Chapter 7

2 0 0
                                    


"Magandang umaga, mahal na prinsesa!"

Nagising ako sa sobrang lakas ng boses ni Jules. Pumasok ito sa kwarto ko na may dalang sandok at kawali at walang habas itong pinukpok. Inis ko itong tinalikuran at nagtalukbong ng kumot.

"Gising na hoy!" Hinablot nito ang kumot ko kaya hinila ko ulit ito kaya naghihilahan kami ng kumot sandali. Inis kong binitawan ang kumot at tinakpan ang mukha ko ng unan pero kaagad niya naman itong kinuha.

Inis akong nagpapadyak ng paa. "Jhulliana, inaantok pa ang tao!"

"Gising na, aba, tanghali na hoy! Yung dress mo nai-deliver na kanina pa!" Hindi ko ito sinagot at hinayaan ko itong sumigaw-sigaw. My body is so tired and I need to rest.

"Zahraia Gabrielle!" Hinila ako nito sa paa dahilan napamulat ako.

Inis akong bumangon. "Ito na babangon na!" Pasigaw kong sagot at pumasok na sa banyo. Sinarado ko ang pinto para hindi ako nito sundan, umupo ako sa toilet bow at ipinikit ang mata saglit.

Napapitlag ako sa gulat nang biglang kumalabog ang pinto ng banyo. "Bilisan mong maligo!"

May araw din ito sa akin babaeng to.

Tumunganga muna ako ng ilan pang minuto bago nag-toothbrush at maligo. Nagsuot muna ako ng bathrobe habang pinapatuyo ang aking buhok. Nang matuyo na ang buhok ko ay dali-dali akong nagsuot ng damit at lumabas na ng kwarto.

Naabutan ko si Jules sa kusina, she was sitting on her marble kitchentop while drinking her green smoothie. She's reading a recent magazine issue while a Sabrina Carpenter song is blasting on her living room. Napaka chill nito tingnan hindi halatang nambubulabog ito ng tulog nang nakaraang oras.

Nang mapansin ako nito ay matamis atong ngumiti sa akin. She handed me a plate of avocado french toast and a strawberry milkshake. Umupo ako sa harapan nito, binigyan ako nito ng tinidor at table knife.

"Kumain ka na, may dadating na home service massage mamaya."

Tumango ako at nagsimula nang kumain. Mabuti naman at naisipan niya iyon dahil kailangan na kailangan ko ito. Parang dinaganan ng truck ang buong katawan ko, and feeling ko hindi ko mae-enjoy ang party kung patuloy itong ganito.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko, after that ay pumunta na ako sa living room kung saan nandoon na si Jules at nagyo-yoga. Nakaupo lang ako sa sofa habang pinagmasdan itong nagyo-yoga at kung ano-anong position ang ginagawa nito. Nagmumukha siyang kuto sa lagay na to na pumapa-ibabaw sa anit.

At dahil busy si Jules sa pagyo-yoga, pinapakealaman ko ang iPad nito. I invaded her gallery with my pictures, kung ano anong filter din ang ginamit ko sa photobooth. Binuksan ko din ang Tiktok nito at nag-scroll doon, marami na din palang music na bago at trending ngayon. Nang magsawa ako sa kaka-scroll, I opened her Disney plus app at nanonood doon ng Tangled.

Nasa kalagitnaan ako nang panonood nang mapansin ko ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. I opened it to check if ano ito at halos mabato ko ang iPad ni Jules sa aking nakita.

Reed <3 :

Hey, I'm with your brother now in the gym.

Sent a photo.

I open the photo showing a mirror shot of Reed with my brother. My brother is wearing a black t-shirt while holding a dumbbell and his biceps are protruding. On the other hand, Reed is wearing only his gym shorts, and standing while holding his cell phone. Both of them are soaked in their own sweat and they look sinfully hot.

I jumped out from my seat and scream so hard. Tumatalon-talon ako sa sobrang kilig dahilan napatigil si Jules sa kaniyang ginagawa.

"Bakit, anong nangyayari?!" Pagpa-panic nitong tanong. Ipinakita ko sa kaniya ang picture nila Reed dahilan nanlaki ang mga mata nito.

Under the Canopy of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon