Chapter 3

4 1 0
                                    

Elisha Pov:

"Hi ate ko, kamusta ang life?... Wooh bangag na bangag ahh. Pagod yarn?! ” salubong sakin ni Amiana. “Mas mukha ka pang, broken kesa sakin te. An'yare sa you?”

“Pwede ba lumayo layo ka muna sakin ngayon beh, kulang ako sa tulog baka yung inis ko sayo ko ibuntong. ” sabi ko sa kanya.

Kulang talaga ako sa tulog ngayon  sumama kasi ako doon sa hospital para samahan yung lalaking nakita ko sa daan kagabi kaya yun anong oras na ako nakauwi, atsaka kailangan din ako doon ako kasi tumawag na ambulance eh.

Hindi pala siya nakainom ng alak, may tama siya ng baril sa balikat napagdiskitahan daw siya ng mga tambay doon sa kalyeng madilim na yun.

Pinapa shot daw siya nung nag-iinuman, ayaw niya pa nga daw eh kasi nga laway conscious siya kaso wala siyang nagawa ang lalaki daw kasi ng katawan, nung tinungga niya na yung alak, inaya siya makipag-inuman eh ayaw niya nga 'di ba kasi laway conscious nga siya, yun nag-init yung ulo ng lasing hinabol siya tapos binaril.

Hindi mo naman mapagkakaila kasi hindi naman siya mukhang basagulero.

Maarte, yun siya.

“Gaga ka hinihintay kita kagabi kasi balak ko sabay na dapat tayo kakain, alam mo bang 12:00 na ako kumain kakahintay sayo, tinawagan pa ako ni tito kagabi hinahanap ka.” Saad niya saka umupo sa sa kabilang silya na nasa harap ko.

Sabado ngayon kaya kapwa kaming nakaupo sa dining room nag-aalmusal.

“Anong sinabi mo?”

Humigop muna siya saglit sa kapeng tinimpla niya.

“Syempre sinabi ko wala ka.”

Amiana Kate Fortez, ikaw pa talaga ang maghuhukay ng sarili kong libingan. Deads talaga ako sa tatay kong dragon niyan.” Sabi ko saka humawak sa ulo ko, ang sakit sa ulo ng bff kong ito revenge niya ata sa pagiging honest ko totoo naman diba marupok siya.

Marupok pa sa kahoy.

“Bakit mo sinabi?!” dagdag ko pa.

Tumingin lang siya sa akin, at preskong ngumiti.

“Hindi ba sinabi mo sa akin 'Honesty is the best policy' , kaya nga lagi mong pinamumukha sa aking marupok ako eh 'di ba kaya yun sinabi ko sa dad mo wala ka dito kagabi.” Sabi niya sa akin saka sumubo ng noodles.

Na mas lalong nagpainit sa ulo ko.

AMIANA KATE FORTEZ PINAPAINIT MO ULO KO!” mahinahon pero mariin kong saad.

Tinapik niya ako. “Ito naman si bff char-char lang, hindi ka naman mabiro. Syempre dahil mahal kita hindi ko naman hahayaan na pagalitan ka ni tito, kaya sabi ko natutulog ka na wala naman na siyang ibang sinabi kasi busy siya kilala mo naman dad mo 'di ba?” nang bitawan niya ang mga salitang yon saka lang gumaan ang pakiramdam ko.

Ayaw ko kasing  nagwo-worry si dad sa akin iba kasi mag-worry yon pagdating sakin lahat talaga ng gawain niya makakalimutan niya kakaisip kung ano ng nangyari sa dalagingding niya.

Atsaka ayuko rin masermunan ni dad.

“Te may hanash pala ako sayo.” Sabi niya saka ako tinapik, hobby niya na talaga yun as a certified marites. Naaalala mo pa yung huling punta natin sa mall yung nag karaoke tayo?” sabi niya. “Yung araw kasi na yon habang kumakanta ka ng bulaklak vinideohan kita, for memories lang sana kaso may nakita akong post ng verified account na may audition daw sila for singing at iba pa. ” Saglit siyang huminto sa pagsasalita. “Then yun as a mabait na bff, i take the opportunity for you. Sinend ko yung video mong iyon kasi yun lang naman yung meron akong video mo habang kumakanta diba.” 

Ewan ko kung matutuwa ba ko sa pinag ga-ga-gawa ng kaibigan kong 'to.

Audition tapos mukha akong kengkoy na kumakanta ng bulaklak sa video na yun. Anong kalokohan?.

Arggggh.

Ka frustrate 'tong babaeng 'to.

“Kalma lang bff, pasado ka naman eh.” Sabi niya saka kinindatan ako. At inabot ang isang maliit na envelope sakin.

Kulay pula 'yon tapos may stamp na nakalagay. ‘W.U’

Nang buksan ko isang Green card na may nakalagdang kung ano.

Fancy tignan yung card malinis at minimalist ang bawat simbulo.

Nang binasa ko ang card hindi ko maiwasang magtatalon.

PASADO AKO SA PANGARAP KONG UNIVERSITY!

AMIANA, PASADO NGA AKO!” Sabi ko saka yumakap sa kaniya. Bilib na talaga ako sa babaeng 'to imagine bulaklak kinakanta mo sa online registration tapos pasok ka pa sa mismong audition.

Ang saya saya sa puso, para akong nasa cloud 9.

Halos maluha-luha ako sa saya na nararamdaman ko.

This is it, matutupad ko na yung pangarap ko.

Magiging magaling na mang-aawit ako, and no one can stop me for achieving that.

“Thankyou talaga beh, hulog ka ng langit.” Sabi ko pa at humalik sa pisnge niya na agad niya namang pinunasan.

“Alam kong happy ka pero 'wag mo naman akong nakawan ng halik para sa future husband ko 'yan.” ani pa niya.

Wais ka talaga, kaya sayo ko eh.” Sabi ko saka kumindat sa kanya.

“Ako pa, baka Fortez 'to marupok lang ako pero kumpleto pa turnilyo sa utak ko.” pagmamalaki niyang saad.

Ang saya na niya kahit umayon lang sa kaniya ang panahon.

Sure ako kung hindi na tuwa sa ka-walangyaan ko sa video na yun yung isa sa mga operator ng online site, hindi ako madadawit dun at hindi ako papalaring makapasa para sa one on one audition.

“Lunes pala schedule mo, ibibigay mo lang 'tong qualification card mo sa guard makakapasok ka na sa first gate.” Sabi pa niya at inabot sakin ang isa pang papel na mas matigas kumpara dito sa Greencard na una niyang binigay.

“Keri ko kaya?”

“Kaya mo 'yan wala namang masamang mag try at isa pa opportunity 'to para sayo, wala ka nang poproblemahin sa renta nitong unit kasi dun ka na mismo sa loob ng Campus niyo sure naman din ako na papayag yun si Tito, ito na din ang chance mo para matupad yun pangarap mo diba. So take the chance.” Tinapik niya ako sa likod. “Your bff na marupok na maganda will always at your back, kung hindi ka palaring makapasok sa dream school then thats it may next time pa naman.”

“Basta pag nakuha ka tapos sumikat ka, huwag na huwag mo kong kakalimutan ah. I top tier mo'ko bff kasi ako ang numero uno mong fans, since now and in the end itatak mo yan sa singit mo.” dagdag pa niya.

-Chilinovelista.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Soundtruck | The Band (AOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon