THIRTY SEVEN

4 0 0
                                    

Nang nakalayo na sina Gaia at Diane ay biglang huminto si Diane at nakangising lumingon kay Gaia.

"Ngayong na tayong dalawa na lang! Let's end this!" Ani Diane sabay bunot ng baril nito saka tutok kay Gaia,

"Pinatay mo si Michael pwes buhay ang kinuha mo buhay din ang kapalit." Dagdag pa nito.

Kumabog ng mabilis ang dibdib ni Gaia na kahit inaasahan na niya ang pangyayari na ito ay hindi pa rin niya maiwasan ang kabahan sa maaring mangyari lalo na't naunahan pa siya ni Diane sa pagbunot ng baril.

Alam niya na maaring ito na ang katapusan niya, kapag hindi niya nagawang pakalmahin si Diane.

Dahil sa naunahan siya ni Diane sa pagbunot ng baril ay dahan-dahan na lang siyang pasimpleng humuhugot ng baril mula sa likod niya kung saan nakalagay ang baril niya pero matalas ang mata ni Diane at napansin ang ginagawa niya.

"Oops! Oops! Oops! Don't ever try!" Banta ni Diane ng makita ang ginagawa ni Gaia.

Agad naman tuloy na nailayo ni Gaia ang kamay niya sa baril at itinaas ang dalawang kamay.

"Diane, hindi natin kailangan magpatayan!" Pagsusubok ni Gaia na pagpapakalma kay Diane.

"And who told you na magpapatayan tayo? 'Di ba ako lang ang may hawak ng baril so—ikaw lang ang mamamatay!" Sagot ni Diane na nakangisi pa.

"Diane relax lang, wag kang magalit, pag-usapan natin ito."

"Pag-usapan? Ha!ha!ha! wala tayong dapat pag-usapan dahil pinatay mo ang lalaking mahal ko kaya ito na ang katapusan mo!" Nangagalaiting saad ni Diane saka pwesto ng daliri niya sa gatilyo at akmang kakalabitin na niya ito ng biglang...

Sumulpot si Maxine at pinaputukan nito si Diane—pero hindi naman pinuruhan, sa bandang kamay lang na naging sanhi ng pagkakabitaw nito ng baril.

"Shit!!!" Sigaw na daing ni Diane dahil sa daplis ng bala sa kamay nito. "Bullsh*t!!!" Dagdag pa nito na matalim ang tingin kay Maxine. "How dare you!!!"

Pero hindi pinansin ni Maxine si Diane at naglalakad itong nakatutok pa rin ang baril dito habang papalapit kay Gaia.

Nang biglang kumunot ang noo ni Diane ng makilala si Maxine. "Diba ikaw si Maxine! You're supposed to be Sandoval's allied, pero bakit mo ipinagtatangol ang babaeng yan—ang babaeng pumatay kay Michael."

Nagkatinginan lang sina Maxine at Gaia saka parehong nakangising napatingin kay Diane.

"Wag niyong sabihin na—" Medyo nagkaroon ng ideya si Diane sa nangyayari dahil sa kakaibang ngisi na iyon nina Maxine at Gaia.

"Yes, you guess it right." Putol na sagot ni Maxine sa gusto sanang sabihin ni Diane. "Buhay si Michael at pinalabas lang na pinatay siya ni Gaia ay para makapasok kami dito sa kuta niyo!" Dagdag pa niya na mas lalong lumapad ang pagkakangisi.

Nanlaki ang mga mata ni Diane "I want to see Michael!" Pakiusap niya na hindi na pinansin ang mga huling sinabi ni Maxine ang mahalaga sa kanya ay ang malaman na buhay pa si Michael.

Muling nagkatinginan naman sina Maxine at Gaia saka nagkatanguan muna bago muling ibinaling ang tingin kay Diane.

"Dadalhin ka namin kay Michael pero sa isang kondisyon." Sabi ni Maxine.

Hindi na nagsalita si Gaia dahil baka hindi siya pakingan ni Diane kaya hinayaan na lang niyang si Maxine ang makipag-usap dito.

"Anong kondisyon?"

"Ang tanong ay kaya mo kayang gawin ang hihingin naming kondisyon?" Tanong pa ni Maxine.

Hindi agad nakasagot si Diane dahil napaisip siya ng malalim—may ideya na siya kung ano man ang hihingin ng mga ito na kondisyon kapalit para makita at makasama niya si Michael. "Oo gagawin ko para kay Michael." Maya-maya'y sagot niya.

Buo na ang desesyon niya—kaya niyang talikuran ang pamilya niya para kay Michael—nang inakala niyang patay na si Michael ay doon lang niya narealized kung gaano niya ito kamahal kaya naman ngayon—ngayon na nalaman niyang buhay pala ito ay handa na siya.

Handa na siya na talikuran ang lahat para dito—handa na siyang magbago para dito.

"Kaya mo bang ibigay samin ang lahat ng ebidensya laban sa Tatay mo?"

Napalunok pa si Diane dahil tulad ng ang inaasahan niya iyon nga ang hihingin ng kondisyon ng mga ito.

Isang malalim na buntong-hininga pa ang pinakawalan niya. "Oo."

Muling nagkatinginan sina Maxine at Gaia dahil hindi nila inaasahan ang sagot na iyon ni Diane.

"Sigurado ka?" Nakasalubong ang kilay na hindi makapaniwalang reaksyon ni Gaia.

"Oo sigurado ako basta siguraduhin niyo rin na dadalhin niyo ako kay Michael." Matigas at siguradong-siguradong sagot ni Diane.

Napalunok pa si Gaia dahil sa sagot ni Diane. Medyo natatakot kasi siya sa mangyayari kapag nagkita sina Diane at Michael lalo na kapag nalaman ni Michael ang ginawa ni Diane na pagpili dito kesa sa pamilya nito—sa pagpili nito ng pagkalaban sa sarili nitong pamilya para kay Michael.

Natatakot siya na baka biglang manumbalik ang dating pagtingin ni Michael para kay Diane dahil sa ginawa nitong tama—sa ginawa nitong dapat.

"Ok...kung ganon pala let's move." Saad ni Maxine. "Para matapos na ang lahat na ito." 

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon