FLASHBACK Part 1
Fourteen Years Ago
Young Levi
I streched my hands to scratch my head. Then I scratch my neck. Napatingin ako sa kamay ko. Napakadumi ng mga kuko ko. Kung ipunin ko kaya itong lupa sa mga kuko ko para makapag tanim ako at nang makakain ako? Kaso saan naman ako kukuha ng pangtanim? Ahhh, kukunin ko nalang kaya ang mga tanim na pechay ni Aling Bebang? Ang kaso kasing payat niya ang mga tanim niya.
Tumunog ang tiyan ko. Gutom na talaga ako. I hugged my spiderman bag. This is the only belonging left to me. Ito nalang ang meron ako. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa semento. Lumapit ako sa katabing basurahan at saka naghanap ng pwedeng makain. Swerte, may nagtapon ng kalahating tinapay. Pwede na ito panghapunan ko, American bread. Ang sosyal.
Pagkatapos kumain ay naglakad ako para humanap ng ibang pwesto. Masyadong marami ng bata sa pwesto na iyon. Sa labas ng palengke ako pumwesto. Naupo ako atsaka inilagay ang maliit na lata ng sardinas sa semento. Sana marami ngayon ang dumaang mga tao.
Mag gagabi nalang eh ni hindi umabot sa isang daan ang laman ng lata ko. Tss, ang kukuripot naman. Maghahanap nalang siguro uli ako ng Tinapay, Spanish bread naman ngayon para maiba naman.
I was eating the bread I got from the trash can as I sit in the corner. Nasa likod ako ng isang gusali para walang isturbo. Mamaya may makakita pa sa aking ibang bata, agawan na naman ako ng pagkain. I was enjoying my alone time when I heard two men talking. Hindi ko nasana papansinin kasi hindi naman ako chismoso, pero wala eh, ang lalakas ng boses nila kaya wala akong nagawa. Hindi tenga ko ang mag aadjust ah.
"Ano? Nagawa mo na ba? Nahanap mo na ba?"
"Oo. Wala kang dapat ipag-alala. Maayos kung nagawa ang trabaho. Puntahan mo bukas ang lugar na sinabi ko at makikita mo siya."
"Tangina kasi ang lalaking yon. Tinakasan ba naman ako. Tinangay pa ang pera ko. Papatayin ko ang lalaking yon!"
"Wala akong pakialam kung anong gagawin mo. Basta ang bayad mo."
Tumawa ang isang lalaki. "Wag kang mag-alala. Talagang malinis kang magtrabaho. Walang nakakapagtago kapag ikaw na ang naghanap."
Hindi ko na maiwasan ang sumilip. Nakita ko ang isang lalaki na nagabot nang pera sa isa pang lalaki. Nag-usap uli sila bago umalis ang isa. Napatayo ako. Ang naiwan na lalaki ay hindi ko alam kung tao pa ba ang hitsura. Long hair, ni hindi yata nasuklay. Tapos ang haba ng balbas at begote, may kuto pa yata na naninirahan doon, ang haba din ng jacket na suot at ang luwag ng pantalon. Mas mukha pa itong pulubi kesa sa akin eh. The man started walking so I stand up and chased after him.
He was walking fast so I had to run. Lumiko siya sa isang iskinita kaya kaagad na sumunod ako. Napasigaw ako ng pagliko ko ay may humawak sa balikat ko at saka ako itinulak sa pader. Nahalata niya ako!
"Bakit mo ako sinusundan?" The man said seriously. My heart was beating so hard as I gulped. Nanginig ako sa takot ng makita ko ang mapupula niyang mata. Adik pa yata ito eh.
"A-ano. Narinig ko kayong naguusap kanina." Kinakabahan na sagot ko.
"Ovbiously. What do you need for me?" Ay English. Alta Sosyal na pulubi pala ta tulad ko eh.
"Magaling kang maghanap ng mga tao?" Sa halip ay tanong ko. Napakunot noo naman ito.
"May ipapahanap ako sayo. Kung magaling ka talaga, matutulungan mo ako." Hamon ko dito. Maslalo naman itong napakunot noo habang sinusuri ako. Maya pa'y umiling ito at saka binitawan ako.
BINABASA MO ANG
A Thief In My Heart
Storie d'amoreAs a young and straight man, Levi cannot accept the fact that he likes a young man with a few words, Leeron. No! He doesn't like him! Does stalking him to see him every day, wanting to keep him for himself and wanting to kiss him every time his eye...
