We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Chapter 19: With him

10 2 0
                                        


Author's Pov:

Kinabukasan, matapos lamang ang naging announcement ng new elected members ng Students Council ay naging busy agad si Alreesavin dahil sa mga dapat nyang gampanan bilang Presidente.

Una kinalala nya muna ang mga kapwa nya Studyante na myembro ng Council. Pagkatapos non ay agad ns nyang hiningi yung bawat impormasyon at mga dapat maisaayos para magawa na nyang umaksyon.

"Is it too early for you to work, Mr. New President?" Sarcastic na tanong ng bagong Vice President habang nakataas ang dalawang braso at nag chi-chill na naka-upo sa pwesto nya.

Hindi sya kinibo ni Alreesavin at nagpatuloy lang sa paghalukay ng mga papeles sa drawer at tinignan ang mga list ng mga unfinished assignments ng naunang President.

Sophia's Pov:

Medyo nakakapanibago ngayong wala si Rees dito sa room even though lagi lang syang tahimik parang may kulang parin talaga ngayong wala sya dito. Ito namang maldita sa tabi nya wala ring kibo pero ang sungit parin kung makatingin.

After ng last period namin ngayong hapon, as usual naglalakad kaming magkasabay ni Yumi palabas. This time naisipan muna naming magtambay muna dito sa loob ng school pampalipas oras lang muna bago umuwi.

Nagpaalam muna si Yumi na mag C-CR lang daw muna saglit kaya naiwan muna ako dito sa labas ng building kung nasaan kami.

Umupo ako sa hagdan at nagsusulat ng Diary ko nang dumaan si Rees na may hawak na dalawang medyo maliit na Box na may mga lamang mga modules.

Napatayo naman ako at sinalubong sya. "Tulungan na kita" nakangiti kong sabi.

"It's not heavy" mahina nyang sagot.

"Ehh...but still I wanna help"

Tumitig muna sya sa'kin panandalian saka napabuntong hininga ng kaunti.

"Fine"

Masaya kong kinuha yung nasa itaas na box at sinundan sya sa paglalakad...

"Sinungaling tong lalakeng toh. Sabi nya di daw mabigat eh halos mangawit nga mga braso ko sa bigat ng mga toh"
Sambit ko sa isip ko.

Habang naglalakad kami ni Rees at nasalubong namin si Drama Queen na ngumiti pang lumapit sa'min kaya napahinto kami sa paglalakad...

"Hi there Mr. New President" nakangiti nyang bati.

"Good day, Mss Adorna" pabalik na bati ni Rees.

Bakit parang close sila agad? Binanggit pa ni Rees yung last name nya may pa "Mss" pa sya. Okay hindi ako nagseselos ha pero why so parang unfair? Sa'min nga na mga classmates nya hindi nya kami magawang matawag kahit nickname lang namin tapos pagdating dito sa plastik na toh, "Mss"?

"Who is she? Can you please introduce her to me naman" sambit nyang muli.

"Ay talaga namang napaka p*tang*na eh. Gusto mo ba magtaas ako ng uniform ngayon para makita mo yung kinurot mong plastik ka?." Naiinis kong sabi sa isip ko. Nanatili akong tahimik at sinakyan na lang ang gusto nya. Sige, fine. Hindi pa tayo magkakilala.

The Diarist Tale Stories to obsess over. Discover now