CHAPTER 9

23 0 0
                                    

RUKAWA POV

Mag aalas onsi na ng Umaga ng magising ako. Sabado ngayon at Wala akong pasok. Mag iisang linggo na rin magmula nong huli naming pagkikita ni haruko.

Iniiwasan ko siya. Magmula nong araw na yon. Nasaktan ako ng sobra sa mga sinabi niya. Tanggap ko naman na di niya ako gusto pero iba kasi yong pinapakita niya sa sinasabi niya. Pero kahit ganunpaman, nirerespeto ko parin yong gusto niya at naiintindihan ko siya.


Lunes na ngayon at may pasok kami. Maaga akong nag tungo sa paaralan pagkapasok ko palang sa room namin nakita ko na si haruko na para bang may inaantay siya.

"Hi" maikiling pagbati nito pero tinangoan ko lang siya tsaka naupo sa tabi niya.

HARUKO'S POV

Nakatitig lang ako ngayon sa maamong mukha ni rukawa. Mula first subject namin hanggang mag tanghali ay natulog lang siya. Mag dadalawang linggo niya na rin akong iniiwasan. Alam ko namang nasaktan ko talaga siya. Pero sa kung pano niya ako tratuhin ngayon ay mas malala pa ato to sa pinadanas ko sa kanyang sakit. Di ko alam kung bat ba ako nasasaktan. Dahil ba sa hindi niya ako pinapansin? Haysss. Napa buntong hininga na lang ako.

🛎️Biglang tumunog ang bell pahiwatig na lunch time na namin. Nagsilabasan na ang mga kaklase ko pero itong katabi ko ang sarap pa ng hilik.

"Rukawa" mahinang pag tawag ko sa kanya kaso parang ang lalim ata ng tulog neto sarap ng hilik e. Tinitigan ko lang ang maamong mukha nito. Ang mga matang kay gandang pagmasdan. Ilong na kay tangos at ang labing kay pupula....napailing naman ako bigla at di makapaniwala sa mga naiisip.

"Haysss" lumayo ako sa kanya at akmang tatayo na sana para umalis ng bigla siyang nagising.

"Kanina pa ba ako tulog?" Mahinang Tanong nito.

"Ano sa palagay mo? Hahaha sarap nga ng hilik mo e" pangbibiro ko sa kanya pero inismidan lang ako tsaka tamayo at lumabas ng classroom.

Di man lang ako hinintay...bulong ko sa sarili ko.


Nasa GYM kami ngayon dahil mag pa practice ang team.

"Lakat kayo, pumunta dito!!" Pagtawag ni kuya sa team at lahat naman ay nakinig sa kanya.

"Bakit akagi? Anong meron?" Taning ni mitsui.

"Oo nga, gori! Anong meron? Pero in fairness nong sumigaw ka para ka talagang gorilla HAHAHAHAHAHA" Pagkantyaw ni sakuragi kay akagi na dahilan upang makatanggap siya ng suktok mula dito.

" HAHAHAHAHAHAHA buti nga sayo" kantyaw naman ng lahat kay sakuragi.

Sakit non a, bwesit talaga tong gorillang to. Bulong ni sakuragi sa kanyang sarili.

"Mag handa kayong lahat! Dahil magkakaroon tayo ng bakasyon ngayong summer. At don tayo magbabakasyon sa resort nila coach anzai. Aabot tayo dun ng mga tatlong araw kaya sana lahat kayo ay sumama. Yun lang, balik na sa training!" Mahabang pagpapaliwanag ni akagi.

"Yesssss! Sa wakas makakapag swimming na din!!!!" Sigaw ni ryota sa sobrang saya.

"Magdadala ako ng surfing board dun para pagtilian ako ng maraming girls hehehehe" pagmamayabang naman ni mitsui.

"Ako dadalhin ko yung nanay ko WHAHAHAHAHAHAHA" Pagpapatawa naman ni sakuragi.

Napansin kung ang tahimik ni rukawa kaya akmang lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang tumayo at nagpaalam na magbabanyo muna. Napabuntong hininga naman ako. "Haysss iniiwasan niya parin ako" malungkot kung bulong sa sarili.

Pauwi na ako dahil parang uulan ngayon kaya napagpasyahan kung umuwi ng maaga nagpaalam naman ako kay kuya at sa team bago ako umuwi. Di ko na nakita si rukawa, ewan ko ba kung bat ang tagal mag banyo non.

"Haysss" buntong hininga ko at natigilan sa paglalakat ng Biglang bumagsak ang malakas na ulan. "Naku poo!!!" Sigaw ko habang tumatakbo.

Sakakatakbo ko di ki namamalayang ang basa ko na pala pati yong bag ko basang basa na kaya napag isipan kung sumilong na lang sa isang bahay nakabukas ang gate nito kaya di na ako nagdalawang isip pa na pumasok kasi basang basa na talaga ako.

Lumipas ang ilang oras ng di parin tumitigil ang ulan mag gagabi na kaya nakakaramdam na ako ng lamig.

RUKAWA'S POV

Nagising ako ng di namamalayan ang oras. Mag gagabi na pala, kanina pa ako nakauwi dahil Biglang sumakit ang tiyan ko at di ako sanay na mag bawas sa public kaya napag isipan kung umuwi na lang muna. Di na ako bumalik ng paaralan dahil sa Biglang pag bagsak ng malakas na ulan.

"Hayss, napasarap na naman ang tulog ko, tsk." Mahinang bulong ko sa sarili.

Napag-isipan kung pumunta ng kusina para sana magkape ng pababa palang ako ay may nakita akong babaeng nakaupo sa may garahe naman banda at nabigla ako ng bigla itong tumingin sa langit at napahinto naman ako ng maaninag ko ang mukha ng babaeng na sa garahe namin.







Please don't forget to vote, comment, and share to get more reads. Thank youu :)








 Love At First Sight (Continuation)Where stories live. Discover now