#TLKMB1 - CHAPTER 1

38 17 6
                                    

Bro bakit ka tulala dyan? sabi sakin ng kaibigan kong si James. 

gago wala to may  inisip lang ako sabi ko sakanya at nilayasan sya at may susunod pa akong klase.


Habang nagtuturo professor namin wala sa lesson ang aking atensyon, ewan ba this past few days wala ako sa sarili ko, masyaado na akong nagpapabaya hindi narin ako kumakain ng maayos. Hindi ko namamalayan na kinakalabit na pala ako ng katabi kong si Yannah.


Uy Kenneth okay ka lang? baka kasi mapansin kana ni prof dyan kaya kinalabit na kita, ano ba iniisip mo at parang ang lalim naman. sabi sakin nito ng mahina. 

Ang boring lang ng buhay ko kaya ganto ako lagi tulala ang boring kasi sa bahay wala akong kausap minsan ko lang din makausap sila James at Kurt. mahabang tugon ko dito.


Edi kausapin mo mga pinsan mo tutal lahat naman kayo ganyan ang buhay ang bo-boring, tsaka ang dami mong pera bakit ayaw mong mag saya sa labas? like mag bar ka, lumaboy ka, nasa tamang edad kana kaya, hindi mo na kailangan ng permiso ng magulang mo. 

Tama ka naman, pero school, bahay lang ako kapag walang pasok tulog, kain lang ako.

nako Kenneth, you should try other things hindi lang school at bahay lang ang dapat umikot sa buhay mo.

ehem! Mr. Morales and Ms.Sanvictores, pwede ba malaman ng buong klase ang pinag-uusapan nyo?! galit na sabi ng aming professor

Sorry prof, hindi na po mauulit. Sabi naman ni Yannah at hindi na nagsalita.


Uwian na at balik nanaman sa boring ang buhay ko, pano kaya kung subukan ko yung sinabi sakin ni Yannah? wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko.


kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si James. 

Hello James? asan ka bro? tanong ko dito.

 Pababa palang ako ng building pre bakit? sabi sakin nito.

 Tara  labas tayo sabihan mo narin si Kurt. 

Woahh? boring na boring kana bakaya nagyaya kana mag hangout? pang-aasar pa sakin nito.

Gago! Bilisan nyo na at kanina pa ako dito sa parking lot. Sabi ko dito at pinatay na ang tawag.

5 MINUTES LATER...

Sorry bro hinanap ko pa si Kurt, ano tara na? Sabi sakin nito

bakit naman biglaan pagyaya mo samin Kenneth? sobrang boring na ba talaga ng buhay mo kaya naisipan mong lumabas  kasama kaming dalawa  ni James. Mahabang pang-aasar sakin ni Kurt.

Tanga wala naman kasing pinapagawa mga prof namin kundi mga lecture  lang kaya niyaya ko kayong dalawa sa labas. sabi ko dito para magpalusot

sus wala kana kasing magawa sa bahay nyo bro, alam mo lalaki ka naman pero daig mo pa si Rapunzel sya kasi may nagkulong sakanya sa bahay tapos ikaw wala naman nagkukulong at nag babawal sayong lumabas pero kinukulong mo sarili mo, kaya wag mong sisihin magulang mo kung bakit nagiging impyerno buhay mo. mahabang sabi sakin ni James.

Tama naman si James ako mismo ang dahilan kung bakit nagiging boring ang buhay ko pero hindi ba pwedeng may sarili akong dahilan kung bakit ako nagkakaganto? masyado na ata akong kulang sa atensyon ng mga magulang  ko kaya masyado kong dinadamdam.


Tama na nga yang pagtatalo nyo wag muna natin pag-usapan yan mga pre mag saya muna  tayo. Biglang singit ni Kurt sa sinabi niJames

san ba tayo Kenneth? dagdag pa nito.

sa bar. Tugon ko dito.


Nanahimik na sila nung nalaman kung san kami pupunta kaya nanahimik narin ako at nag focus sa pagda-drive.    


1 HOUR OF DRIVING


nakarating narin kami, medyo malayo rin yung pinuntahan namin na bar para kung sakli walang makakita samin na taga University.

TAMELSS LIFE - Kenneth Morales Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon