President.
NAGPAALAM kami sa isa't-isa bago umalis dahil tapos na ang meeting namin. Buti nalang talaga. Putangina ni Luca, badtrip. Kahit mas matanda siya sa akin, wala akong pakialam. Hindi siya kagalang-galang, napaka- immature. How dare he refuse to accept my suggestions?!
"Wag ka na ngang sumimangot, Azenith.. mukha kang si sadness. Maganda ang suhestiyon mo, sadyang mas maganda lang talaga ang kay Kuya Luca," pambobola sa akin ni Phoebe. Ganiyan siya, porket kapartner niya si Kuya Akhiro, itong babaeng talaga.. sarili lang iniisip.
"Then kung maganda pala ang suhestiyon niya, how come na ayaw niya ng suhestiyon ko?! Ano? Kasi ayaw niya sa akin ganoon?! Aba, putangina hindi pwede iyon. Kung ayaw niya sa akin, ako lang ang ayawan niya hindi iyong mga opinyon o suhestiyon ko, para akong tanga kanina ang dami kong suhestiyon pero umaayaw. Bias!" Galit na wika ko. Totoo naman kasi!
"Sus, what do you mean ayaw sa'yo eh pinili ka nga?" Pang-aasar nitto sa akin.
Tinignan ko ito ng masama bago nag salita.
"Ang sabihin mo tuwang-tuwa ka kasi ka-partner mo ang crush mo!" Napipikon kong sabi. Malakas namang tumawa si Phoebe sa naging sagot ko at tumango-tango."Atsaka, feeling dalagang Pilipina ka kanina ah? Hindi ka makaimik sa harapan ng crush mo," dagdag ko pa. Akala niya ba hindi ko 'yon napansin? Puro tango lamang siya kapag si Kuya Akhiro na ang nag-suggest.
"Aba't! Ikaw nga tanggal angas kanina nung patapos na ang meeting. Pero infairness, swerte mo ah? Si Kuya Luca mismo ang nag volunteer as Male lead tapos ikaw ang pinili niyang Female lead, nakaka-excite naman ang gagawin natin sa theatre." Panunukso niya. Kalokohan nanaman ang nasa isip nito.
"Letseng babae ka talaga." Nauurat na wika ko. Kung hindi ko lang siya kaibigan baka masupalpal ko na ang bibig niya, kapag hindi ako makapag pigil pasensyahan nalang kami. Lumingon nalang ako sakaniya at inirapan ito bago naunang mag lakad.
"Teka lang! Hoy Azenith!" Tawag niya pa sa akin. Pero wapakels, bahala siya riyan.
"Ang hindi maghihintay sa akin crush si Kuya Luca," sigaw niya pa. Doon ay napatigil ako sa paglalakad. Putangina niya. Lumingon ako sa aking paligid dahil baka may nakarinig sakaniya. Nakahinga ako ng maluwag, mukhang wala naman.
"Putangina ka, Phoebe. Nakakahiya ka!" Pagpipigil kong sigawan siya. Buti nalang at walang masiyadong tao, baka ano pa isipin nila kapag narinig ang mga 'yon.
Malakas itong humalakhak bago ako binelatan at naunang maglakad. Hindi naman ako nagpatalo, mas binilisan ko pa ang aking paghakbang.
"Uyy, gusto mo talaga siya ha..." usal ulit ni Phoebe ng malagpasan ko ito. "Kapag nagpatuloy ka talaga crush mo talaga si Kuya Luca!" Dagdag niyang muli. Wala na akong pakialam at pinagpatuloy ko na lamang ang pag lalakad. Uto-uto ang maniniwala roon. Anong akala niya sa akin? Bata? Iirapan ko sana siya ng may nagsalitang ibang boses..
BINABASA MO ANG
Forelsket
Romance"Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin at liligawan ko, Azenith, pangako. Hinding hindi ako magsasawang gustuhin ka bagkus wala sa bokabularyo ko ang basta nalamang titigil at aayaw." Seryosong sabi ni Luca sa akin. Hindi ko maiwasang mairita sa sinabi n...