IFYW04

27 12 8
                                    

Where do I go from this?

It's been a week since I got here and almost all my days have been uneventful. Kailangan ko pang maghintay ng isang linggo para mafinalize ang transfer papers ko sa school na papasukan ko kaya natengga ako. I just need to do the follow-ups and take pictures for my ID.

I decided that I'm gonna do it today. Noong una ay plano kong pumunta mag-isa pero nung malaman 'yon ni Nanay Lusing ay nagpumilit itong pasamahan ako kay Olsteen.

We're formally introduced yesterday when I decided to scope the grounds of the space. Nilibot ko ang likod na bahagi ng lugar at napag-alaman kong halos magkatabi lang ang kinatatayuan ng bahay nila at bahay ni Minerva. Nagpapakain siya ng mga manok no'n nang pumunta ako.

"Hi! Sorry for not introducing myself at the last party. I'm Morgan," I said while smiling. It came easy. May kung ano sa aura niya na nakapagpanatag ng loob ko.

Bago ko siya nilapitan kanina ay pinanood ko muna kung paano niya isa-isang maalagang pinakain ang mga manok. Nakakabilib din ang pag-ingat nito sa pagkolekta ng mga itlog.

"Hi. Olsteen po," napakaikling sagot nito, hindi pagalit pero sadiyang matipid lang. Inabot niya ang kamay niyang pansin ko'y may nakakalat na balahibo ng manok.

Nang mapansin niya ay babawiin niya sana ang kamay niya pero sinakop ko ang palad niya't nakipag-kamay bago pa niya ito gawin. Few chicken feathers won't kill me. Ganoon na lang ang ikinilos ko dahil ayokong masabihang maarte.

I looked at his features to check if I forced contact in some way. Namula naman ang mukha nito pero ramdam ko ang pagsakop ng malaki niyang palad sa buong kamay ko kaya nanatiling magkahawak ang kamay namin bago naantala nang may pasimpleng tumikhim sa gilid namin.

May naglalarong ngiti sa labi ni Nanay Lusing. Halos 'di ko siya napansin na kasama namin. Humiwalay naman ako ng hawak kay Olsteen. Nakita ko namang sinilid niya ang kaniyang kamay sa bulsa.

"O' sya. Maiwan ko na kayong dalawa at maglalaba pa 'ko." Umalis na rin ito at dumiretsiyo sa bahaging kusina.

To ease the awkwardness, I tried to initiate a conversation with him. "So, chickens huh? Do you own them?"

"Ah hindi, tumulong lang ako. May sakit kasi ngayon si Kuya Paulo kaya nagpresenta ako. Hindi rin naman abala." Medyo maaliwalas ang mukha nito ngayon malayo sa mukha niya noong dinner.

Bagay sa hugis ng mukha niya ang pagkakakulot ng kaniyang buhok. Maamo ang mukha lalo na ng makita ko ang matipid niyang ngiti kanina habang hinahaplos ang manok na para bang pinapasalamatan niya ito sa handog na itlog. It's weird but I find it adorable.

Noticing him closing one of the chicken pens, I saw something dangling from his left wrist. "Cool bracelet." It's genuinely cool looking. Like one of those you get from souvenir stores but with obvious personal touch.

"Thanks!" Napangiti naman ito at nilaro niya ito paikot sa pulso niya.

"A gift from a special someone?" I inquired since feeling close ako.

Napatingin naman ito sa'kin. Ngumiti lang ako at hinintay siyang kumpirmahin ang hula ko.

He seemed suddenly upset and I feel a little bad. Was it a gift from someone who died? It's out of my element to initiate connection from first meet up and now that I tried it, I already fucked up.

I caught myself immediately, "I'm so sorry. You don't need to answer that," paumanhin ko sa kaniya habang kinakaway ang kamay ko.

Shit. I really felt bad. Seeming to catch himself from retreating back to his shell, he said, "No, I made it." He waited for my reaction. Since I was trying to retract from my earlier stupidity, I just stood still. I'm contemplating on how to react properly.

PGS05: In Fact, You WaitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon