Chapter 20 Let's Go Home Art 3.3

48 35 18
                                    

Arthur Markopoulos pov.

Kakarating ko lang galing byahe. Nandito ako sa private airport ni Gunnar na pagmamay-ari ng magulang niya, at hinintay sina Corbin, Guia, Owen, Max, at si bosing. Para sabay sabay na kaming tutungo ng maynila. Nakahanda narin kasi ang private jet at isang nurse na mag aasikaso kay Artemis.

Nakasandal lamang ako sa motor ko habang nagsisigarilyo. Tinatanaw ko ang malinis, at malakas na salpak ng alon.

Alas 10 na ng gabi, nagugutom na rin ako at inaantok. Akalain mo, gabi kami bumyahe papunta roon tapos natapos kami gabi rin. Isang milagro kong ba't buhay pako ngayon.

Tunog na helicopter ang narinig ko mula sa kalayuan, kinuha ko ang binoculars ko at tinignan ang helicopter. Ang nasa loov ay sina Guia at Owen.

Mga ilang minuto ay lumanding na ang helicopter saka lumabas si Guia, sumunod naman si Owen na nagsisindi ng sigarilyo habang naglalakad.

Lumakad papunta sakin si Guia saka umupo sa tabi ko.

"Kumusta?" Tanong nito sabay hablot ng sigarilyo ko mula sa bibig ko at nilagay niya sa bibig niya.

Dedma lang ako sa ginawa niya, kasi hindi lang naman isang beses niya ito ginawa, kundi ilang beses na kaya hindi nako nagulat o umangal.

"Nasan sina Bosing?" Tanong ko ng nasa malayo ang tingin.

"Kasama niya si Max, nasa kabilang helicopter sila. Inaasikaso narin ng mga nurse si Art."

Tumango lang ako.

Dalawang oras rin kaming naghintay bago dumating sina bosing. Unang lumabas ay si bosing, habang inalalayan niyang bumaba ang ang isang wheelchair na naka upo si Artemis. Mayroon ding nurse na nag aasikaso.

Medyo nagulat rin ako dahil ang dumi ni bosing at dugyot, parang naliligo ng putik. Pati rin si Art, madumi ang suot niya, pero ang mukha niya hindi.

Kasunod na bumaba ay si Max— teka...

"Sino yang batang dinadala niya?"

"Sino yang batang yan?"

Sabay naming banggit ni Guia kaya napatingin kami sa isa't isa. Naglakad kami papalapit Kay Max. Ang batang dala dala niya ang nakatulog sa braso nito.

"Bakit?" Tanong niya ng makalapit kami.

"Sinod yan?"

"Sino yan?"

Sabay ulit na tanong namin ni Guia.

Ngumiti siya saka napatawa ng kunti. "Siya si Eighteen, ang cute niya no?"

Tinignan namin ang bata, sobrang cute nga niya at ang himbing niyang natutulog.

"San mo naman na dampot yan?" Si Owen na kakarating lang rito sa pwesto namin.

"Doon lang. Naawa nga ako ih."

Napatigil rin kami ng may marinig kaming malakas na tunog at malakas na hangin. Lumingon kami sa kinaroroonan ng tunog, at ayun nakita namin ang paglanding ng aircraft ni Corbin.

The BERNERS: Series #1 Volume 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon