We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Chapter 25: From her past

8 1 0
                                        

(Credits to the owner of pictures)

Sophia's Pov:

Napangisi na lang ako nang basahin ko itong old diary ko. Even though ilang taon na yung lumipas sariwa parin sa isip ko itong mga sinulat ko dito back then when I was eight-years-old. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa nang marating ko itong pahina na kung saan naka tupi ang ilang mga pahina ng notebook st nakasulat pa sa unahan ng nakatuping pahina "My first biggest mistake."

*Flashback*

"Oh Sophia first day of school ngayon. Ihahatid kita hanggang gate tapos ikaw na bahala pumunta sa room nyo, saan na ulit yun?"

"Sa Building C-Grade II po"

"Ayan, very good. O' heto na baon mo."

Binuksan ko yung lunchbox ko at medyo hindi ko ikinatuwa yung pinabaon sa'kin ni Tita...

"Ehh? Tita bakit Zest-O?" Nakasimangot kong tanong.

"Ah ehh... Sorry baby, naubusan kasi ng Chucky kaya yan na lang muna."

Hindi pa rin nawala ang simangot ko habang nakatingin kay Tita Amie noon kaya hinaplos nya yung pisngi ko...

"Oh baby wag kana sumimangot. Unang araw ng klase ngayon dapat happy ka lang para maging maganda yung salubong ng First Day of school mo"

Napangiti na lang ako habang nag babasa. Sino nga naman yung hindi mapapasimangot kapag wala yung favorite childhood drink nya.

Kagaya ng ibang estudyante normal lang rin naman yung buhay ko. Pwera na lang siguro dun sa part na wala akong Mama at Papa.

Gaya ng bilin ni Tita hinatid nya ako hanggang sa gate ng school and after that mag-isa ko nang nilakad papasok itong hallway papunta sa room na tinuro sa'kin ni Tita noong Brigada.

Habang naglalakad hindi ko rin naman maiwasan napalingon sa mga kapwa ko studyante na hinahatid ng mga Magulang nila hanggang sa mismong room.

Napangiti na lang ako habang binabasa itong part na toh sa Diary ko. Ito yung part na may nabangga akong isang Ale na hinahatid yung anak nya. Well base sa Grade level na naka indicate sa ID ng daughter nya nalaman kong mas matanda sa'kin ng isang taon itong si random girl na anak ng nabangga ko.

"Sorry little girl, are you alright?" Nag-aalalang tanong nung Ale.

"Okay lang po" nakangiti kong sagot. She look at me for a second then asked... "Girl, where's your mother?"

"Wala na po akong Mama atyaka Papa" walang emosyon kong sagot. Well kahit noon pa man sanay na akong sabihin yon dahil hindi rin naman yun yung unang beses na may nagtanong sa akin kung nasaan yung both parents ko.

Hindi ko na naaalala masyado, pero dahil nakasulat dito sa old diary ko nalaman kong lumambot pala yung mga mata nung Ale saka humawak sa likod ng anak nya at nauna na silang umalis.

Hindi pa malinaw sa'kin ang lahat nung mga araw na ito. Akala ko normal lang na lumaki na hindi kasama yung mga magulang mo. But as I grow older I slowly understand. Ngayon ko nararamdaman na may kulang talaga. Iba parin talaga yung lumaki kang nasa tabi mo yung mga magulang mo.

The Diarist Tale Stories to obsess over. Discover now