SIMULA NG WAKAS

679 8 0
                                        

This story is work of fiction. Names, characters, place and incident either are product of the author;s imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual events, locale or persons, living or dead is entirely coincidental.


No part of this story can be reproduced in any form without the permission of the author.




PROLOGUE


Kasabay ng pag-anunsyo ng pari ng, "I now pronounce you husband and wife," nagsimula ang tunay na misyon nina Michael Kane Sandoval at Hanna Gaia Aguas-Sandoval.

Hindi iyon simpleng kasal.

Isa iyong kasunduang magpapabago sa buhay nilang dalawa, yayanig sa pundasyon ng kani-kanilang pamilya, at magsisilbing simula ng isang katapusang wala ni isa sa mga naroon ang lubos na nakakaunawa.

Habang abala ang mga bisita sa pagbati at palakpakan, bahagyang inilayo ni Divina Aguas ang anak sa karamihan.

"Mag-ingat ka," mahina ngunit mariing bulong nito. "Huwag na huwag mong pagkakatiwalaan ang lalaking 'yan."

Mariing humawak ang babae sa kamay ni Gaia bago idinugtong ang pinakamahalagang bilin.

"At tandaan mo ang misyon mo. Kapag nagkaroon ka ng pagkakataon..." Bahagya itong yumuko upang walang ibang makarinig. "Kill him."

Iyon ang totoong dahilan kung bakit pumayag silang maikasal si Gaia.

Sa loob ng maraming taon, nilamon ng alitan ang mga pamilyang Sandoval at Aguas. Para sa buong bayan ng Cavite, ang kasalang ito ang simbolo ng kapayapaan—isang pag-asang tuluyan nang matatapos ang hidwaan ng dalawang makapangyarihang angkan.

Ngunit ang hindi alam ng lahat...

Hindi pagkakasundo ang layunin ng kasalang iyon.

Kundi ang pagputol sa dugong magpapatuloy sa bawat pamilya.

Sa kabilang panig ng simbahan, tahimik ding kinausap ni Miguel Sandoval ang kanyang anak.

"Tandaan mo ang misyon mo, Michael." Hindi man nagbabago ang ekspresyon ng matanda, malamig ang bawat salitang binitiwan nito. "You have to kill her."

Bahagyang tumango si Michael bago ibinaling ang tingin sa bagong asawa.

Nakatingin din si Gaia sa kanya.

Ngumiti siya.

Ngumingiti rin si Gaia bilang ganti.

Sa mata ng lahat, isa iyong ngiting puno ng pag-asa para sa bagong yugto ng kanilang buhay.

Ngunit si Michael...

Wala siyang nakikitang hinaharap kasama ang babaeng nasa harapan niya.

Maganda ito sa suot nitong puting wedding gown, ngunit hanggang doon lang iyon.

Sa isip niya, isa lamang itong target. Isang pangalang kailangan niyang burahin bago pa man lumipas ang isang buwan upang matapos ang kanyang misyon at makabalik sa babaeng tunay niyang minamahal.

Patuloy na nakangiti si Gaia.

At ganoon din si Michael.

Parehong maganda ang kanilang mga ngiti.

Parehong may itinatagong kamatayan.


EDITED 2026


© 2019

OUR DEADLY VOWSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon