Hating II

35.4K 815 12
                                    

Chapter II

Tinignan kong mabuti ang blueprint ng bagong bahay na didisenyohan ko. Ganitong ganito ang bahay na pinangarap namin ni Toffer noon. Halos parehas na parehas maliban lang sa nadagdagan ito ng kaonting arte na mas nagpaganda naman dito.

Kinagat ko ang dulo ng lapis bago ko sinimulan ang disenyo. Inuna ko ang master's bed room. Ginama kong classy ang disenyo. Hindi ganon ka girly at hindi din manly pero nang matitigan ko ang nagawa ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ihinilamos ko ang palad ko sa mukha ko bago tumayo at lumabas ng kwarto ko.

Kailangan ko ng tubig. Kailangan ko ng malamig na tubig. Sobra sobra ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang nakikipaghabulan ako sa kung ano.

Umupo ako sa high stool ng Kitchen at yumuko. Naninikip ang dibdib ko habang paulit ulit na inaalala iyon.

"Dapat ito ang kulay ng kwarto natin. Ang cute" sabi ko habang pinapakita ang dark pink na kulay kay Toffer. Kumunot ang noo nito.

"Hindi ba pwedeng balance nalang? Hindi manly at hindi girly? See these..." pinakita niya sa akin ang isang disenyo sa magazine na hawak at bigla akong tumango. Ang ganda ng pagkakaayos ng mga appliances maging ang kulay ay nakakaakit pagmasdan.

"Gusto ko ng ganito, Toff..." saad ko habang nakatingin sa larawan. Tiningala ko siya at natagpuan ko siyang nakatitig sa akin. Ngumiti siya at tumango.

"You'll have it. Lahat ng gusto mo ibibigay ko" ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi bago muling tinuloy ang pagdedesign sa dream house namin.

Napasabunot ako sa buhok ko bago inubos ang nasa baso at iniwan iyon sa sink. Hindi ko alam kung bakit apektado ako. Alam kong wala na akong nararamdaman pero bakit ganun padin? Bakit konting bagay lang na makakapagpaalala sa akin sa kanya ay muli na naman akong maaapektuhan?

Umakyat din ako sa kwarto ko pero hindi na ako bumalik doon sa tinatrabaho ko. Lumabas lang din ako sa patio at umupo sa sahig habang nakatingin sa langit.

Siguro halos lahat na ng tao ay tulog na ngayon pero ako nandito at parang tanga na nakaupo. Dati naniniwala ako na as long as parehas kayo ng nakikitang Sky, may pag-asa kayo pero ngayon hindi na. Mas mahalaga na sa akin na pahalagahan ang kung sino mang nandito kaysa sa mga taong umaalis.

Niyakap ko ang sarili ko ng makaramdam ng lamig. Unti unti nang natatakpan ng ulap ang kalangitan. Tumayo na ako at pumasok. Kailangan ko pang magpahinga para sa kasal ni Aila. Muntik ko ng makalimutan.

Nakangiti lang ako kay Aila. Ako kasi ang kasama niya sa sasakyan dahil ulilang lubos na siya. Hindi ko alam na sa amin palang dalawa ay mauuna pa siyang ikasal sa akin.

"Ang ganda ganda mo" nakangiting sabi ko. inirapan niya lamang ako.

"Xel..." umiwas siya ng tingin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya matuloy.

"Kung ano man iyan. Mamaya na. Isipin mong ikakasal ka na sa lalaking mahal na mhal mo at mahal na mahal ka kasi hindi ka iniwan..." makahulugang sabi ko. Aila is like a sister I never had. Masaya ako pero hindi ko mapigilang di mainggit. Alam ko masama. Alam kong di dapat pero di ko mapigilan.

"Xel... Hindi porket iniwan ibig sabihin di na mahal. May mga bagay tayong di maintindihan na tanging ang mga nangiwan lang ang makakapagpaliwanag" umiling ako at tumingala upang hindi matuloy ang nagbabadyang luha. Bakit ba ito ang pinaguusapan namin?

Today is her wedding day for God's sake! Ngayon pa namin naisipang magdrama.

Maya maya ay nagtinginan kami bago parehas na tumawa. Maya maya ay niyakap niya ako. Yakap na dahilan kung bakit gusto ko na namang umiyak pero pinigilan ko na.

"No matter what, Alam mong nandito ako. Kahit kasal na ako pagagawan parin kita ng kwarto sa bahay namin. I love you, Xel. Alam mong ikaw ang first love ko" pinalo ko siya sa braso. Pinapaiyak niya ako lalo!

"I love you, too" sabi ko bago kumalas at bago pa kami magiyakan ng sobra. "Gusto ko ng pamangkin, ah. Bilisan niyo gumawa" nanlaki ang mata niya at ngayon naman ay siya ang pumalo sa akin. Para akong tangang pumupunas ng luha habang tumatawa.

Muli ko siyang niyakap ng marating na namin ang simbahan. Hindi pa kasi siya lalabas kaya ganun. Lumapit ako sa mga nakahilerang bride's maid. May mga namukhaan ako pero halos lahat ay hindi ko kilala. Lumingon lingon ako upang maghanap ng kausap pero tinawag na kami ng organizer kaya't hindi na ako nakaikot pa.

Ramdam na ramdam mo ang pag-ibig sa loob ng simbahan. Ang sarap sa pakiramdam ng makakita ng ganitong pagmamahalan. Naiyak pa nga ako ng magpalitan sila ng vow. Alam ko kasi ang kwento nila. Maging ang lahat ng napagdaanan nila. Hindi sila sumuko at ipinaglaban nila ang pagmamahalan nila. Hinalikan na ni Adam si Aila at nagpalakpakan ang mga tao.

Nagsimula na ang picture taking at dahil wala naman gaanong kamaganak si Aila, kami nalang nila Daddy ang nandoon. Pababa na ako dahil tapos na kami at pamilya na ni Adam ng matapilok ako. Inaasahan ko ng babagsak ako ngunit may humawak sa baywang ko. Napakapit din ako sa sleeves ng suot niya dahilan upang mapunit iyon.

"Hala, sorry. Sorry talaga" kinagat ko ang kuko ko habang nakatingin sa suot niya. Hindi ko siya magawang tignan dahil sa hiya.

"Old habits die hard, huh?" kumurap kurap ako ng marinig ang boses niya. Binaba ko ang kamay ko bago pumikit at tumingin sa kaniya. Bakit ba nakalimutan kong pinsan nga pala ni Adam ang mga Dela Marcel?

Nanlamig ako at parang nakukuryenteng lumayo sa kanya. After all these years, bakit ngayon pa?

"Yxel? Kanina pa kita hinahanap, hija" hinalikan ako ni Nanay Ysa sa magkabilang pisngi "Ang ganda ganda mo talaga"

"K-kayo din naman po, eh" sabi ko bago pumeke ng tawa. Tinignan ko si Aila pero umiwas ito ng tingin. Alam niya. Ako lang pala ang parang tangang walang alam.

Nagpaalam si Nanay na pupunta lang sa taas dahil tinatawag na ang pamilya ng lalaki. Aalis na sana ako upang bumalik sa upuan ko dahil kailangan kong huminga. Nasusuffocate ako. Para akong nakakita ng multo.

"Xel" pumikit ako bago siya hinarap. Ngayon naglakas loob na akong tignan siya. Papatunayan kong wala na siya sa sistema ko.

Ang laki ng pinagbago niya. Hindi lang sa physical maging ang dating niya ay ibang iba na din.

"Yes? May kailangan ka? Nakalimutan kong mag-thank you sa pagligtas sa akin mula sa kahihiyan" sabi ko bago muling pumeke ng ngiti. Tumaas ang kilay niya na parang binabasa ang ngiti ko.

Nanlalambot ang mga tuhod ko pero sinigurado kong hindi niya iyon mapapansin. Muli akong tumingin sa napunit niyang suot.

Tumaas ang kamay ko ngunit ng gumalaw ang mga muscles niya sa braso ay binaba ko din ang kamay ko.

"I'm sorry. Papalitan ko nalang. Ano bang size?" tanong ko.

"Kailan ko pa pinapalitan ang mga damit ko sa'yo? Kahit nga sadya mong pinipinturahan ang mga damit ko hindi ko pinapapalitan" kinagat ko ang labi ko bago bumuntong hininga.

"Iba noon, iba ngayon pero kung iyan gusto mo. Bahala ka" pasalamat ako ng tawagin ako ni Aila dahil gusto niyang dalawa naman kami. Nilayo niya nga ako kay Toffer pero may kasalanan padin siya sa akin. Hindi niya sinabing nandito si Toffer. Kailan pa ito bumalik?

Dela Marcel VI: Hating Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon