CHAPTER 20

1.2K 50 30
                                    

AUTHOR'S POV

Tulala na naglalakad mag isa si Mikha at iniisip parin ang sinabi ni Stacey sa kanya. Hindi niya inaasahan na mapupunta sa ganito ang relasyon na meron sila ni Stacey.

Dahil mas pinili niya ang kaniyang kasiyahan ay parang mawawalan pa siya ng kaibigan na matagal na niyang iniingatan.

At hindi ganun kadali na pakawalan nalang niya si Stacey, hindi niya kailangan pumili at may umalis sa kanyang buhay.

Kaya nga siya sinasabihan palagi na matigas ang ulo, at paninindigan niya ito.

Buo narin ang desisyon ni Mikha, susuyuin niya si Aiah hanggang sa bumigay ito at makapag usap sila bago ayusin ang sa kanila ni Stacey.

Hindi niya kayang gawin yung sinabi ni Gwen sa kanya, she cannot wait Stacey for Aiah. And she thought that her bestfriend also need time to heal kahit konti man lang na pahinga bago niya ito kausapin.

Meanwhile Jhoanna, nagmamadali siyang pumunta sa office ng ssg nang tawagan siya ng kanyang pinsan.

Nasa gym lang siya kanina nanonood ng tune up game ng first year at second year. Buti at pumayag din si Mikha na wala na din silang practice at ihanda nalang ang sarili sa Thursday for their games.

Pagdating niya sa office ay binuksan niya ang pintuan pero kumunot ang noo nito nang makita na walang tao sa loob.

"Ako ba trip nung babaeng yun at pinapunta niya ako dito tapos wala naman siya."

Tanging pag-iling nalang din ang nagawa niya nang makita ang magulo niyang desk na alam niyang kagagawan ng mga kasamahan niya sa ssg.

"Sasabunutan ko talaga kung sino umupo dito sa desk ko."

Ayaw ni Jho ng magulo at nadudumihan yung property niya. Madamot din siya sa mga gamit, pili lang yung pinapahiram niya.

Habang nagliligpit iniisip niya kung sino ang gumamit ng desk niya, kung si Aiah ay siguradong hindi nito iiwan na magulo ang kanyang desk dahil nagliligpit din ito bago umalis.

Hindi din naman si Maloi kasi may sarili itong desk, iisipin narin sana nito si Sheena dahil magulo talaga ito kumilos pero, nakita niya ang isang maliit na bracelet na kulay pink na natabunan ng isang papel.

Ngumisi siya habang hawak at tinitigan ito, sa kulay palang alam niya kung sino ang nagmamay-ari.

Nagulat nalang siya na biglang bumukas ang pinto, kaya tinago niya ang bracelet na hawak niya sa bulsa nito.

Pumasok si Stacey na natataranta at parang may hinahanap. Simula sa sofa, mga table at cabinet at sa mga kalaliman nito ay tinitingnan niya.

Akala din no Jhoanna ay hindi siya nito napansin, pero binalibag siya ni Stacey paalis sa kanyang desk na hindi man lang siya tiningnan.

"Ano ginagawa mo?" Kunot noo na tanong ni Jho habang abala ang dalaga sa paghahanap sa kanyang mga drawer.

Hindi ito nakatanggap ng sagot, kaya magsasalita na sana ito para tanungin ulit tungkol sa bracelet. Pero napanganga nalang siya at hindi makapaniwala, nang makita ang kakaayos niya lang na gamit sa desk ay magulo na naman.

"Walanghiya...HOY KAAYOS KO LANG NIYAN!" Sigaw nito pero parang walang pake si Stacey at tinalikuran siya para maghanap sa ibang sulok ng office.

"Anak na pu–" Jhoanna pursed her lips trying to calm herself.

"Saan na ba kasi yun." Pa-iyak na bulong ni Stacey.

"Hoy Sevilleja alam mo naman siguro na nagkakalat ka sa ginawa mong yan noh?!" Rinig siya ni Stacey, pero pinili nitong wag pansinin.

COMPLICATED LOVE [ BINI AU ]Where stories live. Discover now