Hating I

44.1K 840 7
                                    

Chapter I

Tinitigan kong mabuti ang box bago tumingin ulit sa bahay nila. Tatlong taon na ang lumipas ng huli akong nagpunta dito at anim na taon na ng huli ko siyang makita. Hindi naman sana ako dadaan dito o kahit pumunta pero gusto ko lang ibalik ang nag-iisang bagay na nagbubuklod sa amin ni Toffer.

Gusto ko kasing tuluyang ng maputol ang lahat ng meron sa amin at hanggang nasa akin ang bagay na ito, alam kong hindi iyon mapuputol. Bumuntong hininga ako at tuluyan ng lumabas ng sasakyan ko.

Pinindot ko ang door bell at matiyagang naghintay na may magbukas. Di naman nagtagal ay lumabas si Manang Sabel sa main door ng bahay nila. Nanlaki pa ang mga mata nito ng mapag-sino ako. Matagal na din kasi ng huli kaming magkita.

"Yxel? Ikaw na iyan, hija?" tanong nito habang binubuksan ang gate. Matamis ko siyang nginitian.

"Ako nga po, Manang. Nariyan po ba si Nanay Ysa?" tanong ko. Ayoko din kasing magtagal.

"Nasa taas, hija. Tatawagin ko nalang. Ang tagal mong hindi pumunta dito. Dadaan ka ba sa kwarto ni Toffer? Naku! Ang ganda ganda mo, hija! Saan ka ba nagpunta at halos dalawang taon kang nawala?" tanong niya.

"May ibabalik lang po ako kaya ako nagpunta dito, Manang. Hindi po ako dadaan sa kwarto ni Toffer. Nag-aral po kasi ako sa ibang bansa. Doon ko po tinuloy ang pag-aaral ko" sagot ko. Tumango tango ito.

Binuksan nito ang main door at pinapasok ako. Hindi na rin ito nagtanong. Nahalata siguro nito na hindi ang alaga nito ang sadya ko kaya nanahimik na lamang. Walang pinagbago ang bahay maliban sa mga bagong vase at ibang gamit sa bahay. Pinaupo ako ni manang sa sofa.

"Anong gusto mo, hija? Juice, coffee-"

"H'wag na po Manang. Hindi naman po ako magtatagal" tumango ito at nagpaalam na tatawagin si Tita.

Tinitigan ko ang box. Binuksan ko iyon at muli kong tinignan ang singsing bago muling isinara. Kung dati ay nasasaktan ako tuwing nakikita ito, ngayon ay wala na akong maramdaman.

"Hija?" umangat ang tingin ko ng marinig ang boses ni Nanay Ysa. Ngumiti ako at tumayo para salubungin siya. Itinuring ko na din kasing Nanay si Nanay Ysa lalo ja at wala naman akong kinalakihang ina. Kung may isang pangyayari man sa relasyon namin ni Toffer nabgustong gusto ko, iyon ay ng makilala ko si Nanay Ysa. Kahit siguro lokohin ako ng paulit ulit ni Toffer, hinding hindi ako lalayo kay Nanay Ysa.

"Na-miss kita Nanay Ysa. Pasensiya na po kung hindi ako nakakauwi Nanay Ysa" sabi ko habang yakap ko siya. Napapikit ako ng himasin niya ang buhok ko pababa katulad dati.

"Wala iyon, hija. Ang laki laki mo na. Dalagang dalaga na. Ang ganda ganda pa" sabi nito ng kumalas na sa pagkakayakap sa akin. Iginiya niya ako sa sofa at mabilis naman akong umupo.

"Kamusta ka na, Hija? Ang tagal mo ng hindi umuuwi ng Pilipinas. Hindi naman kita mafalaw sa ibang bansa dahil ayaw mo daw magpadalaw sabi ng Daddy mo" ngumiti ako at tumango. That tume kasi ay sobrang sakit ng nararamdaman ko at gusto kong tulungan ang sarili kong makaahon sa pagkakalunod ko ng sarili ko lang at walang ibang taong nadadamay kaya mas pinili kong mag-isa sa ibang bansa.

"Pasensiya na Nanay Ysa. Hndi na po iyon mauulit dahil hindi naman na ako aalis. Sana po welcome parin ako dito kaso na-miss po kita Nanay pati na po si Tatay" sabi ko.

"Welcome ka naman dito parati Yxel. Kahit nga dito ka tumira ay hindi kami aalma" sabi nito. Kahit kailan talaga napakabait ni Nanay Ysa.

"Nanay nandito pala ako para ibalik ito. Hindi ko naman po kasi alam kung tama pa bang nasa akin iyan. Matagal na po kaming tapos ni Toffer kaya mas magandang ibalik ko na iyan" sabi ko kaagad. Napansin kong nalungkot si Nanay Ysa pero kailangan ko din kasi ito para tuluyan na akong makaalis sa nakaraan.

"Pero binigay iyan sa'yo ng anak ko, Hija. Mas maganda siguro kung sa kaniya at hindi sa akin mo ibigay" sabi nito pero umiling ako at nilagay iyon sa kamay ni Nanay Ysa.

"Gusto ko pong makawala Nanay. Pagod na po akong masaktan. Hindi ko po sinasabi ito dahil gusto ko po kayong saktan kundi dahil sobra na po akong nasaktan. Nanay sana po tulungan niyo ako" bumuntong hininga si Nanay at kinuha ang maliit na box.

"Pasensiya ka na, Hija. Hanggang ngayon kasi hindi ko matanggap na wala na kayo ng anak ko. Alam mo kung gaano ko kayo kamahal na pareho pero kung ito ang kailangan mo para makawala. Tatanggapin ko na ito. Sana lang makatulong ito" malungkot na sabi ni Nanay. Ngumiti ako ng tipid at tumango.

"Iyan nalang po kasi ang tanging bagay na nagkukonekta sa amin. Ngayon pong nasa inyo na wala na po. Maraming salamat po Nanay" sabi ko. Bumuntong hininga ito at tumingin sa akin mata sa mata. Nagulat ako sa paraan ng patingin nito at maging sa lungkot na nababasa sa mata nito. Gusto ko mang iiwas ang mata ko ay hindi ko na magawa pa. Parang may humihila sa akin na titigan ang mga mata ni Nanay.

"Paano kung bumalik siya... Paano kung bumalik si Toffer, Yxel-"

"Masaya po ako na sa wakas ay bumalik po siya. Masaya po ako para sa inyo. Tapos na po ang sa amin ni Toffer, Nanay. Kung bumalik po siya masaya akobg maging kaibigan siyang muli" sagot ko. Kung ako kasi ay wala na talaga. Wala na akong pakialam kung bumalik pa siya o hindi na.

"Yxel..." mahinang sambit ni Nanay na parang may gustong sabihin ngunit parang may pumipigil sa kaniya na sabihin iyon.

"Kung ano ang makakapagpasaya sa'yo, hija. Kung makakatulong ang mga ginagawa mong ito, masaya akong makatulong..."

Pagkatapos non ay umalis din ako. Sa loob ng halos dalawang taon ko Sa Amerika, wala akong ginawa kundi buuin ang sarili ko. Buuin ang mga piraso na nabasag at nawala ng mahalin ko si Toffer. Natuto akong mas pahalagahan ang sarili ko at natuto akong tumayo sa sarili kong paa.

Dati kasi akala ko hindi ko kaya. Hindi kasi ako nasanay na mag-isa. Parating nandiyan si Toffer para tulungan ako, samahan. Hindi niya ako hinahayaang mag-isa kaya ng mawala siya para akong bulag na kumakapa sa dilim. Masyado ko siyang minahal, sobra sobra ang naibigay ko, hindi ko naman kasi alam na iiwanan niya lang pala ako. Kung alam ko lang sana kahit papaano nag-iwan ako para sa sarili ko.

"I wish I never met you" bulong ko. I wish narinig niya iyon.

Umuwi nalang ako pagkatapos kong magpunta kila Nanay Ysa. Naabutan ko si Daddy sa may living room at tinatapos ang wedding gown. Hindi naman tinago ni Daddy sa akin kung ano ang kasarian niya at hindi ko naman siya kinahihiya. Actually, I'm a proud daughter. Sino ba naman kasi ang hindi magiging proud kung kahit bakla ang Daddy mo ay nagawa nitong magpakalalaki para sa'yo? Not to mention na isa sa ang Daddy ko sa mga sikat na Designer hindi lang sa pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

"Yxel, sweetheart. Tingin mo ba dapat ko pang lagyan ng lace?" tanong niya sa akin. Muli kong tinignan ang Wedding gown. Mas babagay kay Aila ang walang Lace. Maputi na kasi ito.

"I think Dad mas maganda kung wala" tinignan din ni Dad ang damit bago tumango tango.

"Thank you sweetheart" lumapit ako kay Daddy at hinalikan siya sa pisngi bago umakyat at nagpalit ng pambahay bago muling bumaba.

Hindi naman dapat ako uuwi ngayon kundi sa susunod pang taon pero dahil kay Aila ay napaaga ang uwi ko. Ikakasal na kasi ito sa boyfriend niya at ako ang ginawang maid of honor. Kahit naman kasi ipilit kong ibahin nalang nila ay ayaw nitong pumayag. Ako daw ang bestfriend kaya ako dapat iyon.

"Hindi mo pa sinusukat ang gown mo. Nasa itaas na iyon" wika ni Dad. Si Daddy na kasi ang ginawa nilang designer sa lahat ng isusuot na gowns.

"Later na Dad" sabi ko at pinanood siya habang tinatapos ang gown. Magiging masaya si Aila pag nakita niya ang gown. Ang ganda ganda kasi! Kung pwede lang na ako ang mag-suot kaso hindi, eh. Wala naman akong magiging groom.

Dela Marcel VI: Hating Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon