Yannah POV
Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan ng maramdaman kong masusuka na ako, agad-agad akong pumunta sa banyo upang duon sumuka dahil baka kung maabutan pa ako dito sa kwarto ay dito pa ako susuka.
Pagkatapos kong sumuka ay naghilamos ako ng mukha at lumabas na ng banyo dali dali kong kinuha ang aking selpon sa side table upang tignan kung anong oras na.
"Shit! late nako" dali dali ulit akong pumunta sa banyo upang maligo ng mabilis.
Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko agad ang aking uniporme at nagbihis, sinuklay ko ang aking buhok at ito'y naka messy bun lang. Pagkatapos non ay lumabas agad ako ng aking dorm at naghintay ng jeep na masasakyan.
•~SCHOOL~•
Pumasok ako sa pangalawang subject namin dahil late nako para sa unang subject.
"8:27 AM malapit ng matapos yung first subject mag re-ready nako."
'Hindi ako pwedeng bumaksak kahit saang subject wala akong pera para umulit.' sabi ko sa aking isip at nagpatuloy ng magbasa ng lesson kung sakaling may itanong ang prof ay makasagot ako
saktong 8:30 AM dumating ng ang mga kaklase ko at nag start na ulit ng lesson.
•
••
•••
Pagkatapos ng pangatlong klase namin ay time na para mag recess, bumili lang ako ng tinapay at tubig at naghanap na ng mauupuan
Nakita ko ang isang bakanteng lamesa at upuan na wala masyadong tao sa paligid pumunta ako don at duon ako pumwesto upang kumain
Nakita ko sa gilid ng aking paningin na papalapit sakin si Kenneth.
"Shit" bulong na sabi ko.
"Yannah okay ka lang" sabi sakin nito ng makalapit
dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko at nagmamadaling naglakad papalayo dito.
"Yannah teka lang hintayin mo naman ako" sigaw nito sakin
Tumigil na ito sa kakahabol sakin kaya tumungo nako sa susunod kong klase
"naknam nagugutom pa ako hindi pa kaya ubos yung skyflakes ko tangina kasi nung lalaking yon eh kumakain yung tao istorbo" mahina kong sabi.
"teka alam na ba nya na ako yung babaeng naka-sex nya? shit hindi pwede"
Nakarating na ako sa room at may kaunti na akong mga kaklase.
Saktong 12 PM ay dumating na ang prof naming babae, nandito narin si Kenneth as usual nakatulala nanaman ito, hays pero aaminin ko sa sarili ko may gusto ako sakanya pero malabong magustuhan nya din ako. napatigil ako sa pag-iisip ng nag salita na ang prof namin.
"Okay attendance muna tayo bago ako mag start ng lesson" sabi ni Ms. Santos sa buong klase.
"Kenneth Morales III" tawag nito dito
"Present po" tugon nito sa aming prof
Naaninag ko si Kenneth na may hawak hawak na porselas na puti.
'Teka bracelet ko ba yon?' bulyaw kong tanong sa aking sarili.
para akong tinakasan ng hangin sa katawan ng makumpirma ko na bracelet ko ang hawak nito.
"Yannah Zariey Sanvictores" tawag ng aming prof sa akin.
"present" sabi ko rito at nilingon ang aking katabi.
'Shit kinakabahan ako nakatingin rin sya sakin, pano kung magtanong sya sakin kung ako ba yon.' sabi ko sa aking Isip.
Tinanggal ko ang aking tingin sakanya at tinuon ko ang aking atensyon sa aming prof.
'sasabihin ko na ba sakanya na buntis ako at sya ang ama? pero baka hindi nya tanggapin to' malungkot kong sabi sa aking Isip.
Nakatulala lang ako habang nagtuturo ang aming prof hanggang sa matapos na ito, ng lumabas ito ay nagligpit na ako ng aking gamit nakita ko si Kenneth na papalabas na ng room namin kaya nagmadali ako sa pag-aayos ng aking gamit.
nang natapos ay lumabas na ako ng room at sinundan si Kenneth.
'Tama dapat ko din sabihin sakanya, kahit hindi nya tanggapin ito may karapatan parin syang malaman na buntis ako at sya ang ama.
Nakita ko to sa parking lot papalapit na ito sa kanyang sasakyan.
"Kenneth!" tumigil ito sa paglalakad at lumingon sakin
dali-dali akong lumapit dito.
"Aalis ka na ba Kenneth?" tanong ko dito.
kinakabahan ako parang gusto ko magpakain sa lupa.
"oo sana eh, may sasabihin ka ba?" tanong na sabi sakin neto.
"buntis ako Kenneth, ikaw ang ama" mabilis kong sabi dito at tumakbo papalayo sa kanya.
'habulin moko please sabihin mo sakin na tanggap mo tong bata' sabi ko sa aking sarili habang tumatakbo.
pero malayo na ako sa parking lot, wala, walang Kenneth na sumunod sakin.
lalo akong umiyak at nagmamadaling pumunta sa sakayan ng jeep, gusto ko ng umuwi, gusto ko ng magpahinga, sobrang sakit.
'pano kita bubuhayin anak?' mahinang bigkas ng aking bibig.
teka umuulan ba? o sadyang luha ko lang yon?
'Haha nakakatawa talaga ang langit nakikisabay pa sakin.'
'Buti pa ang langit sinasamahan akong umiyak.'
biglang lumabo ang aking paningin, nanghihina ang aking tuhod para akong babagsak.
bigla nalang akong tumumba sa kalsada at ang huli ko nalang narinig ay ang mga taong nag sisigawan na humingi raw ng tulong.
All dark.
BINABASA MO ANG
TAMELSS LIFE - Kenneth Morales Book 1
AléatoireAY BASTA BASAHIN NYO PO FORDA MAY TAGUAN NG ANAK NA MANGYAYARI DITO