CHAPTER 2 - Collide

249 1 0
                                    

"Nick bilisan mo na male-late na tayo!" boses ni kuya Evan yun, atat nang pumasok, first day of school kasi.

It's my first day in college pero di naman ako ganon ka-excited di kasi kami pareho ng course ng bestfriend kong si Brianna. Bakit ba kasi sya nag Nursing ang usapan namin ME ayan tuloy wala akong kilala sa mga classmates ko..huhu.

Sabay kaming pumasok ni kuya. Second year na sya kaya marami na syang kilala sa university. Pagdating namin sa parking lot naglapitan yung mga kaibigan nya na kasama nya sa team. Mga varsity sila ng basketball.

"Hey dude! You're late." Bati ni Jerome ang captain ball nila.

"Kasi naman tong prinsesa namin ang bagal kumilos ayan tuloy muntik na kaming mahuli." sagot ni Kuya Evan.

"Ang OA nyo ha. 30 minutes pa naman before time, kung makareact naman kayo." pagtatanggol ko sa sarili ko.


"Pasensya ka na Nick may meeting pa kasi ang team namin kaya kailangan naming pumasok 30mins before ng time." ang paliwanag ng pinakagwapo sa team nila, si Charles.

"Ah ganon ba. Di naman kasi sinabi sakin ni kuya Vanz. O sya sige na larga na kayo sa meeting nyo hahanapin ko pa classroom ko. Bye." At umalis na ko agad sa parking lot nahihiya kasi ako kay Charles. Secret crush ko kasi yun kaya pagkinakausap nya ko umiiwas ako.

Dumeretso na ako sa Engineering building. Ganun kasi sa school nato kanya-kanyang building kada course kaya sad to say hirap talaga kaming magkita ni Bree. Kaya tinetext ko sya habang naglalakad sa corridor para sabihing sabay kaming mag lunch kaso bigla naman akong may nakabangga...

"Ano ba yan di kasi tumitingin sa dinaraanan." sabi ng masungit na lalaking nakabangga ko. Kala mo naman kung sinong gwapo mukhang bakulaw na hilaw naman.Hmp.

"E nakita mo na palang di nakatingin sa dinaraanan hinarangan mo pa malamang mababangga ka talaga!" Haha.. kala nya sya lang marunong magtaray ha.

"At kasalanan ko pa talaga?" Pasigaw na tanong nya.

"Aba ikaw na nagsabi nyan hindi ako...pero you don't have to say sorry pinapatawad na kita. Sige I have to go. I need to look for my room pa. See You around dude." Haha..

Natatawa talaga ako sa itsura nya nung sabihin ko yun. Ang epic talaga. As in nakanganga lang sya the whole time habang namumula yung mukha at ilong (medyo exagerated yung description ko pero parang ganon na rin yon). Sayang nga di ko na video.

When Playboy meets TomboyWhere stories live. Discover now