Kabanata 3

33 3 0
                                    


Kabanata 3

"Judith, saan niyo raw gustong kainin ang meryenda niyo? Sa ibaba na lang or ipapaakyat rito?

Mula sa pag-tipa sa cellphone, nilingon ni Judith ang mayordoma na si Manang Vivian na nakasungaw sa bumukas na pinto.

"Saan niyo gusto?" Baling sa amin ni Judith.

"Kahit saan," tugon ni Fatima.

Ako naman nagkibit lang ng balikat.

"Manang, bababa na lang po kami!"

Tumango si Manang Vivian bago isinarado ulit ang pinto.

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Judith sa mansion ng mga Villamonte. Ang alam ko may sariling silang bahay. Pero kapag pasukan ay dito siya sa mansion tumutuloy. Mas malapit nga naman sa school at sa bayan.

Anyway, sabado ngayon at walang pasok sa school kaya nagyaya silang mag-group study rito. Ilang oras na nga kaming nakasalampak dito sa mga beanbag sa ibaba ng kama ni Judith.

Nagbasa kami kanina at nagtungan ng mga possible questions para sa recitation sa monday. Pero pansin ko kanina pa distracted itong si Judith. Hindi siya mapakali. Panay ang tipa sa cellphone niya.

"Rain, Fat... nag-chat sa akin si Jordan."

Mula sa hawak kong libro, umangat ang aking tingin.

Wala namang bago roon. Palagi naman silang magkachat. Nito ngang magpasukan, halos araw-araw silang napag-sosolo ni Jordan. Kung saan-saang sulok sila napapadpad. Para ding si Leo itong si Judith.

Yes, magtago. Hindi kasi tulad ng parents ko ang mindset ng parents ni Judith. Strict si Tito Danny. Hindi pwedeng magpaligaw si Judith at mag-boyfriend.

Well, I understand him. Ang bata pa naman talaga namin para sa ganung bagay. And though, based on my experience na hindi matapobre at down to earth ang mga Villamontes, I'm sure gusto pa rin ni Tito na ang makatuluyan ni Judith ay yung may sinasabi rin sa buhay tulad nila.

Si daddy nga, palaging sinasabi sa akin, okay lang na hindi mayaman ang makatuluyan ko basta masipag, mataas ang pangarap at yung kakayaning higitan ang mga kaya niyang ibigay para sa akin.

He also told me that it's okay to fall in love. It's okay to be in a relationship. Dahil sila ni mommy ay bata ring nagsimula sa relasyon. Pero dapat na alam ko ang aking prioridad at iyon ay ang makatapos sa pag-aaral.

True love knows how to wait and inspire you to be the best version of yourself. It's not impatient nor a hindrance for you to achieve more.

Iyon tumatak sa isip ko kapag pinapangaralan ako ni mommy at daddy. Their love for each other is I want for my future love. Kung hindi lang rin tulad nila, ay wag na lang.

"Lagi naman kayong magka-chat." Komento ni Fatima sa gusto ko sanang sabihin.

Ngumuso si Judith. "Niyayaya niya tayong pumunta sa perya."

Dalawang linggo na lang ay piyesta na sa bayan kaya may perya malapit sa school namin.

"Tayo o kayo lang?" Panunukso ko sa kaniya.

"Syempre tayo!" Giit niya kahit di naman totoo.

Hindi nga mapakali si Jordan kapag kasama namin siya. Panay ang aya kay Judith sa kung saan. Of course, I know what he wants to do. Hindi na lang ako nakikialam.

"Tss" irap ni Fatima. "Kasama kami dahil hindi ka papayagan kung hindi."

Namula ang pisngi ni Judith at iniwas ang tingin. Ganyan ang reakysyon niya kapag nahuhuli sa akto.

Ruined Where stories live. Discover now