Copyright © 2016 Kath Antonio/ Diyosangwriter.
No portion of this book may be reproduce or transmitted in any form or by any means without written permission from the original copyright holders. This book is a work of fiction. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Dela Marcel II: Hating him
Simula
Masaya kami. Mahal niya ako at alam ko sa sarili kong mahal ko siya. Inaalagaan niya ako, tinuturing na parang reyna. Napapasaya niya ako, may mga araw nga na sobrang down na down ako at nakasimangot nalang dahil sa pagka-irita sa mga nangyayari sa buhay ko pero nag-e-effort siyang pangitiin ako. Kapag umiiyak ako, siya ang unang yayakap at pupunas ng mga luha ko, ang unang mag-aalay ng balikat at kahit ako ang mali, kahit minsan hindi ako nakarinig ng panghuhusga. Alam ko na sa sarili kong kung may tao mang gusto kong makasama forever, kung may forever nga, siya na 'yon.
Pero katulad nga ng sabi nila, Walang forever. Pagkatapos ng saya ay ang lungkot. Promises are made to be broken. Love is just a word, at marami pang iba dahil ang almost perfect na love story namin, nauwi sa wala. Bigla nalang kasi siyang nawala.
Walang text.
Walang chat.
Walang goodbye.
Walang reason.
Bigla nalang siyang nawala na parang bula. Lahat ng pangarap, lahat ng pag-ibig, lahat ng masasayang alaala ay parang panaginip lang na paulit ulit na bumabalik at nagising lang ako kaya siya nawala. Sana nga panaginip nalang iyon, sana nga... pero hindi dahil kapag naaalala ko, nasasaktan ako.
Kung iiwan mo lang din pala ako, bakit kailangan pa kitang makilala? Bakit kailangan pa kitang mahalin? Bakit kailangan pang lahat ng masasaya at malulungkot na alaala ko ay kasama ka? Bakit kailangan mo akong iwan kung kailan masyado na akong nahulog sa'yo?
"Tulala ka na naman!" sabi ni Aila sa akin. Kiming ngumiti ako at sumandal sa puno kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan kami unang nagkita. Kung saan nakaukit ang pangalan naming dalawa. Kung saan siya nangakong hinding hindi niya ako iiwan at kung saan kami huling nagkita bago siya umalis.
"Tatlong taon na, Aila. Tatlong taon na siyang wala" sabi ko at katulad ng dati ay hindi ko na naman napigilan ang sarili kong umiyak. Kapag siya ang pinaguusapan mabilis akong umiyak.
"Tumigil ka na, Yxel! Wala na siya! Iniwan ka na niya! Tanggapin mo na iyon at mag-move-on ka na. Ikaw nalang kasi ang nahihirapan. Ikaw nalang ang nasasaktan" humagulgol ako lalo sa sinabi niya. Para itong kutsilyong tumatarak sa akin at ang hirap hirap tanggalin.
"Ayokong magmukhang masama, Yxel pero kaibigan mo ako at ayokong nakikita kang nagkakaganyan. Pagpapakatanga na iyan, eh. Sobra sobra ka ng nasasaktan. Tatlong taon na simula ng umalis siya. Kung mahal ka niya bumalik na siya sa'yo. Tapos na ang fairy tail niyo. Ayoko ng nakikitang nagkakaganyan ka!" ayoko siyang kalimutan pero ang sakit sakit na. Ayokong tumigil sa kakahintay sa kaniya pero sobrang sakit na. Sobra sobra na.
"Hindi mapapabalik ng luha mo si Toffer. Hindi na siya babalik, Yxel. Tama na" niyakap niya ako at parang bata akong umiyak sa kaniya.
Umuwi akong ganun ang itsura. Nag-alala nga si Daddy pero hindi ko siya magawang kausapin siya dahil feeling ko isang salita lang iiyak na naman ako. Iiyak na naman at masasaktan na naman ng dahil sa kaniya.
Umupo ako sa kama ko at tinignan ang buong kwarto ko. Buong kwarto ko na siya lang ang sinisigaw. Bawat sulok nito ay siya ang laman. Lahat ng binigay niya. Lahat ng masasayang memories. Lahat ay siya at siya lang. Wala sa sariling tumayo ako at inalala ang lahat. Ang araw na una niya akong binigyan ng flowers, ang unang teddy bear na binigay niya sa akin, ang unang halik, unang yakap at unang araw na pinaramdam niya sa akin na importante ako sa kaniya at mahal niya ako.
Kagat labi kong tinatanggal ang mga teddy bears sa gilid ng kama ko. Ang mga damit, sapatos at lahat ng mga binigay niya at isa isa kong tinatanggal sa mga lalagyan. Isa isa ko iyong binaba sa may garden. Wala akong pakialam kung nakikita ako ng mga maids na umiiyak. Pagod na pagod na ako. Ang sakit sakit na.
"Yxel?" napaupo na ako sa damuhan at umiyak ng umiyak. Dinaluhan naman ako ni Daddy habang hinihimas ang likuran ko.
"Baby" sabi nito at hinihimas ang likuran ko.
"Bakit ba ang sakit sakit? Bakit ba hindi nalang mawala ang sakit! Ayoko na! Pagod na pagod na ako!" sabi ko at humagulgol na hanggang sa mapagod ako, hanggang sa wala ng lumabas na luha at hanggang sa mamanhid na ako sa sakit.
Sinamahan ako ni Daddy hanggang sa maihatid niya ako sa kwarto. Inikot ko ang mga mata ko at nasayahan ako sa kinalabasan.
Humiga ako sa kama at tinignan ang emerald ring na binigay niya sa akin noong birthday ko. Engagement ring daw namin iyon dahil pakakasalan niya ako. Ngumiti ako ng mapakla. Paano niya ako mapapakasalan kung wala naman siya? Kung iniwan niya ako.
Dati ayokong tanggalin ang singsing sa kamay ko dahil ito nalang ang pinanghahawakan ko pero ngayon, kailangan na nitong matanggal. Siguro nga hindi kami para sa isa't isa. Siguro nga oras na para kalimutan siya.
Unti unti kong tinatanggal iyon sabay ng pagbagsak na naman ng mga luha ko. Ito na ang huli. Ngayon nalang ako iiyak ulit para sa kaniya. Simula bukas wala na akong kilalang Toffer Sun Dela Marcel. Simula bukas wala ng babyloves at honeyloves. Simula bukas sarili ko nalang ang importante.
Simula bukas, kakalimutan ko nang mahal ko siya.
--------------
Thank you to Frond_meadows :D
BINABASA MO ANG
Dela Marcel VI: Hating Him
General FictionToffer Night Dela Marcel Dela Marcel Series: Hating Him Story by: Diyosangwriter Cover by: krunchey