Chapter 1

1.8K 117 30
                                    

Chapter 1

Mixed

Yesha:

Wala akong gagawin this morning. Tara?

Binasa ko ang text ni Yesha habang nasa harapan ng salamin. Nasa CR ako at may hawak na pang ahit ng balbas. Nag shave kasi ako para maging pormal ngayong araw. Valentine's Day ngayon kaya dapat maging gwapo. Baka maging afam ako nito ng wala sa oras.

Sa baba lang naman ng ilong ang balbas ko at tsaka manipis kaya hindi mahirap i-shave. Some people say I look good with it, but I remove it when I'm not in the mood.

I typed a reply.

Ako:

May lakad ako. Anong oras ba want mong time?

I'm going to the airport today. I can't refuse Mom anymore. I thought Yesha wouldn't agree to a date, but it seems she did. Anong pipiliin ko? Makipag date o sumundo sa aiport?

Yesha:

Saan ang lakad mo? Baka pinag sasabay mo kami ng babae mo, huh.

What the hell? Palagi na lang talaga iniisip na may iba akong babae.

Ako:

Nope. :)

Yesha:

Saan nga?

Ako:

Airport.

Hinugasan ko ang aking mukha bago lumabas ng CR. Nasa sala na ang damit ko na isusuot kaya kinuha ko na iyon. I wore a dark red long-sleeved shirt, rolled up at the elbows. I paired it with loose jeans and sneakers.

Habang nag bibitones ng long sleeves ay tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon.

Yesha:

Alright. Magkita tayo ngayon. Mabilis lang.

Kumunot ang noo ko. May lakad nga ako. Ang kulit, ah? Block ko number nito.

Ako:

Baka malate ako sa lakad ko.

Yesha:

Mabilis lang. Akala ko gusto mo nang may ka-date? Sabi sa akin ni Reon.

Man...

Napalunok ako. Mabilis lang daw. Sige. Kapag ako nalate, ha! Ihahagis ko siya sa sahig ng airport.

Ako:

Saan ba?

Yesha:

Send ko sa 'yo kung saan. See you. ;)

Hindi na ako nag reply at nag patuloy na lang sa pag bibihis. Once I finished with my hair, I left immediately. Yesha texted me the meeting place, and I told the taxi driver where to go.

Sa isang café lang niya naman ako pinapunta kaya sigurado akong hindi nga kami mag tatagal. At hindi talaga puwede! Kailangan kong masundo ang alaga ni mama sa aiport. Baka sabunutan ako no'n.

O, itext ko na lang? Puwede rin naman. Hindi naman siguro bata 'yon kaya makakarating din kung sasabihin ko kung saan.

"Airport? Really? Na ganiyan ang suot?" puna ni Yesha nang makarating ako.

Umangat ang kilay niya at pinasadahan pa ako ng tingin. Naupo ako sa tapat niya. She was wearing a barely-there crop top. At talagang napuna niya agad ang damit ko, huh? Ngumisi ako at sumulyap sa counter bago binalik sa kanya.

"Ikaw nga sa café lang naman punta pero para kang lalangoy sa dagat," puna ko rin pabalik.

"Hello?! Valentine's Day ngayon! Duh!? Anong aasahan mo? Naka-daster ako?" maarte niyang sabi at umirap pa.

Lyrically in Love (Echoes #3)Where stories live. Discover now