Kabanata 2MAAGA akong gumising dahil pupunta kami ni Judith sa school ngayon. Nakapag-enroll na kami last week pa. Pero balak na naming hanapin yung aming magiging classroom. Para di na hassle sa first day of school.
I took a bath then wear something comfortable. Medyo maaraw at mainit ang klima. Napili kong magsuot ng puff sleeves white and pink floral summer dress. May tali sa bandang dibdib. It's perfectly hugging my waitst and mid thigh lenght ang haba.
Lumabas na ako ng kwarto, dala ang aking shoulder ba. Naabutan ko si Rumble sa may dining area. Dalawang taon ang tanda ko sa kaniya. Ngayong pasukan Grade 9 na siya.
Maraming hindi naniniwala kapag sinasabi kong ate ako ni Rumble. Ang liit ko kasi tapos sobrang tangkad niya. Minana niya lahat kay daddy. Mula sa itsura hanggang sa height. Pero ang ugali niya parang namana niya kay mommy. Medyo masungit.
"Ate, saan punta mo? Sa school?" Tanong niya nang makita ako.
Tumango ako. "Oo, magkikita kami ni Judith doon."
Lumingon sa'kin si mommy na nasa harapan ng stove. May niluluto siya doon. Mom loves to cook. Kapag walang pasok sa school at sa work, tinuturuan ako ni mommy. May ilang dish na akong alam na lutuin. I need to be independent. Kailangan ko yun pagdating ng college.
"Kumain ka muna bago umalis. May niluto na ako diyan. O, gusto mong hintayin na 'tong champorado? Request ng kapatid mo 'to."
Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Saan si daddy, My?"
"Maagang pumunta sa site. May inspection daw si Mayor sa ongoing construction nila doon."
Si daddy ang humahawak sa itinatayong extension ng Valeria Community College. Last year lang nagsimula ang project na 'yon. Mas malaki at mas malawak daw extension kumpara sa main campus. Pwede nang ilaban sa mga university sa Manila.
Gusto ni Mayor na hindi lang mga taga-Valeria ang ma-accommodate ng VCC. Gusto niyang may access rin sa education ang mga kabataan sa kalapit at mas mahihirap na bayan.
I was hoping na magkaroon ng course na gusto ko sa VCC, para 'di na ako sa Manila mag-aral next next year.
Pumunta ako sa dining table. Nakahain na doon ang omelette, bacon at daing. May fried rice rin at tasa ng umuusok na kape.
"Ang sabi ng daddy mo dumating daw yung bunsong anak ni Gov, ah?"
"Opo, My." Umupo ako sa harapan ni Rumble at sinandukan ng pagkain ang plato ko. "Lahat po ng anak ni Gov kasama niya kagabi sa party."
"Ang daddy mo nga parang tanga, napaparanoid..."
Nag-angat ng tingin si Rumble mula sa pag-ce-cellphone. Nagkatinginan kami. Nagkibit siya ng balikat na parang sinasabing wala siyang alam.
Lumingon ako kay mommy. "Bakit po? Anong problema?"
"Tinititigan ka raw nung anak ni Gov. Namomroblema tuloy ang daddy mo pa'no uupakan iyon ng hindi siya huhuntingin ng mga Villamonte!" Humalakhak si mommy.
Halos mabulunan naman ako sinabi ni mommy! Tinititigan? Malamang dahil, jinujudge ng lalaking 'yon ang probinsyanang tulad ko!
Narealize ko lang pag-uwi kagabi yung paraan ng pagtitig niya sa akin. Syempre, malayong-malayo ang ayos at pananalita ko sa mga babaeng nakasalamuha niya sa ibang bansa. Lalo na mga ibang lahi.
I grew up my whole life in the province. Hindi naman conservative ang parents ko. Lalo na si mommy. Minsan binibilhan niya ako ng mga mini dress na isinusuot ko kapag may okasyon.
YOU ARE READING
Ruined
RastgeleCampus Princess meets the Campus Badboy. . . Rainbow Emmeline Montero, is known for having an angelic face, a voice that could capture even the coldest heart and excellence in acadamics. She is called the Campus Princess. Everyone's held her in hi...