Prologue

4 2 0
                                    

Tama nga yung mga kaibigan ko, tama nga si Kiara.

“The first love often leads you to the most painful heartbreak. ”

Alam niyo bang hate na hate ko ang bagong taon.

Hindi ko ina-appreciate lahat ng bagay na connected sa new year.

Kada sasapit ang bagong taon hindi lang alingawngaw ng mga paputok at turotot ang maririnig sa kwarto ko.

Iyak...

Hinagpis...

Sakit na dulot ng pangungulila.

Ang madirinig.

Kapag bagong taon nasa loob lang ako ng kwarto nagmumukmok hindi pinapansin ang panaka-nakang katok sa pinto.

Saglit akong pumikit, kasabay ng pag patak ng luha sa mga mata ko ay ang pagsilay ng mga memorya.

A memory I try to push away and forget.

The memory of that night. The night i was left behind by the both of my life significant my blooded moon and my sun.

Tahimik ako at nakaupo sa labas ng balkonahe.

Naghihintay sa paglubog ng araw.

I sincerely looked at the sky as the sun gradually went down... Ang gandang pag masdan pero ang bigat sa pakiramdam.

Agad nag landas ang mga luha ko ng tuluyan na 'tong nawala, para akong bulaklak sa parang na ilang linggong hindi nasikatan ng araw nakakapanghina.

Kakaiba ang pakiramdam, para akong pinapaso, pinupunit ng pirapiraso, alipin ng imperyong pilit akong hinahampas ng latigo at tinatapunan ng asido.

Na sa sobrang sakit hindi ko na maramdaman ang katawan ko.

Ilang oras pa ang ginugulgol ko ng tumingin muli ako sa langit.

Madilim...

Wala akong maaninag kundi ang mga mala-tuldok na bituin.


Palinga-linga, palina linay akong tumingin.

Hinahanap ng mga mata ko ang liwanag niyang taglay.

Ang liwanag ng...

Buwan ang sa'king humahalina sa pag lubog ng araw.

Naghintay ako...

Nag-abang...

Kahit alam ko namang walang buwan ang sa'king hahalina.

Kahit alam kong new moon ngayon.

Naghintay ako.

Umasa ako.

Pero wala...

Walang buwang maliwanag ang humarap sakin.


Hindi siya nag pakita.

Nagsimula nanamang maglandas ang mga luha sa mata ko, pawang falls sa ilog walang hinto, sagad, todo todo.

Nakakapang manhid ng katawan.

I found myself laying on the hospital bed, puting kisame ang bumungad sakin.

-Chilinovelista

Soundtruck | The Band (AOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon