Author's Pov:
Alreesavin: I still can't believe na masasabi ko yun kay Sophia.
Randy: Young master, are you ready?. Everything's all set.
Alreesavin: Good. Just give me a second.
Alreesavin made a phone call... Nang sagutin iyon ng kausap nya biglang na-pipi ang binata at hindi ito maka kibo.
Matapos ang ilang sandaling katahimikan, unti-unti ay nasabi nya rin ang gusto nyang sabihin. "Pwede ba tayo mag kita? Dun ulit sa park..."
* * * *
"Ha? Saan daw? Sino yang tumawag?" naguguluhang tanong ni Amie.
"Sa park, kung saan po kami minsang nagkita" nakangiting sagot ni Sophia.
"Eh bakit daw?"
"Hindi ko rin po alam, hindi nya sinabi..."
"Hmm baka naman mag dadate kayo ha!" Nanunuksong tinging sabi ni Amie sa pamangkin.
"Hala! si Tita talaga!"
Sa mga pagkakataong ito mismo, nagtataka rin ang dalaga kung bakit sya gustong makita ni Rees.
Sophia's Pov:
Pumunta ako mag-isa sa lugar, matao ang paligid, hindi ko makita si Alreesavin kaya naisipan ko nalang syang tawagan. Ilang sandali pa sinagot nya naman yung tawag... "Alreesavin, andito na ako, saan ka?"
Biglang may humawak sa balikat ko na muntik ko pang ikatalon sa gulat.
"Wag ka naman manggulat" natatawa kong sabi habang hawak ang dibdib ko.
"S-Sorry" nangingiting sagot ni Rees... "Sophia, can we go somewhere... Uhm it's up to you... You choose where"
Pagpapatuloy nya...
"H-Ha?..." (Owemjii!! Bakit nag-aaya sya bigla? Mag da-date nga yata kami!)
So bale pinili kong magpunta sa Milk Tea shop. Habang nag o-order kami napansin kong parang naiilang sya. Mukha rin syang kabado. Mga introverts talaga eh noh? "Y-You order first na" mahinhin at mahina nyang sabi sa'kin.
Natatawa naman ako. Hindi sya marunong gumawa ng order. Nahihiya pa syang makipag-usap sa babaeng nagtanong ng order namin...
So I ordered my favorite flavor, Choco Latte. Napatingin naman ako sa kanya at sumalubong sa'kin yung nahihiyang ekspresyon nya... "Rees" pagtawag ko sa kanya sabay tingin sa babaeng nasa harapan namin, sinenyasan ko syang mag order na. "Uh... kagaya na lang rin po ng sa kanya..." (Sus hiya ka lang eh!)
Nang makuha na namin yung order namin umupo kami sa mesa sa labas.
Dalawa lang kami na nandito kaya magandang pagkakataon ito para kausapin sya...
"Rees bakit mo nga pala ako pinapunta dito? May gusto ka bang sabihin?"
"Uhh... Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin."
"Napag isip-isip ko rin itong bagay na toh. Medyo biglaan pero kase..."
Napakamot sya sa ulo nya parang nahihirapan syang ituloy kung ano man yung sasabihin nya.
Hinawakan ko sya sa balikat "Rees it's fine, if something's wrong you can tell me, I'll listen"
Napansin kong ngumiti sya sa'kin at tumingin sa may kalayuan...
"Sophia I made up my mind...the truth is..."
"I'm leaving" mahina nyang pagtuloy
Natahimik ako panandalian. "Ha?...kelan?"
"This afternoon. Gusto kase ni Dad na dun na din ako mag-aral sa States, nagbabakasakali kasi sila na mas maganda yung opportunities dun kesa dito."
Hindi ako makakibo. Nagpapabalik-balik rin sa isip ko yung sinabi nyang aalis na sya. Ayaw ko syang umalis pero anong magagawa ko? Gusto kong sabihing dito lang sya, ayokong malayo sya pero sino ba ako para pigilan sya gayung Tatay nya na ang nag desisyon.
May sinasabi pa sya pero hindi ko na matandaan. Para kasing nabalisa ako at kahit pandinig ko nawala. Pansin kong napahinto rin sya sa pag sasalita...
"S-Sophi-"
"Ah, yeah that's great!. Imagine the opportunities(*smiled) and the experience of living to another country... Hindi ba masaya yun?" Ngumiti ako pero sarcastic na lang.
Napaka unfair. Kinakayang sabihin ng bibig ko na okay lang pero bakit hindi magawa ng puso ko na maging okay?. Napaka selfish ko naman kung ipagpipilitan ko na dito lang sya't ayaw ko syang umalis.
Napatingin ako sa relo ko. It's already 2:51pm
"I have to go now, Sophia" mahina nyang sabi...
H-Hinde... Ayoko. Dito ka lang... Gusto kong sabihin yan sa kanya pero hindi ko kaya. Will I ever see you again?... Kapag ba umalis ka babalik ka pa? Kapag ba malayo ka na maaalala mo pa ba ako?.
Bakit ang dali para sa kanya na sabihing aalis na sya pero ang hirap para sa'kin isipin na iiwanan nya na ako? Hindi ko kayang paniwalain yung sarili ko na maaalala nya pa ako at ang lahat ng napagsamahan namin...
Pero... Teka lang... Ano nga ba kami? Wala naman diba?.
May tinawagan sya, matapos lang rin ang ilang segundo ibinaba na nya ito at muling humarap sa'kin "Sophia sorry I can't stay any longer. Mag-iingat ka lagi, Good bye"
Wait lang. Sandali lang! Gusto kong pahintuin yung oras pero alam kong hinding-hindi mangyayari kahit hilingin ko pa nang ilang milyong ulit.
Huminto ang sasakyan nila sa harap namin, nakahanda na ang mga gamit ni Rees. Pinagbuksan nya ako ng pinto habang nag susuot sya ng coat at sinabi nyang ihahatid na nya ako pauwi.
"Hindi na"
"Pero paano ka?"
"Okay lang ako, wag mo akong alalahanin"
Dahan-dahan nyang isinara ulit ang pinto ng sasakyan at nang makapag-ayos na sya naglakad na sya palapit sa tabi ng drivers' seat.
Dito lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Tumakbo ako at pumunta sa harapan nya.
"Rees saan ka man mapunta, gaano man tayo kalayo sa isa't-isa ipangako mong hinding-hindi mo ako kakalimutan, ha? Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Alalahanin mo parin ako kahit nasa malayo ka na" hindi ko na napigilan yung luha ko.
"I'm not sure if we will still see each other again, pero hindi ako titigil umasa at mag hihintay parin ako sa pagbabalik mo. Pag-ingatan mo yang sarili mo ha? Bawasan mo rin yang pagiging introvert mo. Ayos na sa'kin kahit pangalan ko lang yung maalala mo... I wish the best for you, good luck to your next journey, Goodbye Alreesavin" Pagtuloy ko sabay punas ng mga luha.
"Sophia hindi ko sigurado kung mapapanindigan ko pero Oo naman... aalalahanin kita, hindi ka maaalis sa isip ko. Pero hindi ko gustong umasa ka sa bagay na hindi ko rin alam kung may posibilidad..."
* * * *
Sobrang sakit pero sa huli wala parin akong nagawa kundi panoorin syang umalis. Patuloy sa pagpatak yung mga luha ko. Pinagtitinginan na rin ako ng mga nasa paligid ko pero hindi ko na sila pinansin.
(Pakiusap, Alreesavin... sabihin mong babalik ka)
Huminga ako nang malalim saka sinigaw sa sasakyan niyang papalayo sa direksiyon ko,
"ALREESAVIN!... Kahit umabot nang matagal... Hihintayin kita!" napatakip ako nang labi saka napaluhod sa kalsada habang patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.
(Pakiusap... sabihin mong babalik ka...)
The Diarist Tale
YOU ARE READING
The Diarist Tale
TienerfictieA journey to a happy new life! Keep on writing your diary until destiny write your very own story!
