CHAPTER 8

54 1 0
                                    

HARUKO,S POV.

Muntikan na talaga yon kanina..haysss
buti na lang at di agad pumasok si ayako sa locker room.

Na Sa gym na kami ngayon at kasalukuyang nag pa practice ang team habang ako, heto nakatulala iniisip parin yong mga pinagagawa namin ni rukawa kanina.

"Haysss" napabuntong hininga na lang ako dahil di ko talaga alam kung anong palusot ang magagawa ko kung may nakahuli man samin.

"Haruko!" Nabigla ako ng bigla akong hampasin ni ayako ng papel na hawak hawak niya.

"Aray naman, ayako! Ano ba yun?" Sigaw ko sa kanya.

"Aba, kanina kapa ata nakatulala diyan! Ano bang iniisip mo? Kanina pa kita tinatawatag kasi magpapatulong sana ako sa pagbigay ng mga tubig sa mga players natin." Mahabang pagpapaliwanag niya.

"Ay, pasensya kana ayako" paghingi ko ng paumanhin. Di ko namalayan na tapos na pala yong practice nila at nagpapahinga na. *Hayss ano ba tong nangyayari sakin* bulong ko sa isipan ko at tinulungan si ayako sa pagbigay ng mga tumblers sa team.

Habang nagpapahinga ang team, inilibot ko naman yong paningin ko sa paligid dahil may isang tao akong hinahanap.

"Ako bang hinahanap mo?" Napatayo ang balahibo ko ng mapagtantong na sa likuran ko na pala ang taong hinahanap ko kaya agad ko naman itong hinarap.

"Rukawa, mag usap tayo mamaya" sabi ko sa kanya sabay alis papuntang locker room dahil kukunin ko yong mga gamit ko. Nakakunot naman ang noo nito  pero tumango lang.

Pagpasok ko ng locker room, di ko mapigilang mamula lalo na nong napa hinto ang tingin ko dun sa pwesto kung san kami gumawa ng milagro kanina iniiling iling ko na lang ang ulo ko. Habang nagliligpit ako ng mga gamit ko ay may biglang pumasok at nabigla ako ng bigla nitong hawakan ang bewang ko at at pinaikot niya ako pagarap sa kanya pagkatapos ay halikan Ako.

*Hays na lang, heto na naman kami, ano ba tong lalaking to* bulong ko sasarili ko habang tinitignan siyang nakapikit habang naghahalikan kami.

Walang pumuputol sa paghahalikan namin kahit ilang minuto na ang lumipas. Pero di ko na napigilan pa at itinulak ko si rukawa dahilan ng pagkaputol ng paghahalikan namin na ikinabigla niya naman.



"Rukawa! Mali itong ginagawa natin!"
Pagsigaw kung sabi sa kanya na dahilan upang kumonot ang nou neto.


"Talaga ba? Wala ka man lang reaksyon sa mga pinanggagawa natin? Pano pag nalaman nila kuya to? Ng team? Ano na lang ang sasabihin natin sa kanila?" Naiiyak ko ng sabi sa kanya.

"Mali kasi eto ruka-" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong
yakapin.


"Haruko" bulong niya "alam ko namang mali itong ginagawa natin eh. Pero mahal kita haruko. Alam kung bago palang tayo nagkakilala at nagustohan na kaagad kita. Nakakabigla man dahil di pa natin ganun kakilala ang isa't isa pero yon ang totoo haruko maniwala ka man o hindi" seryosong sabi nito habang nakatitig sakin.


Hindi, hindi ito maaari. Alam kung mga bata pa kami para sa mga ganito pero hindi ito ang inaasahan ko. Sa maikiling panahon ko palang dito sa japan ang dami na agad nangyari, lalo na samin ni rukawa. Jusko naman! Bat kasi ganito? Alam ko namang maganda ako e, at ang lalaking kayakap ko ngayon na sinasabing mahal ako ay pinagkakaguluhan ng maraming kababaihan dahil sa sobrang gwapo at galing nitong mag basketball. Madali lang magustohan si rukawa dahil halos na sa kanya na lahat ng hahanapin mo sa isang lalaki. Pero, pero di pa ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya.

"Ru-..rukawa" mahinang pagtawag ko sa kanya.

"Pasensya kana, pero hindi kita gusto rukawa" sabi ko rito dahilan ng pagkalas niya sa yakapan namin.

Nagkatitigan lang kaming dalawa hanggang sa..."pasensya kana" mahinang bulong neto at ramdam na ramdam ko ang sakit sa boses niya.

"Pasensya kana haruko, sana mapatawad mo ako sa mga pinanggagawa ko sayo. Akala ko kasi, may pag asa ako" nakangiting sabi nito habang nakatitig sa akin "pero wala pala. Alam mo, gusto talaga kita. Ikaw lang ang nag-iisang babaeng umagaw ng atensyon ko. Unang kita ko palang sayo may iba na agad akong nararamdaman. Kaya kung ano man ang gusto mo irerespeto ko. Pasensya na kung nag assume akong gusto mo rin ako" pagpapaliwanag neto habang kinakamot ang kanyang ulo.

"Sige haruko, mauna na ako" dagdag pa neto pagkatapos ay umalis na papalaban ng locker.



Di ko alam, pero habang nakatingin ako sa likuran nito habang naglalakad papaalis ay di ko mapigilang malungkot.

"Rukawaaa" mahinang bulong ko sa sarili ko at bigla namang tumula ang mga luha ko.


Di ko alam, naguguluhan talaga ako....







Please don't forget to vote, comment, and share to get more reads. Thank youu :)



 Love At First Sight (Continuation)Where stories live. Discover now