Chapter 1

3 0 0
                                    


Different place. Different time. Time traveling?!

Tangina, I think I really am. I think I really am fucking losing my mind right now.

I run back and fourth, trying to find evidences that I am just dreaming and I am not in this fucking unimaginable thing.

"Neng, magpapakamatay ka ba? Tumabi ka nga! Maawa ka naman sa mga magulang mo." Sigaw ng isang lalaki sa akin nang muntik na niya akong mabangga.

Hindi ko maintindihan, nasaan ako? What is happening to me right now? Bakit ako nasa taong ito? I was just sleeping inside the cab I booked! Bakit nagising na lang ako bigla na nandito na ako sa lugar na 'to.

Feeling so helpless, I couldn't help but cry. I sat down on the side of the street, nakayuko at pilit na itinatago ang pag-iyak.

"Ate?! Bakit ka nandito?" Naiangat ko ang tingin ko nang marinig ko ang boses ng isang bata. I stiffened when I saw my brother innocently looking at me.

"Aries, ikaw ba 'yan?" nagulat ata siya sa tanong ko dahil nakita kong kumunot ang nuo niya sa akin na tila nahihiwagahan.

"Malamang! Bakit ka po nandito? Hindi ba dapat enrollment mo ngayon Ate?" tanong pa niya na hindi ko na nasagot pa.

From crying earlier, I couldn't help but smile at the sight of my younger brother. I miss the younger him so much. Kung hindi ako nagkakamali, high school na siya sa taong ito.

"Ate may sakit ka po ba? At umiiyak ka ba? Siguro hiniwalayan ka ng boyfriend mo, no? O kaya ay nabusted ng crush mo. 'Wag kang mag-alala ate, wala siyang kwentang lalaki." Tanong niya ulit nang mapansin nakatitig lamang ako sa kanya at hindi na nagsasalita.

"Ate okay ka lang ba?"

Nang marining ulit siyang magsalita, muli na naman akong napaiyak. I know I am acting crazy right now but believe me, anyone who would be in my position right now will literally act crazy.

"Ate! Tama na nga 'yan. Tara na, umuwi na tayo. Kanina pa siguro tayo hinihintay ni Nanay."

I immediately stop crying when Aries mentioned our mother. I was so preoccupied with this crazy time-traveling that I forgot how great of an opportunity this actually is.

Kung totoo ngang bumalik ako sa taong twenty-eighteen, at talaga ngang eighteen years old ako, then my mother is still alive!

I miss my mother so much.

"Umuwi na tayo, tara!" Aya ko sa nakababata kong kapatid. I don't really remember where our house was exactly because it's been ten years. Kung ako lang siguro mag-isa ang uuwi ay baka maligaw pa ako sa dami ng mga eskinitang kailangang daanan bago marating ang aming bahay.

When we arrived at the familiar house, emotions run through me again. My tears were building up again as I try to not let it fall on my cheeks.

Pumasok kami sa loob at sinalubong ako ng napakapamilyar na amoy ng aming bahay. Amoy ni Nanay. Ganitong-ganito ang amoy na miss na miss ko na. The smell of love, the smell of home — Our mother's smell.

I looked around, and I saw our old green table made up of plastic with four monoblock chairs around it. There were also pictures on the wall. Ang unang litrato ay noong pinilit ko si Nanay na mag papicture kami sa studio kasabay nung pagpapapicture ko ng two-by-two ID picture. Ang pangalawang litrato naman ay ang graduation picture ko noong grade ten. Ang katabi naman nito ang ang picture ko noong grade twelve ako na mukhang bagong sabit lang. Katabi rin nito ang graduation picture ni Aries noong grade six siya.

"Oh nandito na kayo? Bakit sabay kayong dumating?" Nagtatakang tanong ni Nanay.

My brother looked at me, telling me to don't worry because he won't spill a tea about me crying earlier.

Mukhang pinaniwalaan na nga niya ang akala niyang umiiyak ako dahil binasted ako ng crush ko.

"Nagkasalubong kami ni Ate sa labasan 'Nay" sagot ni Aries.

"Ganoon ba?" sagot naman ni Nanay na agad ma bumaling sa akin. She crossed her arm at me as if I did something wrong. "Liway, nag-enroll ka ba talaga o sumama sa mga barkada mo? Imposible namang napakaaga mong natapos sa enrollment."

I couldn't answer her question. And it's not because I don't know the answer or I'm scared to lie. The truth is, I couldn't answer because my brain couldn't process the fact that my lovely mother is standing in front of me — healthy — as she worries for me.

Oh how I miss her voice. I miss her dreamy voice, her nagging voice, her worried voice — everything!

When my mother left me, I realized a lot of thing. Napagtanto ko na totoo pala talagang kapag may isang bagay kang nakasanayan, kapag nawala ito ay mahirap nang mabuhay ulit.

Nakatingin lamang ako sa kanya. Trying to stop myself from crying. Pero hindi ko na napigilan ang sarili nang nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha.

From her looking like she wants to badly nag me, it changed into her worrying about me because I wasn't answering her questions.

"Okay ka lang ba?" tanong niya.

Hindi ko na nasagot ang katanungan niya dahil mabilis kong hinakbang ang pagitan naming dalawa. Mabilis ko siya niyakap na sinabayan naman ng pag-agos ng mga luha ko.

Mukhang nagulat si Nanay at ang kapatid ko sa ginawa ko. Aaminin ko, I am not a clingy person nor a cry baby. I hate physical touch so much! I also hate crying in front of people because I don't want them to think that I am vulnerable. Kaya siguro ay gulat silang makita akong umiiyak nang ilang beses sa araw na ito.

I felt my mother's hands caressing my back, trying to calm me down. I know her mind is full of questions about my sudden behavior, but I am really thankful at her for not asking me anything and just letting me hug her as I cry.

At kung tatanungin niya nga ako, hindi ko rin alam paano sasabihin sa kanya na I am from the future at alam ko ang ilang mga pangyayaring magaganap sa buhay namin.

How am I going to explain to my vulnerable mother who worked really hard for me and my brother, that her daughter no longer wants to live in that life? How am I going to explain to her that in the future, her daughter whom she thinks is the bravest and strongest is nothing but a slave of this rotten and corrupt world.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang katotohanan na sampung taon mula ngayon ay mas mahirap pa ang buhay namin.

Nagpatuloy lamang akong nakayakap sa kanya habang siya ay inaalo ako mula sa pag-iyak.

"Ang laki-laki mo na anak pero kung makayakap ka sa akin ay para ka pa ring bata. Nakikita ka ng kapatid mo oh." Natatawa niyang sabi sa akin pero wala akong pakialam. Patuloy pa rin ako sa pagyakap sa kanya.

I then heard her sighed. "Hindi ko alam kung ano ang problema mo anak, pero lagi mong tatandaan na nandito kami para tulungan ka. Isa pa, problema lang 'yan! Sino ka ba? Ikaw ang pinakamatapang kong anak. Kaya kayang-kaya mo 'yan."

"Paano kung hindi ko pala kaya?" biglang sagot ko.

Paano kung hindi ko pala kaya ang mga problemang 'yan? Lalo na kung hindi ko siya kasama.

"At sino naman ang nagsabi sayo na hindi mo kaya? Aba! Nagmana ka kaya sa akin. Sige na, pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga."

Humiwalay sa akin si Nanay at pinunasan ang luha ko na nasa pisngi ko pa. She smiled at me assuring me that everything will be okay. I smiled back, hoping that this whole thing is really an opportunity for me to change everything.

To change not just my fate, but also my family's fate.

Feels too GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon