"Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin at liligawan ko, Azenith, pangako. Hinding hindi ako magsasawang gustuhin ka bagkus wala sa bokabularyo ko ang basta nalamang titigil at aayaw." Seryosong sabi ni Luca sa akin. Hindi ko maiwasang mairita sa sinabi nito. Ilang beses ko na siyang sinabinahin na tumigil dahil bukod sa wala itong mapapala ay nagsasayang lamang ito ng oras. Pero ang loko, matigas talaga at nagpumilit. Tumikhim ako bago nagsalita, "Bahala ka." Maikling usal ko at tuluyang tinalikuran ito. Naging kampante ako sa sinabi nito. I know that he's sincere about it. *** Kilala bilang isang matapang, palaban at walang inuurungang babae si Azenith. Dahil doon ay maraming mga lalaki ang nagkakandarapa dito. Ngunit wala itong pakialam dahil sa isang lalaki lamang siya nababaliw. Ang lalaking si Luca, her neighbor next door. Si Luca na kinaiinisan niya noon ngunit unti-unti niya na lamang nagugustuhan sa paglipas ng panahon. Azenith trusted his words so much, naging kampante siya sa pangako ni Luca. Hanggang sa napag desisyonan niya nang umamin. She hopes that Luca is still into her. She expected more about him, she never expected him to break his promises. But little did she know, he did.