02

14 2 0
                                    

Him.

PAGOD akong umuwi galing school

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


PAGOD akong umuwi galing school. Masiyadong maraming ganap kanina kaya naman naubos talaga ang social battery ko. Dumagdag pa ang interaksyon namin ng lalaking 'yon, si Luca. I am not going to lie if I said na wala lang sa akin ang nangyari kanina.  I'm fucking embarassed about it kaya after kong makuha ang slip ay wala kung ano anong umalis kaagad ako pagkatapos niya akong pag-saraduhan ng pinto.

"Mano po manang, where's mama at papa po pala?" bungad kong tanong sa aming mayadorma.

"Nasa garden sila Azenith, alam mo naman ang bonding ng mga magulang mo, mag tanim ng kung ano-anong halaman." Mahabang usal nito. Tumango ako sakaniya at napangiti sa narinig. My parents are such a cutie, they love each other so much that it makes me want to love and to be inlove like how they are towards each other. 

Nagpaalam muna ako kay manang bago pumunta sa garden para tignan sila mama.

"Oh, anak, how's your day? Nakauwi ka na pala. nag meryenda ka na ba? I'll make some cupcake for you.. Do you want?" Tuloy tuloy na tanong ni mama. Umiling ako sa kaniyang sinabi at lumapit sakaniya. I kissed her cheeks same as papa and hugged them. I give them my sweetest smile before talking.

"I'm full ma. Thank you. Uhm, I just came here to check on you two. I'll go now po. " nakangiting sabi ko. My dad on the other hand seems like he's not convince about what I just said. Shit. I knew it! I just turned my back at them planning to leave the place but papa stopped me.

"Sweetie, you seems tired and irritated. Is there something wrong?" He asks worriedly. That made me stopped walking. Lumingon ako kay papa, I even  yawned before answering him.

"I'm fine po, I'm just tired sa school. Malapit na po kasi ang school fest namin and we're preparing po for it, I also joined the pageant ma, pa." I explained. Bahagyang umawang ang mga labi ni mama at gulat na tumingin sa akin.

"That's great 'nak. You must explore and enjoy you high school life. You're just 17 anyway go and live a happy life." Papa sincerely said. Ganiyan siya palagi, nakasuporta lang sa amin ng kuya ko. As long as we are happy and knows what is right from wrong—the boundaries. He'll let us.

"Uh.. pa?" Tawag ko kay papa. Umangat ang tingin ni papa sa akin bago ako tinaasan ng kilay.. naghihitay sa aking sasabihin.

"May bagong lipat pala riyan sa gilid ng bahay natin? Akala ko sakop pa rin natin ang lupaing iyon? May nakita kasi akong lalaki." Hindi na ako nakapag pigil pa na tanungin si Papa. Ay ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon naiirita pa rin ako sa lalaking iyon!

"Ah, that. Anak matagal nang may nakatira riyan. Si Luca, anak nina ninang Lia at ninong Aluculus mo. Ang alam ko ay madalang lang talaga siyang lumabas, allergic ata sa tao, kaya minsan minsan mo lang makit. " Natatawang ika ni papa. I choose not to laugh at his remark, hindi naman ako natawa isa pa, wala namang nakakatuwa sa lalaking iyon. Peke ko nalamang nginitian si Papa at nagpaalam na.

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon