Chapter 3
Life
"Kuya, sundan mo nga 'yung puting taxi!" sabi ko sa pinara kong taxi pag katapos akong iwan ni Lyric.
Sinuklay ko ang aking buhok paatras habang hinihingal na naupo sa likod ng taxi driver. Ngumiwi ako nang tumingin siya sa akin na may halong gulat sa mata. Umaawang ang aking labi nang mabasa ang iniisip ng driver.
Agad akong umiling. "Hindi, Kuya! Iniwan lang ako ng kasama ko. Doon siya nakasakay! Wala akong hoholdapin, ah!"
Kahit wala pa siyang sinasabi, alam ko na ang gusto niyang iparating. Napatango siya bago pinaandar ang sasakyan paalis doon. Napansadal ako sa upuan at napabuntong-hininga. Mukha ba akong masamang tao?
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at agad na tinawagan si mama para isumbong ang ginawa sa akin ng alaga niya. Napaka-pasaway! Parang bata kung gumalaw! Gagawin niya ba akong aso kakahabol sa kanya? Unang araw pa lang naming dalawa 'to pero parang mamamatay na ako.
Hindi nga toddler pero ugaling toddler, oo!
Kung hindi lang siya bago rito sa Pilipinas, hinayaan ko na siya! Nakakapagod mag habol. Napapag-kamalan pa akong masamang tao dahil sa ginagawa niya.
"Ito ba, sir?" tanong ng taxi driver.
Tiningnan ko ang number ng sasakyan sa likuran at tumango nang makitang iyon nga ang sasakyan ni Lyric. I clenched my jaw before finally calling my mom. I waited for a few minutes before she answered.
"Mama!" Parang bata kong sabi.
"May problema ba, Zede?" tanong niya kaagad nang marinig ang aking boses.
Pinunasan ko ang pawis sa baba ng aking ilong. Pinag pawisan ako sa pag hahanap ng taxi, mahabol lang ang sinasakyan ng kupal na 'yon.
"Ilang taon na ba ang lalaking iyon?" tanong ko, tinutukoy si Lyric.
Mukhang naintindihan niya naman dahil agad siyang sumagot.
"Ka-edad mo lang. Bakit?"
Kumunot ang aking noo. "Sinong matanda sa amin?"
It took her a while to answer. My birthday is in January. I'm twenty-one now, turning twenty-two on January 17th. My birthday was just last month. It's February now, Valentine's Day.
"Ikaw. Mas matanda ka ng isang buwan." sagot ni mama.
Nagulat ako roon. Talaga? Isang buwan lang ang tanda ko? Twenty one na rin iyon kung ganoon? O, baka twenty pa lang? Kung twenty pa lang, dapat sumunod siya sa akin dahil ako ang mas matanda sa amin.
"Twenty one na rin katulad mo. Birthday no'n ngayon. Valentine's Day." dagdag niya na lalo kong ikinagulat.
Napatingin ako sa unahan at nakita ang taxi na sinasakyan ni Lyric. Tuloy-tuloy ang takbo niyon kaya tuloy-tuloy din ang sunod ng sinasakyan ko. Nakaawang ang labi, napatulala ako saglit.
Hindi ko alam na birthday niya! Dapat sinabi niya sa akin! Hindi ko sana siya sinasabihan ng ganoon!
"Bakit hindi mo sinabi sa akin, mama?!" iritado kong sabi at napapikit.
Tangina! Birthday niya dapat masaya siya! Naging masaya kaya 'yon? Parang hindi. Pinikon ko kasi.
"Bakit? Ano bang nangyari?" Tumaas ang tono ng boses niya.
"Wala! Papatayin ko na!" sabi ko at pinatay ang tawag.
Hindi ko pa nababa ang cellphone ay nag vibrate na ang aking cellphone dahil sa text niya.
YOU ARE READING
Lyrically in Love (Echoes #3)
Romance"Lyrics speak of how much we love each other. But it doesn't say when it needs to end, it lets me be blinded."