CHAPTER 27

1K 47 9
                                    

JHOANNA'S POV

"Earlier titig na titig ikaw sa girl na yon, and then when I'm infront of you hindi na ikaw makatingin sa akin?"

Tinanong niya pa talaga yan? Parang hindi na nga ako makahinga dito sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Buti nga wala dito si Gwen, kundi panay tukso nun sa akin. Kaming dalawa lang dito sa loob dahil nagsimula na yung pageant at production number na nila.

Kaya nga kinakabahan din ako baka bigla ko nalang siya masunggaban ng halik, pero siyempre marespeto akong tao hindi mangyayari yung iniisip ko.

"Di kapa ba tapos?" Kunyari naiinip kong sabi.

"Kanina pa ikaw tanong ng tanong niyan, what if I'll gawin ko ikaw na clown?"

"Edi sana si Mishiel nalang kanina pina make up ko sa akin."

"Then dun ka." Tatalikuran na sana niya ako but i held her hand para pigilan siya.

"Eto naman hindi mabiro."

"I'm serious Robles, if u don't want me here then I'll go tawagin ko si that girl." Diniinan niya pa talaga yung pagsabi sa last words.

Ang weird rin kasi kung hindi ko ito kilala si sungit, iisipin ko na nagtatampo siya...ganun kasi yung tono ng boses niya ngayon.

"Sige na continue mo na make up mo sa akin."

"No, pa make up ikaw kay Mishiel mo."
Ngumisi naman ako, kapalan ko na talaga mukha ko para naman mabawasan kaba ko ngayon.

Mas kinakabahan pa ako na kasama ko si sungit na mag isa ngayon kaysa kumanta mamaya.

"Asus, nagseselos ka no?" Bigla naman siya nandiru sa sinabi ko.

Ouch mhen..

"Yak! Robles! Kapal ng mukha mo, asa ka!"

Teh? Yun lang naman sinabi niya pero ang sakit sa puso?

Sana nanahimik nalang ako.

Ayan Jhoanna, lesson learned.

---

Minuto yung nakalipas bago matapos yung make up ni sungit sa akin, nagbibihis narin ako ng damit ko. Bale naka white na polo ako then blue suit pero hindi ku muna ito sinuot. Naka open ng dalawa yung butones ko. Ang init din kasi, tsaka mabilis ako pawisan.. kakamakeup palang sakin baka mabura na painting ko sa mukha.

Lumabas na ako ng cr, si sungit nag aayos na ng mga gamit...at nandito rin pala sa loob si Mishiel with the contestants kanya-kanya na silang ayos. Rinig ko rin na next na daw yung mga talents nila.

Kumaway ako kay Mishiel at ngumiti lang siya, pero binaba ko din kaagad kamay kasi lumingon si sungit.

Nakataas na naman mga kilay niya habang nakatitig sa akin. Hindi naman ako mapakali kasi, panget ba nung suot ko? Hindi ba bagay? Pogi naman ako diba?

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang naglakad siya papalapit sa akin.

Teka ano gagawin neto? Jusko..wag ka lumapit baka marinig mo kalabog ng dibdib ko.

"Hindi ka ba marunong mag button ng shirt mo?" Alam niyo yung goosebumps guys? Yun yung naramdaman ko ng maglapat ang kamay ni sungit sa dibdib ko at inayos ang butones ko, kaya isa nalang ngayon ang nakabukas.

"You really wants everyone attention talaga sayo.." she rolled her eyes at tinalikuran ako, while me ay hindi parin alam kung ano ibig sabihin niya.

COMPLICATED LOVE [ BINI AU ]Where stories live. Discover now