigla si Michael sa tumawag sa kanya.
Pag lingon niya ay ang tauhan na si Paul pala. "Ano may balita na ba?" Agad na tanong niya dito dahil ito ang inutusan niya na mag imbestiga kay Diane.
"Oo Boss, hindi kami nahirapan." Sagot nito habang lumalapit kay Michael. "Ito Boss.... Panigurong magugulat ka sa makikita at malalaman mo." Anito pa ng makalapit na sabay abot ng folder kay Michael.
Agad naman na kinuha ni Michael ang folder sa tauhan. "Talaga?" Aniya pa ng bago buksan ang folder.
Agad niyang inisa-isa ang mga litrato na nilalaman niyon at habang tinitingan niya ang mga litrato ay hindi niya maiwasan na magulat at manginig ang buong katawan.
"An-anong ibig sabihin nito?" Tanong niya sa tauhan habang patuloy sa pagtitingin ng mga larawan.
Hindi alam ni Michael kung alin ang tama sa mga naiisip niya na paliwanag sa mga larawan na nakikita kaya kailangan niyang kompirmahin sa tauhan kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga nakita niya.
Si Diane kasama si Albert Aguas ang laman ng halos lahat ng mga larawan ang iba naman ay si Diane at si Divina Aguas ang magkasama, ang ilan naman ay si Diane lang na may hawak na baril na nakatutok sa isang lalaki na nakaluhod.
"Hindi Diane Gomez ang totoo niyang pangalan kundi Diane Aguas." Sagot ng tauhan na mas lalong nagpagimbal kay Michael. Mas lalong lumakas ang panginginig ng kanyang katawan. "Siya ang totoong anak nina Albert at Divina Aguas." Pagpapatuloy pa ng tauhan sabay abot pa ng isang papel kaya agad na kinuha iyon ni Michael.
Birth certificate iyon ni Diane at nakalagay diyan na hindi nga Gomez ang apelyedo nito kundi Aguas at ang mga magulang nga nito ay sina Albert at Divina Aguas.
Sobrang nanikip ang dibdib ni Michael dahil sa galit na nararamdaman.
Hindi niya lubos maisip na ang babaeng minamahal ay anak pala ng taong kalaban nila at ang hindi niya matangap ay nagsinungaling ito sa kanya. Ngayon niya na nga ay nasagot na ang katanungan niya kung bakit parang ibang-ibang Diane ang nakita niya noon.
Sa gitna ng galit niya ay bigla niyang naalala si Gaia.
"Si...si Gaia... so sino si Gaia?" Tanong niya.
"Si Gaia ay ampon lang ng mga Aguas, ayon sa taong nakakaalam ng sekreto ng mga Aguas na siyang nagbigay sa amin ng mga impormasyon na yan ay si Gaia ay hindi totoong anak ng mga Aguas, inampon lang nila ito para itago at proteksyonan nila ang anak."
"Ang ibig mong sabihin, ginawa nilang shield si Gaia para ang maging ligtas ang anak nila kung sakali."
"Oo."
Ngayon ay naiintindihan na ni Michael kung bakit kinalaban ni Gaia si Albert Aguas at bakit gusto nito na mapabagsak nito.
"At ang ang mas nakakagulat pa doon ay ang kung sino ang totoong mga magulang ni Gaia." Ani pa ni Paul kay Michael.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Action"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...