IFYW06

21 9 14
                                    

Am I in trouble?

"Tangina niya! 'Di niya na raw uulitin tapos makikita ko naman siya ulit sa inuman kasama pa ang babaeng 'yon!" Ito ang eksenang bumungad sa'kin pagdating ko sa tambayan. Nakita kong ngumangawa si Joan habang si Vera at Olsteen naman ay patuloy lang sa pagkain na para bang sanay na sa ganitong ganap. I just dropped my things and took a seat beside Olsteen.

"Is  she okay?" nag-aalalang tanong patukoy ko sa katabi ko. Mukhang kanina pa siya umiiyak. Her eyes are puffing.

"Yeah. Hayaan mo na lang muna." Nilabas nito mula sa bag niya ang isang baunan at inabot sa'kin. Pagkatanggap ko ay sinunod niya namang nilapag sa mesa ang kakabukas na bote ng coke. Nasanay na 'ko na mula nung nagsimula akong pumasok ay may dala silang baon na magbabarkada.

Ayaw raw nilang gumastos sa cafeteria food at mas masarap daw kapag sila ang naghanda. Kung bibili man sila ay pawang malamig na inumin lang at minsanang dessert.

As far as I know ay kaniya-kaniya silang dala pero halos lahat ng tanghalian ko ay galing kay Olsteen. Sinabihan ko na rin siya na pwede namang bumili na lang ako o 'di kaya ay magpahanda ng sariling lunch kay Nanay Lusing. Agad naman itong umalma at hayaan ko na lang daw at lagi naman siyang naghahanda ng sobra buti nga raw at 'di na ito nasasayang ngayon.

I just accepted the offer. Sino ba naman ako para umayaw sa grasya?

Isang buwan na mula nung pagdating ko rito at ilang linggo na rin at nakapag-settle na 'ko sa bagong eskwelahan. Mahirap sa una dahil naninibago pa ako pero nasanay na rin kalaunan. Meeting Olsteen and his friends helped a lot too.

Pagkatapos naming kumain ay tumahan na rin sa pag-iyak si Joan. Nilalantakan nito ngayon ang biniling halo-halo ni Vera. Habang sininisimot nito ang baso ay tinanong ko siya, "What happened earlier, babe?"

Binagsak naman nito ang baso sa mesa at marahas na pinunasan ang bibig. Oh-oh, it looks like a rant is coming. "Yung jowa ko kasi bhe, nakita ko na namang may kinakalantari sa inuman. Tangina no'n sa ganda kong 'to nagawa pang tumingin sa iba?"

"Bakit hindi mo na lang kasi hiwalayan nang makatulog ka nang matiwasay?" suhestiyon naman ni Vera sa kaibigan.

"Ay talagang makikipag-hiwalay na 'ko sa kumag na yon! Pagod na pagod na 'ko talaga." Tiningnan lang siya ng dalawang kaibigan na parang 'di naniniwala sa sinabi nito. Looking at their reaction I guess that it's been happening for a while now.

Well, we all have that friend that loves to play tug of war with their partners. You could give them a sensible advice repeatedly and they will still do the opposite. Mapapagod ka na lang at hahayaan silang maglabas ng hinanakit tuwing nasasaktan.

I just let Joan's rant go on. Just nodding and agreeing in her spite of anger. Wala naman akong masasabing advice dahil kakarating ko pa lang naman at 'di ko naman alam ang buong kwento.

Pagkatapos nilang iligpit ang kinainan ay sabay kaming umupo sa damuhan sa lilim na bahagi nitong field. It's a secluded part of the school where you can chill as long as you clean as you go.

It has benches and tables surrounded by green fields. May mga nakikita rin akong iba pang estudyante na sinusulit ang sari-sariling break.

Isa sa mga bumabagabag sa'kin ay pagiging mag-isa ni Olsteen. You can see us right now mingling but aside from that he has no visible friends outside this circle. I don't see that as a wrong thing since this is college and we all have our courses to keep our minds occupied, but there's a certain animosity revolving around Olsteen. Tumayo naman si Ozzie at nagpaalam na may kukunin lang.

While he's walking away, I leaned at Vera and asked,"Was it always you three? Does Olsteen have any other friends?" Vera and Joan are both in different departments but I can see them sometimes walking with other friend groups.

"Ahh, ganoon talaga 'yon simula nung high school pa kami. Kilala mo si Jackson?" Olsteen's older brother. I nodded at her.

Sumabat naman si Joan sa gilid, "Gago kasi yon, mula high school yata ay pinagtitripan 'yang si Olsteen. Kasalanan ba ng tao kung likas na sakitin? Medyo malapit 'yang agwat nila. Nung 1st year kami nina Olsteen ay graduating naman ang kumag pero bago umalis ay sinigurado yata na gagawing katatawanan ang kaibigan namin."

"He made his life hell. Kung dati ay tinutukso lang na lampa at payatot mas lumala pa ng pinagkalat ni Jackson na anak si Olsteen sa labas. Nakaalis na at lahat ay 'yon pa rin ang tukso sa kaniya rito." Dumagdag din sa kwento si Vera. It must have been too hard to witness that. Some people can be a royal jerk sometimes.

Huminahon lang ngayon kasi alam mo namang sumeseryoso na
ang college life pero di pa rin nawawala mga immature na kabarkada dati ng magaling niyang kapatid," dagdag niya habang may kinakalikot sa bag niya na kung ano.

"Totoo! Parang magkakasakit kapag hindi nanglait," galit na sabat naman ni Joan.

"Did someone report it?" I asked because it's quite concerning.

"Naku! Wala namang magseseryoso sa bullying dito tsaka hindi rin kasi nagsusumbong 'yon si Ozzie
mas ayaw non ng gulo. Pinipigilan niya rin kami kapag pinagtanggol namin."

I guess I can understand Ozzie's thoughts on that part. You're just gonna provoke the bully if they see you telling someone. I really thought this kind of nastiness ends in middle school.

Sa nakikita ko ay hindi naman pala doon yon nagtatapos. I guess some people just refuse to  grow up. As for being a foreign transferee, di naman ako nakakatanggap ng kahit anong negatibo. Well, hindi sa harap ko mismo pero may kunting bulungan na minsang naririnig ko.

My favorite part was the other girls saying, 'Maputi lang naman 'di naman maganda.' It's almost funny because it was totally unprovoked.

I just smile and ignore them most of the time. Ang hindi ko lang magustuhan ay walang pakundangang paghaplos sa buhok ko kung minsan. All in all, hindi naman gaanong masama ang salubong sa'kin ng bagong lugar. I met other classmates that's nice enough to be acquaintances but we do not have much in common to start a friendship.

Nang bumalik na si Olsteen ay saktong tapos na rin kaming mag-usap. Nagligpit na rin kami ng mga dala namin at gumayak pumunta sa kaniya-kaniyang department.

Hinatid ko muna si Olsteen sa building nila since mauunang daanan ang College of Arts and Science kaysa sa'min. Noong una ay nahihiya pa ito pero nagpumilit na 'ko. Isa na rin to para mamukhaan ko ang mangangantyaw sa kaniya kung myaroon man. Wala naman akong gagawin sa kanila kung sakali, kakausapin ko lang ganon.

°°°

Pagkatapos ng dalawa kong klase ay sinundo ko naman si Olsteen sa building nila para sabay na kaming umuwi. Nagsabi naman kanina si Joan at Vera na gagabihin daw sila kaya pwede na kaming mauna. Dadaan pa kaming dalawa sa palengke para sa lulutuin niya bukas.

Ito ang nagsilbing parte ko bilang siya naman din ang nagluluto at naghahanda ng pagkain. Ako ang namamalengke although halos siya pa rin dahil di ako gaanong pamilyar sa mga sangkap na nakagisnan niya. This has been our normal since I got here. Sabay kaming pupunta ng school at sabay rin kaming umuuwi.

It was almost peaceful until the weekends wherein I have to spend my time with the people at home. Mula noong gabing nagkainitan kami ni Minerva ay tinrato niya na lang ako na parang wala ako sa paligid.

Every meal has been tense and I just treated their home like a rental house where I can sleep and go as I please. If I was dreading every school day when I was in the states, I treat them as my escape now. I've never felt more caged in a house with an open view.

I wanna look forward to the day of my escape, but I already miss my source of refuge even before I go away. Shit. I am gonna be in deep trouble if this goes on.





@bloodyjackpot


PGS05: In Fact, You WaitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon