Chapter III
"These one is for their daughter. It's a combination of Pink ang peach na sikat sa kabataan ngayon..." binigay ko sa aking kliyente ang sketch ko ngunit hindi nito iyong pinagtuunan ng pansin na para bang wala naman itong pakialam sa magiging disenyo ng bahay.
"Think of it as your home, hija. I don't really care about the designs. Do whatever you want as long as maganda itong tignan..." kumunot ang noo ko at nagtaka ngunit hindi ko na ito pinansin pa.
Noong una pa man kaming magkita ay ganito na ito. Sinasabi niyang isipin kong sa akin ang bahay na para bang ipapamigay nito sa akin. Dapat matuwa ako dahil mas mapapabilis ang trabaho ko pero bakit parang kabado ako? Bakit parang mas nahihirapan ako?
"How about the kitchen? Dining..." huminto ako ng tumawa ito na para bang nagbibiro ako. Pinigilan kong tumaas ang kilay ko.
"I trust you, hija. Hindi ka naman irerekomenda ng aking amiga kung hindi ka magaling. Kung ano man ang magawa mo, okay lang sa akin" tumingin ito sa relo bago sa akin "Mauna na ako. May appointment pa ako with my new investores. You can visit my house anytime, hija"
Hindi pa man ako nakaka-oo ay umalis na ito, nagmamadali na para bang mahuhuli na talaga ito. Umiling ako at inayos ang aking gamit. Nilagay ko sa kabilang balikat ang aking bag habang yakap yakap ang laptop na hindi ko na pinagkaabalahang dalhin ang bag at ang blueprint ng bahay nila.
Naglakad ako palabas ng Restaurant. Kinamot ko ang batok ko ng biglang malaglag ang blue print. Kung alam ko lang na wala naman palang kwenta ang pakikipagkita kay Mrs. Mariano sana'y kinancel ko nalang. Wala naman palang pakialam sa disenyo ng bahay.
Iiling kong pinulot iyon. Nagulat ako ng may kamay pang humawak do'n maliban sa akin. Tinignan ko siya upang sana magpasalamat ngunit ng makitang si Toffer iyon ay mas nasira ang araw ko. Sa lahat ng halimaw na makikita ko bakit siya pa?
Hindi na ako sanay na nakikita siya. Hindi na din ako sanay na malapit sa kaniya. Gulat parin ang buong sistema ko. Halos anim na taon na. Sino bang magaakalang makikita ko pa siya?
"May kasama ka? mabigat iyan... You want me to help you?" agad akong umiling at medyo umatras.
"I can handle these. Magaan lang naman" sabi ko at kukunin na sana ang blue print dahil akala koy bibitawan na niya ito ngunit hindi pala kaya kunot noong tinignan ko siya.
"Tulungan na kita. Saan ka ba nakatira? I'll drive you home" huminga ako ng malalim.
"Kaya ko. Wala ka bang kasama? o ka-date? Ayokong makaabala" umasim ang sikmura ko sa sinabi ko. Konting konti nalang ay sasabog na ang pasensiyang dala dala ko.
"Kailan ka pa naging abala-"
"Please lang, Toffer. Kaya ko ito mag-isa. Hindi na ako bata na kailangan pang ihatid" madiin kong sabi. Mukhang nagulat siya sa inasta ko kaya naman nabitawan niya ang hawak na blue print. Matigas parin ang mukha kong nakatingin sa kaniya. Bago tumalikod at hinanap ang kotse ko at pinatunog bago sumakay. Tumingin ako sa kanya at tumango bago pinaandar ang sasakyan ko.
Pumikit ako at sumandal sa upuan. Bakit pa siya bumalik?
Dumiretso ako sa aking condo at mabilis na naligo at nagpalit ng shorts at knitted jacket. Napagdesisyunan kong guluhin na lamang si Aila at Adam. Tapos ko na rin naman ang buong disenyo ng bahay ni Mrs. Mariano. Tatawagan ko na lamang ang mga furniture shops na kukuhanan ko ng gamit.
Mabuti na lang at hindi pa nagdesisyon si Aila at Adam na mag-honeymoon dahil kung sakali ay wala akong mapupuntahan.
Nginitian ko ang guard nila na kilalang kilala na ako bago ipinark ang kotse ko sa tabi ng isang Chevrolet Camaro.
Basta basta na lang ako pumasok ng bahay nila. Pupunta na sana ako sa kitchen ngunit nagulat nalang ako ng may sumigaw ng pangalan ko. Hinanap ko kung saan iyon galing at nagulat ako ng makitas nasa living room silang lahat ngunit nadako ang mata ko sa nagiisang lalaking nakatingin sa akin ng matiim. Umiwas ako ng tingin at lumapit sa kanila.
"Adam nagugutom ako!" reklamo ko ng marating sila. Tumabi ako kay Aila at tinanggal ang kamay ni Adam sa balikat nito bago ako yumakap at parang batang inagaw ang best friend ko.
"Toffer lutuan mo si Sinyorita" biro ni Kris na inirapan ko lang. Ano ba kasing ginagawa ng dalawang kambal na salot na 'to dito?
"Ano bang gusto ng Sinyorita?" ganting tanong ni Toffer. Umirap ako at umiling.
"Ayoko sa'yo. Gusto ko si Adam magluto..." sabi ko na nagpatahimik sa kanila. May nasabi ba akong mali?
"Wow! Kumpleto" lahat ng mata ay napunta kay Allen. Ano bang meron? Tumingin ako kay Aila.
"May pag-uusapan daw tayo. I was about to call you... kaso nandito ka na pala" sagot niya. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon. Ano pa bang magagawa ko. Nandito na.
"Ano bang meron?" tanong ni Allen pagkaupo niya sa tabi ni Toffer.
"Adam magluto ka naman. Gutom na ako" sabat ko na naman. Iiling iling na tumayo si Adam at nagpunta ng kitchen ngunit bumalik ito kaagad at nagulat ako ng tanggalin niya ang kamay kong nakayakap kay Aila at hinila ang best friend ko.
"I need my wife" sabi nito at kinuha na ang asawa sa akin. Kinantiyawan sila ni Kris at Allen ngunit nanatiling tahimik si Toffer habang nakatingin sa akin.
"Bakit?" tanong ko. Doon ito umiling iling at sumandal.
"Ano bang meron at nandito kayo? Na-miss niyo ako?" biro ko upang mabasag ang katahimikan.
"Kayo kasi mahilig mang-iwan tapos sabi mo pa babalik ka din ng Amerika" kumento ni Allen.
"May skype naman po! Parang di ka pumupunta don kapag kailangan mo ng kausap kasi ayaw ka paring pansinin ni Dyka!" biro ko. Sumimangot ito at nanahimik.
"Pinupuntahan ka niya?" malamig ang tono na tanong ni Toffer. Tumataas ang kilay ko pero nanahimik ako.
"Oo. Kasama ko pa non si Kris kaso isang tawag lang ni Atasha, uwi agad. Parang Makati to Manila ang biyahe!" natawa ako don.
Naalala ko nang dinalaw nila ako. Kakarating palang nila ng tumawag si Asha. Tinanong lang nito kung nasaan si Kris kaso ang gago natakot agad at umuwi. Hindi pala nagpaalam.
"Gago!" asar na sabi ni Kris pero todo tawa parin kami ni Allen.
"Ikaw Toffer? Saan ka ba galing pare?" nanatili akong tahimik. Wala na naman akong pakialam.
"Food is ready, sinyorita" sabi ni Adam na nakairap sa akin. Parang bakla.
"Talaga? Gutom na ako!" sabi ko at tatayo na sana pero hinawakan ni Allen ang braso ko, pinipigilang tumayo.
"Kailangan niyang magpaliwanag sa'yo. Siguro nga wala ng sense pero may karapatan kang malaman" Umiling ako kay Allen at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Katulad nga ng sinabi niya ay wala na itong sense. Anong kwenta ng isang rason kung sobra ka nang nasaktan? Maaari nitong linisan ang sugat o tanggalin ang sakit pero sa estado ko wala na itong epekto dahil nagamot ko na ang sarili ko. Sinugatan niya ako, natanggap ko na iyon. Hindi na rin naman maibabalik ang lahat kahit milyon milyon pa ang ibigay niyang rason. Anim na taon na. Mas magandang ibaon nalang sa limot lahat.
"Nakalimutan ko na iyon at ayos na ako ngayon, Allen. Kalimutan nalang natin iyon. Katulad ng sinabi mo wala nang sense. Naka-move on na ako... Nakamove-on na si Toffer. What we had is history. I'm happy now and besides hindi na din naman namin gustong magkabalikan pa" nakangiti kong sabi bago tumayo at inaya silang kumaen.
BINABASA MO ANG
Dela Marcel VI: Hating Him
General FictionToffer Night Dela Marcel Dela Marcel Series: Hating Him Story by: Diyosangwriter Cover by: krunchey