Chapter 1

7 2 0
                                    



"Thank you for flying with us! Welcome to the Philippines!" I greeted the last passenger as they stepped out of the aircraft with a wide smile. Nang wala nang natirang mga pasahero sa eroplano ay isa-isa naming chineck ang mga seat para maglinis at kung may naiiwan bang mga gamit.


"Last flight mo na to, Rai?" my crewmate asked.


"Yep, finally makapag-pahinga na rin." I answered.


After naming na check ang mga seats ay kaagad kong kinuha ang suitcase ko. The pilot stepped out in the cockpit and thanked us. Sabay-sabay kaming lumabas ng aircraft, nangunguna sa paglalakad ang piloto namin at ang first officer nito habang nakasunod lang kami nito. I bid my goodbye to my crew and went straight to my car.


My ride from the airport to my condo was short. I was lucky dahil hindi ako naabutan ng rush hour. Nang makarating ako sa condo ko ay kaagad kong binuksan ang suitcase na dala ko sa trabaho at nilagay ang mga nasuot kong damit sa labahan. I rested for awhile and I opened my phone to check some messages and calls. My inbox was flooded mostly by Jules' rant messages and my mother's daily 'take care of yourself' message.


I texted my mom immediately informing her that I already landed. After sending my message kaagad akong tumayo para maligo at makapagpahinga.


Nagising ako nang may narinig akong malakas na katok sa pintuan ko. I looked at my clock on the bedside table and it's already six in the evening. Papungas-pungas akong bumangon at naglakad papunta sa pinto. I peeked through the peephole and immediately rolled my eyes when I saw Jules. I opened the door and she immediately grinned when she saw me.


"Good evening! I'm sorry if I woke you up," she said meekly.


Sinimangutan ko lang ito at tinalikuran. I felt her closing the door and then removing her heels. Humiga ako sa sofa habang dumiretso ito sa kusina ko.


"Kumain ka na ba?" she asked.


"Wala pa..." I answered half-asleep.


Hindi na ito nagsalita at sa halip ay narinig ko nalang ang tunog ng mga cabinet na sinirado mukhang may kinuha na kung ano-ano. Hindi na ako tuluyan pang makatulog ulit dahil sa pag-kalam ng sikmura ko. Tumayo ako mula sa pagkahiga at pumunta sa kusina. Nakita ko ang kaibigan ko na abala sa paghahanda ng kaniyang lulutuin.


"Mabuti naman at nakapunta ka dito. Wala ka bang shoot?" Umupo ako sa high chair habang pinagmasdan ito.


Jules is a supermodel. Mas hectic pa ang schedule nito kaysa sa akin. Madalas ko lang din itong nakakasama dahil palagi itong nasa ibang bansa for fashion week or brand shoot. Napaka-high demand nito sa iba't-ibang brands pero nandito lang ito ngayon sa kusina ko at pinagluto ako ng haponan.


"Wala, bakante ako ng two days. Nababagot ako doon sa condo kaya ako nandito." sagot nito habang nagbabalat ng patatas.


"At trip mo ako ngayon na pagsilbihan? Wala ka bang ganap teh? Like pilates class or anong ka ek-ekan?"

Under the Canopy of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon