(Credits to the owner of pictures)
Sophia's Pov:
Monday morning. I can't believe this is it. Ang schedule namin ngayon para sa subject na ito ay first period. Sobra yung kaba ko habang nag lalakad at hawak 'tong Gown. Mamaya ko na lang isusuot kasi medyo embarrassing, alangan naman papasok ako sa school na ganito yung suot, edi bentang-benta na ako sa mata ng mga schoolmates ko.
Pagpasok ko sa Gate ay nanlaki ang mga mata ko... Naka ayos ang buong stage ng Gymnasium, may mga upuan na naka hilera sa harapan ng stage halatang naka-ayos para sa isang preperasyon. Kumaripas ako ng takbo papunta sa Room at nadatnan ang mga kaklase ko na iba-iba ang facial expressions.
Siguro maging sila ay nakapansin rin. Akala ko nagkamali ako ng hinala sa magaganap pero dumating bigla ang aming subject teacher at tinanong kung nakapaghanda na ba kami.
Naka ngiti pa nyang in-explain na sa harapan ng madla kami mag tatanghal ngayong araw para sa aming duladulaan.
Ngayon ko lang tinanong ang mga leader ng kabilang grupo kung anong Roleplay ang meron sila. At lahat sila pinakita ang mga papel na nakuha nila last week. Iisa ang roleplay namin, nahati lang sa iba't-ibang parte at mga scenario.
Kung alam ko lang na ganito pala toh hindi ako pumayag maging Bride!. Agad kong pinuntahan si Ma'am at tinanong kung bakit hindi nya kami sinabihan agad, sabi nya ganon daw talaga para surprise.
What if sorpresahin ko rin sya ng sampal sa mukha?. Pinagdikit ko ang aking mga kamay at hinihipan-hipan ito para pakalmahin ang aking sarili...
May lumapit mula sa likuran ko at humawak sa magkabilang balikat ko...
"Wag kang matakot, kaya yan."
Andrei... Ngumiti lang sya nang lingunin ko sya.
"Pero nape-pressure ako"
"Oo, naiintindihan ko pero relax ka lang, Oh sige ganito na lang mamaya pag umaarte ka na bilang Bride, wag kang tumingin sa mga nanonood. Sa'kin lang ang tingin mo, nasa gitna ng stage lang naman ako, diba?"
Hinawi nya ang buhok ko at muling ngumiti...
Andrei's Pov:
"Sa'kin lang ang tingin mo, nasa gitna ng stage lang naman ako, diba?" Kalmado kong sabi kay Sophia...
"Mag palit na kayo at maya-maya mag uumpisa na tayo" sabi ng aming guro...
Dumating si Yumi at hinila si Sofia palabas para magpalit.
Naglakad naman ako papunta sa likod para kunin ang susuotin ko at nasalubong si Alreesavin na hawak ang damit na susuotin nya. Napayuko ako nang magkalapit ang balikat namin habang nagsasalubong kami...
"You're so Lucky for beeing her Groom"
Napansin ko ang paghinto nya saglit bago tuluyang maglakad palabas.
Uhh. Bakit ko nga ba nasabi yun?.
Hindi na kami pinag-antay pa ng aming guro at pinababa na ang mga naka bihis na. Hindi ko na hinubad ang aking damit at pinatungan ko na lang ito ng outfit ko at nauna nang bumaba. Gusto ko kasi na andun na'ko bago pa man dumating si Sofia.
YOU ARE READING
The Diarist Tale
Dla nastolatkówA journey to a happy new life! Keep on writing your diary until destiny write your very own story!
