CHAPTER 3 - War

189 1 0
                                    

Finally nakita ko na rin yung room ko. Grabe naman kasi yung laki nitong building na to. Ito yata pinakamalaking building dito sa campus.

Karamihan ng mga classmates ko nasa room na kaya wala na halos vacant seat. After a few minutes of looking around may napansin akong isang bakante sa may gilid kaya pumunta ako dun para umupo kaso nung malapit na ko biglang may sumingit at inagaw yung upuan ko.

Guess who.. Yung hilaw na ape na nakabangga ko kanina. Ginagalit talaga ako ng bakulaw na to.

He smirk at me and said "Now we're even". The nerve of this guy. This is war! Humanda sya sa ganti ko.

Pero syempre hindi ako pwedeng magpahalatang napipikon. I gave him my sweetest smile then replied "You're welcome! I don't even like that chair anyway. So it's all yours." Buti nalang may nakita akong isa pang vacant seat sa may likod at dun ako dumeretso.

Humanda talaga sakin yung Ape na yun di pa kami tapos. Pag-upo ko humarap sakin yung katabi ko at nagpakilala.

"Hi I'm Jessica Zamora a.k.a Jes. And you are?" Tanong nya habang inaabot yung kamay nya for a handshake.

"Nick! Nice to meet you Jes." Sagot ko sabay abot sa kamay nya para makipaghandshake.

"Nakita ko kaninang kausap mo si Grant close ba kayo?" Tanong nya.

"Grant??? Sino yun? Wala akong kilalang Grant." Confused kong sagot.

"Yung guy na yun o.." sabay nguso kay Ape "yung kausap mo kanina."

"Ah si Ape may pangalan pala yun..hahaha." Medyo napalakas yata yung salita ko napalingon si Ape. This time I was the one who smirk at him. Tinaasan nya ko ng kilay bading din yata..Bading na Hilaw na Ape..Whahaha.. Nakakatawa talaga.

"Anong Ape? Di mo ba alam na his the most popular guy in our campus nung High school at di lang sa campus namin sya sikat pati sa ibang campus. Kilala sya kasi magaling syang magbasketball. Sya nga ang naging MVP nun championship." Ang kwento ni Jess.

"Dami mo namang alam kay Ape. Malamang crush mo." biro ko sa kanya.

"Hindi no. Masyado lang talaga syang sikat kaya normal na maraming nakakakilala sa kanya. Na feature na nga sya sa isang tv show. Teka san kaba galing at di mo sya kilala?"

"All girls school kasi pinasukan ko pinapatakbo ng mga madre. Once a week lang kami nakakalabas . Kaya ayun wala kaming masyadong alam sa outside world." Pero kahit siguro nasa normal school ako nun di ko pag-aaksayahan ng panahon yang ape na yan. Syempre sa isip ko lang yung dulo.

"Talaga? Di ba boring yung ganon? Anong ginagawa nyo pag free time nyo?" curious nyang tanong.

Di ko na nasagot yung tanong ni Jes kasi dumating na yung teacher namin. Puro pakilala pa lang ginawa namin at binigay lang yung syllabus per subject since 1st day of school pa lang.

When Playboy meets TomboyWhere stories live. Discover now