05

1 0 0
                                    


Special.

PAGBALIK ko sa room namin ay sinabi ko na kaagad ang pinapasabi ni Luca. Natuwa ang mga kaklase ko sa narinig, ang iba nama'y nalungkot.  Iyon pala alam na nilang wala si Sir Gomez akala nila maaga kami papauwiin.

"Azenith, paano mo nakausap si Luca?" Tanong sa akin ni Denira— isa sa mga kaibigan ko. Nagtataka akong lumingon sakaniya.

"Hindi mo ba nakita kanina? Ipinaalam niya ako kay Ma'am Licara, kami raw kasi ang mag m-mc sa gaganaping event." Paliwanag ko sakaniya. Sandaling tumaas ang kilay nito at nangunot naman ang noo ko, napakurap pa ako. Pagmulat ko ay nakangiti na ito sa akin. Namalik mata lamang ba ako?

"Alam mo, Azenith gusto ko siya. Si Luca. " biglang amin nito sa akin. Tinignan ko siya sa mga mata. Ano naman kayang paki ko?

"Puwede mo ba akong tulungan sakaniya? Matagal ko na kasi siyang gusto, noong grade 8 palang ako." saad niya pa. Huminga ako ng malalim bago siya nginitian.

"Hindi kami close, Denira. Wala kang mapapala sa akin." Labas sa ilong kong saad. Nagdududang tumingin ito sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay. Magsasalita pa sana ito ngunit inunahan ko na.

"I heard he likes someone else. Nabanggit sa akin ng taga kabilang section na may nililigawan siya." Pagsisinungaling ko para hindi na siya umasa pa. Alam kong mali iyon pero sabi sabi kasi na may nililigawan daw siya. Hindi ko lang alam kung totoo. Bahala na.

Iniwan ko si Denira doon nang nakatunganga. Saka pumunta sa upuan ni Phoebe, nakadukdok ang mukha niya sa sarili nitong upuan. Mukhang tulog si gaga. Naramdaman niya siguro ang presensiya ko kaya iningat niya ang ulo nito para salubungin ang tingin ko.

Mahihinuha kong kagigising niya lamang dahil mukhang lutang pa ito. Hindi nga ako nagkakamali, humikab siya bago magsalita.

"Oh ano? Kumusta usapan niyo ni Kuya Luca? Nakabusangot ka ah? Nag LQ kayo?" Pabirong sambit niya. Tangina nito. Bakit ba nagising pa siya?

"Walang LQ na naganap, dahil hindi naman kami. Kilabutan ka ngang gaga ka!" Napipikon kong saad. Kagigising niya lang pero sure akong matutulog ulit ito kapag sinuntok ko. Tumawa siya sa naging saad ko.

"Ikaw naman, masiyado kang pikunin. Nagbibiro lamang ako." Mahinahon niyang sambit. Buti naman. Baka mamaya masapak ko nalang siya bigla.

"Nag-usap lang kami tungkol sa gaganapin sa event at gumawa na rin ng script." Casual kong sabi. Tumango siya sa naging pahayag ko.

"Bigatin pala ang dadalo na bisita sa school natin?" Muli kong sambit nang maalala ko ang mga pangalang kailangan batiin sa event.

"I don't know.. Baka, sino ba sila?" Kyuryosong tanong niya sa akin.

"Hm, ang hirap niyang bigkasin basta ano galing siya sa  Ioannou empire? nakalimutan ko." Napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ko talaga maalala. Hinampas ako ni Phoebe, bahagya pang nanlaki ang mga mata nito.

"Gaga! Isa iyan sa mga nag-sponsor sa student athlete last year. Bigatin talaga mga iyan." Gulat niyang sabi sa akin. Naguluhan ako sa sinabi nito, anong malay ko ba?

"Sabagay teh, hindi ka nga pala dito nag-aral noong grade 10. Si Don Arkio Ioannou iyon. Mayaman talaga sila. Lolo ni Kuya Luca sa mother side." Sambit nito. Ako naman ngayon ang nagulat sa impormasiyong sinaad niya. Lolo ni Luca?! Amputcha hindi manlang sinabu sa akin nung lokong iyon!

" Oh bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ba nabanggit sa'yo ni Kuya Luca? Aba dapat inalam mo, magiging pamilya mo sila soon." Wika niya pa. Sinamaan ko ito ng tingin at kinurot siya, kung ano-ano talaga ang alam ng babaeng ito.

Nagsitayuan ang mga kaklase ko nang may pumasok sa classroom namin. Sabay kaming napatingin ni Phoebe sa harap.

"Gaga! Bakit nandiyan iyan? May practice ulit kayo?!" Pabulong na tanong ni Phoebe sa akin. Gulat na gulat nang makita si Luca sa harapan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon