Olsteen Alba Villarama
Gaano kaaga ang maaga? Gaano kabilis ang mabilis?
I felt this stale for such a long time. Like the food you bought but will never eat so you just let it be till its expiry. While the province has its own wonders and freshness, I still feel like a decaying corpse in contrast to its greenery.
Marapat siguro na tawagin akong kalansay bagay nga naman sa pangangatawan ko, patpatin at isang ubo na lang malapit sa hukay. Am I too self-deprecating? Or am I simply being truthful to myself? I am not sure, not that I'm certain about everything else lately.
Removing myself from my dramatic thoughts, I unplugged the nebulizer's plug from the socket. Inayos ko na rin ang sarili dahil may lalakarin pa 'ko ngayong araw. Siguro nakakabit na 'to sa pagkatao ko hanggang sa tumanda ako. This is my version of my vape. Kaya lang imbis na hithit at buga ng usok ay puro hithit lang at lunok.
"Ostritch, saan punta natin? Makikipag-date ka sa sarili mo?" Jackson jeered when he caught me rummaging through the kitchen. Hindi ko na lang siya pinansin. He's not on my list of obstacles today.
"Mag-ingat ka sa labas baka liparin ka bigla ng hangin." Rinig pa hanggang pinto ang tawa niya na akala mo ay nagsabi ng napakagandang banat.
Lumabas na lang ako at ayokong makita pa ni Dad o ni Josephine. Sapat na ang lason na nakonsumo ko sa umaga pa lang. I'm looking forward to something special today so any negativity is unwelcome at the moment. Plano kong ipasyal si Morgan ngayon.
Alas onse pa lang ay papunta na 'ko sa kanila kahit na ang usapan namin ay alas tres pa ng hapon. Ayoko man aminin sa sarili ko ay masasabi kong sabik ako sa presensya niya.
I'm not sure if it's because she's a new person that doesn't know the filthy truth about my past or she just gives a nonjudgmental aura that makes me feel at ease. Whatever it is, I'm sure that I've never felt this before, the calm she brings silences my inner doubts.
Corny man pakinggan sa isip pero iba siya makabuo ng araw. Alam kong kung aamin ko sa kaniya ang lahat ng naiisip ko ay matatakot siya kaya mas pinipili ko na lang manahimik hangga't may atensyon siyang binibigay.
I was waiting for her near their gate while the sun was at its highest shine. May tatlong oras pa 'kong bakante pero sanay naman akong maghintay. It's better that I came too early than arrive late and make her wait.
"Oh hijo, anong pinunta mo rito? Nasa sakahan pa yata ang Kuya Paulo mo." May huminto namang tricycle sa bandang gate. Sinalubong ko si Nanay Lusing at tinulungan sa mga pinamili nito. Mukhang galing siya sa market. Nang makaalis na ang tricycle ay sinabayan ko na rin siya papasok.
"Ah hindi po, Nay. Hinihintay ko si Morgan. May usapan kasi kami para mamaya."
"Aba eh mamaya pa naman pala bakit hindi ka sa loob muna naghintay? Nakung bata 'to napakainit pa naman sa labas."
Napakamot na lang ako ng ulo dahil mukhang mabubuking pa ang pagiging atat ko. Sinundan ko na lang siya sa kusina nila at tumulong na rin sa pagbukod ng mga pinamili kahit na pinilit niya 'kong maupo na lang sa sala. Buti pang tumulong na lang ako kaysa magmukhang tangang naghihintay sa sala at matagpuan pa 'ko ni Morgan.
"Nay, may meryenda ka ba diyan? Tomguts na 'ko, buti na lang 'di ko na kailangang hintayin si Maa'm Morgan sa Mariano." Naantala ang pag-iisip ko nang pumasok si Mang Rodel sa kusina. Inabutan naman siya ng ginang ng kakanin at tinimplahan ng kape.
"Akala ko ba ay may lakad kayo ng alaga ko, Olsteen?"
"Akala ko rin po," mahinang tugon ko rito dahil ayoko namang aminin na talagang ako yung sadyang maaga ang punta. Does she have prior engagements? Nagtataka ako bakit siya nasa Mariano. Siguro ay may kakilala siya roon? Habang tumutulong sa kusina ay hindi ko mapigilang mapatingin sa orasan dahil malapit nang tumungtong ng alas tres.
![](https://img.wattpad.com/cover/369984008-288-k470297.jpg)
BINABASA MO ANG
PGS05: In Fact, You Waited
ChickLitGood things don't always come to those who wait. Just like in a race, Morgan thought that she was nearing the finish line and that a little bit of speed would get her closer to her goal. Stewing and marinating. Plans were suddenly put to a halt when...