Chapter 1

4 1 0
                                    

Elisha Pov:

“Sinabi ko naman na sayo 'di ba love ang pinaka psychological problem nating mga kababaihan, ikaw kasi hindi ka na nadala ang rupok rupok mo eh.” iritang saad ko kay Amiana, paano ba naman nagra-rant na naman siya tungkol sa lalaki.

Cheating issue na naman.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagagawa pa nilang saktan si Amiana bukod sa maganda na ito mayaman at mapagmahal ewan ko ba sa mga tao ngayon pag talaga hindi marunong makuntento humahanap ng iba.

Minsan napapaisip na lang ako eh wala ba silang nanay o hindi sila mahal ng nanay nila, di man lang naisip kung nanay nila yung maloloko grabe yung mararamdaman ng nanay nila.

Kaya ayoko talaga sa pag-ibig bitter na kung bitter ang mahalaga may peace of mind ako at feeling better.

“Bakit ba kasi nagkabalikan kayo niyang lalaki na iyan?” tanong ko sa kanya hindi ko naman kasi mapo-point out yung main reason kung hindi ko malalaman yung buong kwento, saka paano ko siya maa-advice-an kung out of reach naman yung nalalaman ko.

“Eh kasi beh, nag-chat siya sa akin tapos kinumusta niya ako iyon naging kami.” Muntik ko ng mailuwa ang juice na iniinom ko.

Hindi mo talaga mapagkakaila na saksakan ng karupukan itong bff kong pakyawan ng mga lalaking pogi pero napaka red flag.

“Naknang, rupok rupok mo talaga be hindi ba sinabi ko na sayo pag nag-chat siya huwag na huwag mo nang re-replyan or better yet i-block mo na hindi ka na naman nakikinig sa akin eh, alam mo hindi na ako mag-a-advice. Sa susunod pag nangamusta siya ulit, kausapin mo ulit tapos paloko ka ulit huh!” gigil kung saad, nanginginig buong nervous system ko dahil sa katangahan ng bff ko sa pag-ibig.

“Alam mo Amiana, ang ganda ganda mong tanga, bakit kaya hindi mo na lang ako gayahin maging bitter ka nalang sa pag-ibig para naman hindi ka na rant ng rant nanggigigil ako sayo eh.” dagdag ko pa.

“Hoy ate ko hindi mo ako mapipigilang magmahal alam mo namang lovable person ako eh, demonyita ka kasi kaya hindi mo alam yung salitang love!” Kunyari akong napahawak sa dibdib, kapal talaga ng mukha ng babaeng 'to tawagin ba naman akong demonyita. Bitter ako sa pag-ibig pero mapagmahal ako mahal ko nga yung sarili ko eh.

Selfsexual

“Kidding aside bina-badtrip ka pa rin ba nung grupo nila Jill?” Pagbubukas niya sa issue between me at nung grupo ni Jill.

Kasalanan ko ba na mas gusto ko ni Jack kesa sa kanya, wala naman akong pakialam sa kanilang dalawa bagay nga sila eh Jack'nJill yung tatak ng cream-o.

“Always beh, walang katapusan.” simple kong sagot.

“Teka may gagawin ka ba ngayon?” Pinanliitan ko siya ng tingin, sure ako eh mag-aaya na naman ito ng gala.

“Oo na ate ko sasama na ako sayo basta libre mo.”

Siguro binigyan ng allowance ito ng dad niya ganito to eh pag may pera.

Stage of: buy here buy there buy everywhere.

Nasa ganyang stage na naman siya ngayon.

Nang makapunta ng mall nag-archade agad kami, gawain na talaga namin pag napunta kami dito sa mall.

Gustong-gusto ko talagang tumaas yung confidence at self esteem ng kaibigan kong to, pero hindi ko mapigilang matawa paano ba naman , hindi nga siya boses kargador pag nagsasalita, grabe naman ang boses pag nakanta akala mo sirang plaka eh o kaya tambutso na hindi makalabas yung usok, mapapa takip ka na lang ng tenga.

“Ano ate ko aya aya ka ng karaoke ta's hindi kakanta, ito mic kumanta ka ipakita mo kung sino ka.” Sabi niya sakin saka inabot sa akin yung mic.

Sira talaga utak nitong babaeng ito eh, paka kantahin ako. Nang anong kanta bulaklak ate ko, ang lakas ng tama, yung kanta niya kanina kanta ng december avenue pa pikit-pikit pa siya.

Sige hayaan na broken eh iniwan ng lalaking palumpalo pagtapos niyang guluhin yung buhay ng bff ko iiwan niya din.

Masaya si Amiana sa akin eh happy pill ako ng bff ko eh.

Kahit labag sa kalooban ko at pakiramdam ko mawawala ang angas ko kinanta ko pa rin yung bulaklak.

(If you want to hear what Elisha sings, kindly play the video below. Roar!)

Bulaklak by V. Hotbabes

Ang tanga-tanga  ang tanga-tanga
ng beshiko, kay ganda ganda
Kay ganda ganda pero tanga.
Tatanga-tanga niloloko na di niya pa din dama~

Binago ko pa nga yung lyrics para ramdam niya ang katangahan niyang taglay.

Nang matapos ang kanta tumingin ako sa kanya akala mo sinusundo na ako ni kamatayan paano ba naman yung mga tingin niya parang kadiliman eh yung ano mang oras kakainin ka.

Habang naglalakad kami papuntang jollibee dito lang sa loob ng mall diyos ko nagpapasuyo pa ang babae, kung makapagtampo sa akin eh parang jowa.

Well masyado akong maangas kaya at the end of suyuan wala siyang na pala kaya kumain na lang kami sabi ko pa sa kanya.

“Ate ko tigilan mo na iyan wala kang mapapala sa akin, kumain na lang tayo atleast don meron tayong mapapala. ” Yamot naman siyang sumubo ng pagkain niya habang ako happing happing busog na naman si bakla.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain pagkatapos noon umuwi na kami sa unit namin magkasama pala kami sa iisang unit ng isang condo kasi si dad pinayagan ako pumunta dito sa manila basta kasama ko yun yung bff kong laging niloloko.

Hindi na kami kumain ng hapunan kumain naman na kasi kami sa jollibee kanina, padapa akong humiga sa kama ko ganun din si Amiana nasa iisang kwarto lang kami pero yung kama dalawa tapos may bedside table sa pagitan noon.

Parehas kaming kapwa nakaharap sa isa't isa.

“Good night sugar.” Malumanay nitong saad at bahagyang pinikit ang mata.

“Sweet dream.” balik ko naman sa kanya.

—Chilinovelista. 

Soundtruck | The Band (AOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon