Chapter IV
Sinamahan ko si Aila habang inaayos ang pinagkainan namin. Nauna na ang mga lalaki sa living room. Dumating ang Sungit ni Kris na hindi ko alam kung paano naging sungit gayong napakabait naman nito. Umiling ako. Ang pag-ibig nga naman.
"Ayaw mo ba talagang marinig ang paliwanag niya?" nilingon ko si Aila na ngayon ay pinupunasan na ang platong binabanlawan ko.
Ipinagkibit balikat ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung gugustuhin ko pang marinig ang paliwanag ni Toffer. Higit sa anim na taon na, marami na ang nagbago at kita naman na iyon sa aming dalawa pero kahit ganun pa man alam kong kailangan ko iyon pero hindi ko alam kung handa na ba ako.
Simula nang iwan ako ng Mommy ko sa Daddy ko, si Toffer ang parating nandiyan. Naging sandalan ko siya, iyakan, eating buddy, at kung ano ano pa. Ang pinakamalala ata ay ang magsuot siya ng puting T shirt at papapintahan niya iyon sa akin. Gusto daw kasi niya na mapunta sa kaniya ang atensiyon ko. Hilig ko kasi ang pagpipinta noon at simula noon, tuwing magpuputi siyang damit ay umuupo ako sa legs niya at pinipintahan iyon.
Humuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko pa ito. Iyong parang nasasayangan ka? Kahit sino naman siguro masasayangan sa klase ng relasyon na meron kami noon pero kasi sinaktan niya ako, naniwala niya ako sa kasinungalingan niya, pinaasa, iniwan sa ere at ngayon babalik siya na parang walang nangyari. Parang walang babaeng nagmamahal sa kaniya ng lubos na iniwanan niya.
"Kung ako ang tatanungin, pakikinggan ko. Everybody deserves a second chance" nagulat ako sa sinabi ni Aila. Tinignan ko siya pero para siyang walang pakialam sa sinabi niya.
Siya kasi ang unang unang tao sa listahan na gustong kalimutan ko na si Toffer noon. Siya nga ang tumulong sa akin upang kahit papaano ay hindi maisip si Toffer. Nagulat lang ako na ngayon ay wala siya sa side ko.
"Hindi ganun kadaling pakinggan ang rasong iyon, Aila. Ilang taon akong nag-suffer. Hindi porket parehas kaming wala nang nararamdaman ay pakikinggan ko na. Hindi porket bumalik siya ay pakikinggan ko na" hinugasan ko ang kamay ko ng matapos ako. Hindi naman nagtagal ay tapos na rin siya Kaya sabay na kaming lumabas ng kusina.
Hindi pa man kami nakakarating ay naririnig na namin ang usapan nila. Iba talaga kapag lalaki ang nag-usap. Nagpapataasan ng boses. Huminto sila ng makita kami. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ng upuan ni Toffer.
"Nagpagawa pala ng bahay si Toffer. Hindi ba at interior designer ka, Yxel?" nilingon ko si Toffer. Kailan pa ba siya nakauwi at nakapagpatayo na siya ng sariling bahay?
"Nakakuha na ako ng interior designer. Nasimulan na rin..." nagkibit balikat ako. Mayroon naman na pala.
"Mayroon naman na pala, e. Tsaka baka mansiyon ang pinagawa niyan! Hindi ko kaya iyon Kasi may ginagawa pa akong project at kailangan ko pang umuwi sa America" biro ko. Napansin Kong tumitig siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay kaya tumaas din ang kilay ko.
"Bakit ka uuwi doon. Hindi ka doon nakatira" kumento niya.
"Doon na ako naka-base. May naiwan akong buhay doon. Hindi naman ako basta aalis at hindi na babalik" umiwas siya ng tingin. Nanahimik maging ang mga kaibigan namin. I know I shouldn't have said that pero Kapag kaharap ko na siya ay Hindi ko mapigilan. Nagmumukha tuloy akong bitter.
Nilabas ko ang phone ko at siyang kinalikot ko. Hindi rin naman Kasi sila nagsasalita. Ayaw Kong mauna dahil feeling ko kabitteran na naman ang lalabas sa bibig ko. Nakakainis kasi. Hindi ko ginagamit ang utak ko minsan.
"Mag-usap nalang Kaya kayang dalawa nang matapos na iyong issue niyo sa isa't isa" nilingon ko si Allen na siyang unang nagsalita matapos ang nakakabinging katahimikan. Nakatingin siya sa akin. Bakit ako na naman? Hindi pa ba sapat na nandito ako ngayon? Kailangan pa ba pilitin nila akong makipag-usap at pakinggan si Toffer?
Nagulat ako at halos mabitawan ko ang phone ko ng bigla itong tumunog. Nilingon naming lahat ang nag-iingay kong phone. Nanlaki ang mata ko ng makita ang caller. Mabilis ko itong sinagot pero Hindi na ako lumayo.
"Sam!" Agad kong bati. He's my gay friend slash pretend boyfriend. Siya ang unang una Kong naging kaibigan sa America at talaga namang nagkasundo kami kaya kami nagtagal. Anak siya ng isang banking magnate at hindi nito alam na bakla si Sam kaya nagpapanggap akong girlfriend niya tuwing dinadalaw siya ng Parents niya. Malambot ang puso ko sa mga bakla dahil Kay Dad.
"I need your help! My gosh! Nadala ng babae si Daddy kasi akala niya nag-break na tayo. Anong gagawin ko? Ang landi ang babaeng iyon! Hinalikan niya pa ako!" imbes na mainit ay natawa ako. Naimagine ko kasi ang itsura niya habang kausap ako. Panigurado mukha na naman itong constipated.
"So tatawanan mo ako? Nasisiyahan kang nahihirapan ako! Ikaw na bakla ka!" Sige nito kaya nilayo ko ng kaunti sa tenge ko.
"Ano ba kasing gagawin ko, Sam? Nasa America ka at nandito ako sa Pilipinas. Hindi naman pwedeng umalis nalang ako 'no!" Sinamaan ako ng tingin ni Aila. Alam niya kasing kailangan Kong bumalik sa America.
"Uuwi ako diyan! Sabi ni Daddy Kung tayo bakit kita hinayaang umuwi. Sinabi ko na susunod naman talaga ako sa'yo. Ngayon hinihintay na niya akong umuwi at dapat kasama ka. I'm sorry kung ikaw na naman ang dinamay ko. Wala na talaga akong ibang mapag-kakatiwalaan"
"Okay Lang 'no! Kailan ka ba uuwi?" tanong ko.
"Tomorrow. Last na talaga ito. Aamin na ako! Bahala na!" ngumiti ako.
"Finally. Basta itext mo ako kung anong oras ang flight mo. Ako na ang susundo sa'yo!" Tumawa Ito sa kabilang linya.
"Okay. Thank you talaga. See you, Love you"
"Love you, too" Sabi ko bago pinatay. Binago ko ang phone ko. Lahat sila nakatingin sa akin.
"He's Sam. Naalala mo ba iyong guy na kinukwento ko sa'yo, Ai. Uuwi na siya dito" paliwanag ko. Hindi ko din alam Kung bakit ako nagpapaliwanag.
"Siya ba iyong lalaking may sariling kwarto sa Unit mo?" tanong naman ni Allen. Iyon kasi ang napansin nito ng dinalaw niya ako. Sakto namang may out of town trip si Sam Kaya Hindi sila nagpang-abot. Hindi pa man ako nakakatango ay bigla ng nagsalita si Toffer.
"Sariling kwarto sa unit mo? So magkasama kayo sa iisang unit? Alam ba iyan ng Dad mo? Ilang taon na kayong magkakilala? Sigurado ka bang Hindi ka lolokohin non?" nalaglag ang panga ko sa dire-diretso niyang pananalita. Halos Hindi ko na nga masundan ang mga tanong niya sa bilis.
"Easy Lang, bro" ngingisi ngising Sabi ni Kris.
"Siya kasi! Bakit may kasamang lalaki sa unit?!" Kumento ang noo ko. Bakit ba ang dami Dami niyang tanong? Kung magtanong ay talo pa ang Daddy ko Tsaka bakit mukha siyang galit?
"Hindi naman masama na may kasama akong lalaki. Wala naman akong boyfriend!" Sabi ko sabay irap sa kaniya.
Lalong nag-igting ang panga niya. So galit siya? Bakit naman?
"Babae ka parin at lalaki siya. Ano nalang isipan ng ibang tao-"
"America iyon Toffer. Mag-Uwi man ako ng lalaki o kahit makipaghalikan ako sa kalsada, wala Lang iyon sa kanila" mas lalo ata itong nainis sa sinabi ko.
"Kausapin niyo nga isang kaibigan niyo!" Sabi nito at mabilis na umalis. May ginawa ba ako? Tama naman ako, a? Ang arte niya akala naman niya boyfriend ko siya!
BINABASA MO ANG
Dela Marcel VI: Hating Him
Ficción GeneralToffer Night Dela Marcel Dela Marcel Series: Hating Him Story by: Diyosangwriter Cover by: krunchey