THIRTY NINE

4 0 0
                                    

Masayang at ngiting tagumpay na umuwi sina Miguel, Harris, Maxine, Gaia at kasama si Diane na sumama para makita si Michael.

"Gaia pwede ka bang makausap?" Agad na tanong ni Miguel kay Gaia pagkauwi nila.

"Sige po, marami din po akong gustong itanong sayo." Sagot naman ni Gaia.

"Tara doon tayo sa opisina ko." Ani Miguel saka naglakad na ito papunta sa opisina nito habang nakasunod naman sa kanya si Gaia.

"I am sorry sa nangyari sa Mom mo." Agad na paghingi ng paumanhin ni Miguel kay Gaia ng makapasok na sila sa loob ng opisina nito.

Hindi pa rin talaga kasi silang nagkakausap tungkol sa totoong nangyari sa Ina ni Gaia—hindi pa niya naiipapaliwanag ang lahat.

Pagkatapos ng pagbaril ni Gaia kay Michael para palabasin na pinatay nito ang anak niya ay hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap at tanging litrato nito at ina ang naging susi kung paano niya nalaman ang koneksyon nilang dalawa—nag-iwan din ito ng video na naglalaman ng instruction ng magiging bagong plano.

"At maraming salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon na magpaliwanag kung ano ang totoong nangyari." Dagdag pa ni Miguel.

Isang tipid na ngiti naman ang isinagot ni Gaia. "Mas pinili ko po kasing paniwalaan ang nararamdaman ko na may valid ka pong reason kung sakaling nagawa niyo man nga iyon—ayaw ko po kasing basta na lang magpadalos-dalos sa panghuhusga sa inyo." Sagot pa ni Gaia kaya napatango-tango si Miguel at saka inumpisahan na nito ang pagpapaliwanag.

Ikinuwento ni Miguel ang lahat mula sa pinakaumpisa.

* * * *

Nakangiting lumabas si Gaia sa opisina ni Miguel pagkatapos nilang magkaliwanagan sa totoong nangyari sa Mama niya—nakontento at naniwala naman siya sa paliwanag nito kaya naman medyo gumaan na ang pakiramdam niya at sa mga oras na ito ay ang sunod na gusto niyang makita ay si Michael.

Totoong binaril niya si Michael for the purpose ng video na pinakita niya kay Albert para maniwala ito na kumampi na siya sa mga ito kaya naman gusto niyang malaman kung kumusta na ito.

Mabilis ang mga hakbang habang papunta siya sa silid na kinaroroonan nito.

Nang marating na niya ang silid nito ay huminga muna siya ng malalim saka binuksan na niya ang pinto pero nang bigla siyang napahinto sa pagbubukas ng pinto ng marinig niya ang boses ni Diane at Michael na nag-uusap.

Nawala pala sa isip niya na andito rin pala si Diane para makita si Michael. Gusto niyang sarhan ulit ang pinto pero hindi niya magawa at nanatili siyang nakatayo doon habang nakikinig sa usapan nina Michael at Diane.

"I did the right thing Love. I choose you over my father." Narinig ni Gaia na sabi ni Diane kay Michael.

"Masaya ako sa naging desesyon mo, masaya akong mas pinili mong gumawa ng mabuti."

"Yes, of course dahil ayaw kong mawala ka sa akin—dahil hindi ko kayang mawala ka kaya mas pinili kong gawin ang tama. Noong akala ko patay ka ay biglang gumuho ang mundo kaya naman ng malaman ko na hindi totoo iyon hindi na ako nadalawang isip na piliin ka—ang piliin ang tama." Sabi pa ni Diane.

"Diane—"

"Mahal na mahal kita Michael at hindi ko alam kung paano mabubuhay ng wala ka sa buhay ko kaya naman pinapangako ko ba babawi ako, babawi ako sa lahat ng kasamaan na nagawa ko—Pagbabayaran ko ang lahat ng maling nagawa ko—basta ipangako mo lang na hinding-hindi mo ako iiwanan."

Hindi agad nakakibo si Michael sa mga sinabi ni Diane dahil hindi niya alam kung paano sasabihin dito na naglaho na ang pagmamahal niya dito o kung mayron pa man natitira ay hindi na katulad ng pagmamahal na nararamdaman niya dito dati.

Hindi niya tuloy alam kung paano sasabihin na may iba nang nagmamay-ari ng puso niya—si Gaia.

Nakikita naman kasi niya sa mga mata ni Diane ang pagsisisi at ang talagang kagustuhan nito na magbagong buhay kaya hindi niya magawang sabihin dito ang totoo dahil panigurong madudurog ang puso nito at baka ito pa ang maging dahilan ng pag gawa ulit nito ng masama at muling pagpanig nito sa Ama.

* * * *

Hindi na tinapos ni Gaia ang usapan nina Diane at Michael dahil sapat na ang mga narinig niya na mga sinabi ni Diane.

Masaya siya sa naging desesyon ni Diane na magbago at willingness nito na pagbayaran ang mga kasalanan nito para kay Michael kaya naman ayaw na niyang makisawsaw pa, ayaw na niyang umeksena pa dahil ayaw niyang kapag nangialam at ipaglaban pa niya ang nararamdaman niya para kay Michael ay maging dahilan pa ito sa pagkaunsyame ng pagbabagong buhay ni Diane.

Hindi man niya ganon kakilala si Diane pero alam niyang tulad niya ay biktima rin naman ito sa kasamaan ni Albert Aguas, hindi naman nito kagustuhan ang lahat—nagkataon lang na anak ito ni Albert kaya kailangan nitong sundin ang mga inuutos ng ama kaya naman ayaw niyang sirain pa ang pagbabagong buhay nito.

Ayaw niyang maging hadlang sa pagbabagong buhay na pinili nito kaya mas pipiliin na lang niyang kimkimin ang nararamdaman at pilit na lumayo na lang kay Michael.

"Gaia..." Narinig niyang tawag sa kanya ni Maxine kaya Napalingon siya dito. "Nagkita na ba kayo ni Michael?" Usisa nito

"Magkausap pa sila ni Diane kaya mamaya na lang siguro ako pupunta." Sagot ni Gaia na pilit pinapasigla ang boses kaya tinitigan siya ni Maxine.

"Anong plano mo ngayon na tapos na ang lahat?" Usisa pa ni Maxine.

"Hindi ko pa alam e." Sagot naman ni Gaia. "Ikaw? Anong plano mo sa katawan ni Jacob at ano ang gagawin mo ngayon?"

"Ako? Ipapalibing ko siya sa tabi nina Mama at Papa at—" Sagot ni Maxine saka napabuntong hininga muna bago ipagpapatuloy ang sasabihin. "Siguro magpapakalayo-layo muna ako..."

Medyo kumunot ang noo ni Gaia. "Magpapakalayo-layo?" Ulit niya.

"Oo—masyadong madami na akong mahal sa buhay na nawala, durog na durog na ang puso ko kaya gusto ko na munang magpakalayo-layo at paghilumin ang sugat nito." Malungkot na sagot ni Maxine na itinuro pa ang puso. "At isa pa gusto ko na rin ng tahimik na buhay tulad ng pinapangarap ni Jacob." Dugtong pa nito.

Isang mapaklang ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Gaia dahil sa tinuran ni Maxine. Tulad nito ay gusto rin niyang bigyan ng oras muna ang sarili—paghilumin din muna ang sugat sa puso niya at hanapin ang kalayaan na matagal na niyang minimithi.

Gusto rin na muna niyang magpakalayo-layo para kalimutan na si Michael—para tuluyan nang alisin sa buhay niya ito para sa ikakasaya ng lahat—para sa katahimikan ng lahat.

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon