(Credits to the owner of pictures)
Sophia's Pov:
Pagkatapos naming magperform ay nag picture taking muna kami with our outfits. Aminado akong naka ilang picture kami ni Rees dahil yung mga kaklase namin todo kung magpumilit lalo na si Yumi.
Pero basag ang kaligayahan namin nung dumating tong teacher namin sa Oral Communication na nagsabing mag review daw kami dahil may Long Quiz bukas.
Since whole day naman ang program kaya naisipan nang iba sa'min na umuwi nalang at huwag na pumasok mamayang hapon...
"Bes tara uwi na rin tayo" pag-aya ni Yumi sa'kin.
"Huh?, Pero what if mabigyan tayo ng punishment ni ma'am dahil dito?"
"Wala yan, tyaka isa pa umuwi na rin naman karamihan sa'tin eh."
"Pairalin mo muna yang id mo, choose the lesser evil na lang".
Pero kung sabagay... tyaka minsan lang naman kaya okay lang siguro. Maya-maya pa'y may dumaan sa tabi ko, nakatalikod sya pero kilala ko sya, alam kong sya yon.
"Andrei!" Pagtawag ko sa kanya pero nagtuloy-tuloy lang sya sa paglalakad at hindi manlang lumingon.
"Ano bes, tara na?" Tanong ni Yumi. Sumagot ako nang hindi nakatingin kay Yumi at nakatingin parin sa patuloy na naglalakad palayong si Andrei.
Kakaiba yung kinikilos ni Andrei ngayon...
Pagkatapos naming maghiwalay ni Yumi ng daan napasimangot akong muli dahil naalala ko yung hindi pagpansin sa'kin ni Andrei kahit pa alam ko namang dinig nya yung pagtawag ko.
When I came home, my Tita asked me what is wrong. Pero hindi ko sya sinagot.
"Siguro hindi lang talaga narinig ni Andrei yung pagtawag ko, diba?." pagpapaniwala ko sa sarili ko habang naka-upo sa kama.
Hindi na'ko naka tiis at nag chat na'ko kay Andrei...
Andrei's Pov:
I was playing an online game nang magchat si Sophia. Hindi ko alam pero parang wala akong ganang mag reply o kahit manlang magseen sa message nya.
Matapos ko mag laro ay nag review na ako para sa darating na Long quiz bukas. Naging tutok ako sa pagrereview at mas tuluyan na akong nawalan ng panahaon para tignan ang Message nya. 8:45PM kumain na kaming mag-anak at pagkatapos ay bumalik ako sa pagrereview. Now it's already 10:53PM pero nagrereview parin ako.
Naalala ko bigla yung tungkol sa chat ni Sophia. Pero. Malalim naman na yung gabi at malamang nyan tulog na rin naman sya kaya minabuti kong hindi na talaga mag seen. At ipagpabukas na lang. Bukod pa don... Medyo nakakaramdam rin ako ng tampo sa kadahilanang hindi ko maipaliwanag...
Sophia's Pov:
Naka-ilang chat ako sakanya pero wala syang reply. Why am I feeling a guilt deeo inside me?. Feel ko talaga may galit sya sa'kin ehh, I don't know. Okay naman sya nung mga nakaraang araw.
"Sweetheart, what's wrong?" Tanong ni Tita habang kaharap ko sa hapag-kainan. Umiling ako nang nakangiti sa kanya. I hid my guilt at nagpatuloy na lang sa pagkain ng hapunan.

YOU ARE READING
The Diarist Tale (Volume 1)
Random(Volume 1 Completed) A journey to a happy new life! Keep on writing your diary until destiny write your very own story!