Chapter 2

1 0 0
                                    


Nostalgic buildings. Green field. Noisy students.

I smiled bitterly as I stare at my old school — or should I say, my current school.

Ngayong araw ay pumunta ako sa lugar na apat na taon ko ring isinumpa. Among all the places I've been, this is the place I wanted to avoid the most.

Dito ako namulat sa katotohanan na mahirap lamang kami. Dito ako umiyak nang umiyak dahil napagtanto kong hindi pala sapat na maging matiyaga ka para umangat. Dito ko naranasan lahat ng mapapait na karanasan na kailanman ay ayoko nang balikan pa.

That's why when I graduated college, I was so happy thinking I am about to free myself from my cage — but that is not what happened. Mas malala at mahirap pala sa mundo sa labas ng eskwelahan. You will have to face too many challenges; very high standards for a low-paying job, too many problematic seniors, toxic corporate environment, bills to pay, at napakarami pang iba.

I sighed. Dapat hindi ko ito iniisip eh. Kaya nga ako nandito sa panahong ito diba? Para baguhin ang buhay ko. Para tuparin ang mga pangarap ko.

You know, living in the harsh and toxic world made me realized that those YOLO teenagers are actually right. We should enjoy life and stop thinking about what will happen to us in the future. Lalo na kung bata pa tayo.

Matatapos lang ang buhay natin, pero hinding hindi na ulit tayo mabibigyan ng pagkakataon na gawin 'yung mga bagay na gusto natin gawin noong bata pa tayo. Unang-una, kasi hindi na natin kaya physically. Pangalawa, we don't have the time to do unnecessary things anymore. Kahit pa sabihin nating gusto nating gawin ang isang bagay, pero hindi natin ito paglalaanan ng oras because there are too many task to do that are much more important than what we love to do.

Kaya ang plano ko ngayon ay gawin ang mga bagay na gusto ko hanggang kaya ko pa. Hanggang bata pa ako.

This is an opportunity given to me by the almighty for me to enjoy life. It is a chance for me to live my life to the fullest just like what others do.

"Amaris!" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na 'yun at nakita ko si Yenny? Yenna? Yanna? — Basta kaklase ko siya noong highschool kami. We were not that close but we were seatmates the whole year kaya pwede kong sabihin na magkaibigan na kami.

I remember she told me she wanted to be a nurse kaya nag-enroll siya ng BS Nursing noon. While I chose to enroll in Business Administration thinking I can turn my life three-sixty-degrees perfectly.

"Akala ko nauna ka nang mag-enroll?
Inaya kita last week kaso sabi mo sa akin maaga kang mag-e-enroll! Hindi mo na ba naaalala?" Saad pa niya.

Last week? Or you mean to say — Ten years ago?!

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa sitwasyon ko ngayon. Dahil paano ko naman maaalala ang mga 'sinabi ko raw' kung para sa akin, sampung taon na ang nakalipas nang mangyari iyon.

"Nagkaproblema kasi. Kulang pa sa pera kaya hindi ako nakapag-enroll agad." Sagot ko naman sa kanya na siyang naging dahilan ata ng pagkunot ng noo niya at pagtataka sa kanyang mukha.

"I thougt you applied as a working scholar? You told me na libre na ang lahat kapag working scholar diba?"

Bigla akong natulala nang sabihin niya sa akin ang tungkol sa pagiging working scholar.

What the fuck, Amaris! Bakit ko nga ba nakalimutan na kasabay nang pagbabalik ko sa nakaraan ay ang pagiging working scholar ko na naman ulit?!

Now, the problem is I don't know if I already applied. Pero sa pagkakaalala ko, working scholars need to enroll a day before the official enrollment will begin. Kaya ang tanong, nakapag-enroll ba ako kahapon?

"Ah — " gusto ko sanang magpaalam sa kaklase kong ito pero di ko maalala ang pangalan niya. Ano nga ulit ang pangalan niya?

" — ano, alis na ako ha. Mauna ka nang mag-enroll may aasikasuhin pa ako. Bye!" Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil kumaripas na ako ng takbo.

Hinihingal akong dumating sa Testing Center. Buti nga at natatandaan ko pa kung nasaan ito. Kumatok ako sa pinto at marahang binuksan ito.

"Ah, excuse me po?" Saad ko sa secretary ng Center. I remember her face, she was still the secretary even when I graduated at talagang napakabait niya sa akin noon. Hindi ko nga lang matandaan ang pangalan niya.

"Oh Amaris, buti naman at bumalik ka. Napakiusapan ko si Ma'am Evelyn na tanggapin na itong form mo kahit hindi mo natapos ang lahat ng steps."

"Po?" Anong hindi ko natapos ang lahat ng steps? Ibig bang sabihin ag nakapag-enroll din ako kahapon pero hindi ko lang natapos?

"Oo, tinanggap niya ang application mo bilang working scholar. Pero you are not yet done with your official enrollment. Bakit nga ba biglang nawala kahapon?"

Gusto ko siyang sagutin na hindi ko rin alam at wala akong naaalala dahil hindi naman ako ang ako kahapon. Well, technically speaking the Amaris yesterday was still me but that was the old Amaris. And I am the Future Amaris now forced into the old Amaris. Magulo ba? Syempre, magulo 'to. Mismong ako ay hindi ko naiintindihan ang nangyayari.

"Ah, sumakit po ang ulo ko..? Opo, sumakit kasi bigla. Nasaan na po ang form?" Agad naman niyang ibinigay ito sa akin.

"Pumasok ka doon sa office ni Ma'am Evelyn. Tingnan mo yung mga course na offered nila."

Ah oo nga pala, I am again at this point of my life — choosing my course that signifies how my future would be. Sa totoo lang, hinding hindi ko ginustong magtrabaho sa loob ng isang building na tila bilangguan. I never liked the corporate life. Pero noong pumili ako ng course ko, dahil nga working scholar ako ay hindi lahat ng offered course ng University ay maari naming piliin. Some courses do not accept working scholar due to the busy schedule. Katulad na lamang ng Engineering and Medical courses. The course itself requires a lot of time as they usually learn outside the campus. Hindi maaring mag working scholar ang nag-aaral sa mga course na 'yan dahil hindi magiging sapat ang oras nila.

Honestly, my dream was to enroll on Aeronautics. Pero wala 'yun sa kursong pagpipilian namin bilang working scholars. So, I have no choice but to choose Office Management before.

However, I will not choose that today. I will do everything to not choose that. This will be the start of changing my own fate.

Nang bumukas ang opisina ni Ma'am Evelyn ay agad akong pumasok. Nakita ko siyang nakaupo sa table niya habang nagbabasa ng mga papel. When she noticed me standing, she motioned me to sit down so I sat down on the chair provided.

"Ms. Amaris Liwayway Salazar, do you know what's the most important thing in this world?" she suddenly asked that caught me off guard. I sat straight as she intimidates my being. How could I not? She speaks with so much poise and elegance. Not too hard but with power. Not too soft but still gentle.

With confusion, I answered "Uhm, family po..?"

"Well, yes. Family is important. However, the most important thing in this world is time. I, myself, value time so much that in my fifty and two years of existence, I was never late. Even once."

Napayuko tuloy ako at nakaramdam ng hiya. I was a very punctual person before. Ngayon lang din ako na-late buong buhay ko — at sa pagpapasa pa talaga 'yun ng application.

I cannot say anything or give her reasons because I really don't know what happened. All I can say to Ma'am Evelyn was a sorry.

"Child, you should know how important time is in your life. Value every second you have especially in our case.. right, Amaris?" Bigla akong napatingin kay Ma'am Evelyn sa sinabi niya.

"Po? What do you.. mean?"

She smiled at me knowingly. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Does she know?

Feels too GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon